[ Lilith ]
Bago man dumating si papa sa unit ay nagpasya naming pumunta muna sa 'new place.' Ang lugar kung saan namin una sinanay noon si Harlan. Halos walang nagbago sa lugar na ito. Parang hindi man lang ginalaw ang mga gamit na narito. Sana ay lahat ng mga ito ay hindi pa sira.
"Sigurado ba kayong dito kayo magse-stay?" Tanong ni Rhys. Sumama siya sa amin dahil namiss din daw niya ang lugar na ito. Kumsabagay. Kahit naman ako.
"Oo. Gusto ko sa oras na malaman nilang narito kami, masosopresa siya." Bumaling ako sa kaniiya at ngumisi. "I love surprises."
Nagbuntong-hininga siya. Tanda na pagsuko. Wala siyang magagawa sa mga desisyon at plano ko. Malaki daw ang tiwala niya sa mga diskarte ko. At ayokong mabali ang tiwala niya lalo ng mga kasamahan ko.
Nilapag ni tatay ang isang malaking baul sa sahig. "Narito na ang mga gamit ni Mystia." Anunsyo niya. "Patingin nalang Mystia kung may nasira o ano."
Agad naman nilapitan ni Mystia ang baul. Binuksan niya iyon at isa-isa niyang nilabas ang mga bagay na ngayon ko lang nakita. Meron pang bolang kristal. Mga baraha, candle holders, mga tela... At bungo?
"Kasama ba talaga iyan sa pagiging witch ninyo ang bagay na iyan?" I suddenly asked.
Painosente siyang bumaling sa akin. Niyakap niya ang naturang bungo at tumango. "Hindi pwedeng iwan ito. Masyadong importante ito para sa aking altar." Sagot niya. "Siya nga pala, tutal narito na rin naman ako sa lugar na Maynila, siguro ay kailangan kong bisitahin ang isa sa mga kakilala ko. Si Calyx."
Kumunot ang noo ko. "Who the hell is Calyx?"
Ngumiti siya. Wait, tama itong nakikita ko? Ngumingiti ang isang tulad ni Mystia Circe? "Calyx is a witch hunter. I know he can help us out." Sagot niya. "Nasa kaniya din ang iba kong gamit."
Tumango ako na parang naiitindihan ko. "Kung ganoon, alam mo naman kung saan siya nakatira at alam mo na kung ang daan pabalik dito?"
"Yeah, don't worry."
"So what's your plan, Lilith?" Si tatay naman ang nagtanong nang nakalapit siya sa amin.
Imbis na sagutin ko ang kaniyang tanong ay ngumisi ako.
**
Kinaumagahan ay tumigil ang sasakyan sa mismong loob ng Stoneford University. Nang lahat kami ay lumabas mula sa sasakyan ay kani-kaniyang ayos ng mga damit. Hinubad ko ang aking sunglasses at tumingala kami sa matayog na gusali. Oh s**t, hindi pala kami pwede tumagal nito ni Rhys sa labas dahil bawal sa amin ito.
Ang mag-amang Primus at Rhys ay mga Architect student, while tatay and Harlan are college professors. Kami naman ni tita Lucille ay mga Fine Arts Student. Nasa lungga namin si Mystia. Wala na akong choice. Kailangan kong gawin ito para mas lalo ko mabantayan sina mama at papa. Binigyan namin siya ng cellphone para may komunikasyon kami sa kaniya sa oras na may problema.
"Ready?" Seryosong tanong ko sa kanila.
"Ready." They answered.
Tumango ako. Ako na ang naunang maglakad papasok sa gusali. Nasa likuran lang ang mga kasamahan ko. Hindi ko akalain na makakakuha kami ng atensyon sa oras na ito. Lahat ng mga mata ay sa amin nakatingin. Sino ba tinitingnan nila?
"Oh em gee. Ang guwapo!" Tila ng isang babae sa isang gilid. Halos sakalin na niya ang kasama niyang babae.
"Oh damn, dude. Ang hot nung nasa gitna!"
"Hot din 'yung kasama nilang babae. She's a bomb, dude."
"Pamura nga ng isa." Rinig kong bulong ni tatay. "Mga kupal ito, subukan nilang pormahan ang fiancee ko, bali mga buto nila sa akin. Tss. Sorry, Lord. Okay na ako."
"Kambal ba 'yung dalawa? Magkapatid? Oh sheeet, ang guguwapo!"
"Hala! Ang guguwapo ng mga bagong prof. Shet, anong department sila? Magsishift na ako, now na! Kyaaah!"
Hindi na namin sila pinansin pa. Hindi sila ang ipinunta ko dito. Ang misyon namin ay bantayan ang mga magulang ko at para mailayo ko sila sa mga epal na black witches. Lalo na sa isa na hindi ko matukoy kung sino ba talaga itong nagpaparamdam sa amin.
Tumigil kami sa isang corridor.
"Papasok na kami ni Harlan sa faculty." Anunsyo ni tatay. Tiningan niya ang mag-ama. "Magkaklase kayo kung saan din nagkaklase din si Ramael."
"Kami na ang bahala kung saan nagkaklase si Beth." Segundal pa ni tita Lucille na nakangiti. "I love you, Raziel loves. Ako lang ha?"
Malapad ngumiti si tatay. "Naman!" Akmang yayakapin sana niya si tita Lucille nang hawakan siya nina Primus at Harlan sa magkabilang balikat niya.
"Dude, you're a prof and your fiancee is a student. Bawal ninyong ipagkalat ang relasyon ninyo. Lalo na kung PDA kayo Tss." Seryosong sabi sa kaniya ni Primus.
"Wala pang first day, masipa na tayo palabas ng university na ito." Dagdag pa ni Harlan.
Napangiwi si Raziel. Parang naiiyak na naman. Tinawanan lang siya ni Lucille.
Tumikhim ako. "Magkikita nalang tayo kapag vacant na natin." Malamig kong sambit. May mga kani-kaniyang cellphone naman kami kaya wala masyadong poproblemahin pa.
**
Abala kami sa paghahanap ng room namin ay napapansin ko pa rin ang mga tingin sa direksyon namin ni tita Lucille. Tss. Parang ngayon lang nakakita ng tao. Kabadtrip mga ito. Ganito ba talaga ang mga estudyante dito?
"Ah, miss?" Biglang tawag sa amin ng boses lalaki.
Sabay kaming tumingin ni tita Lucille sa kaniya.
"Ahm, mukhang bago palang kayo dito sa Stoneford. Tulungan ko kayong mahanap ang mga classroom ninyo." Pagboboluntaryo pa niya pero pa-cool pa. Nilipat ko ang tingin sa isang gilid. Dalawang lalaki na parang nagbubulungan na parehong nakangisi na mala-demonyo. Dahil d'yan ay uminit ang ulo ko. Bumaling ako sa lalaking kaharap namin. Matalim ko siyang tiningnan. Walang sabi na hinawakan ko siya sa kuwelyo ng kaniyang uniporme at marahas ko siyang isinandal sa pader. Kitang kita kung gaano siya nagulantang sa ginawa ko.
"Lilith!" Suway sa akin ni tita Lucille pero hindi ko pinansin iyon.
"Gasgas na iyang moves mo, lalaki." Mariin kong sabi. "You're planning to hit on us. Tss."
"A-ah..." Wala siyang makapang salita dahil sa gulat.
Hinawakan ako ni tita Lucille sa isang kamay ko. Inaawat niya ako. "Tama na." Saka binulungan niya ako. "Hindi mo pwedeng ipakita sa kanila ang abilidad mo dito dahil paniguradong mapapahamak tayo. Hindi natin mababantayan ng maayos ang mga magulang mo."
Bigla ko binitawan ang lalaki. Inangat ko ang isang paa ko at tinadyan ko ang pader sa pinakamahinang paraan pero nabigla pa rin siya sa ginawa ko. Taas-noo ko siyang tiningnan at humalukipkip ako. "This is my first warning."
"Tara na..." Saka hinatak na ako ni tita Lucille palayo sa lalaki. Kahit na ngalalakad na kami palayo ay humabol pa ako ng tingin. Napabagsak siya sa sahig na parang nanghihina. Tss, nababagay nga sa iyo 'yan. Mas guwapo pa asawa ko sa iyo.
Sige pa rin kami sa paghahanap. Ang laki naman ng lugar na ito. Bakit ba nila pinapahirapan ang mga estudyante nila sa paghahanap ng mga classroom dito?! Kapag ako nainis, wawasakin ko ito!
"Lucille? Lilith?"
Tumigil kami sa paglalakad nang may tumawag sa amin. Sabay kaming lumingon. Napaawang ang bibig namin nang tumambad sa harap namin si Ms. Yen.
"What are you doing here?" Nagtatakang tanong niya sa amin. Pinagmasdan pa niya kami. "And you're wearing uniforms..."
Napangiwi kami. "Y-yeah. Nag-enroll kami..." Sagot.
Tumalikwas ang isang kilay niya. "Kayo lang ba?"
"Actually... Harlan, Raziel, Primus and Rhys are with us." Si tita Lucille ang sumagot. "Misyon naming bantayan ang mag-asawa. Shh ka lang, ha? Please?"
Tumango siya na parang naiitindihan niya ang ibig namin ipahiwatig. "It's that so... Which department are you?"
"We're taking Fine Arts." Ako naman ang sumagot.
Parang namangha pa siya. Alam kong gusto niyang matawa na ewan. Tss. Bakit ba?!
**
"Lilith Rosemarie Black." Seryosong pakilala ko sa harap ng klase. Kitang kita ko kung papaano nagulat si mama nang makita niya kami dito. Nilipat ko ang tingin ko sa lalaki na katabi niya. He's like a bad boy or may kakaiba lang din sa lalaking ito? Base sa nararamdaman ko, hindi siya tulad ng hinahanap kong enerhiya.
Pagkatapos naming magpakilala ay agad naming nilapitan ang mga bakanteng high stool na may easel sa harap. Ipinatong ko sa isang gilid ang mga gamit ko. May lamang sandata ang mga iyon. Just in case.
"P-papaanong..." Magsasalita pa sana si mama pero pinigilan siya ni tita Lucille.
"Sorry, Beth. We need to do this. Mamaya na kami mag-explain sa iyo." Bulong niya na nakangiwi.
Tahimik lang akong nakaupo. Nanatili ang tingin ko sa lalaking nasa tabi ni mama. Nanatili siyang nakatalikod sa akin tila wala siyang pakialam. Nilipat ko ang tingin ko kay mama. Naniningkit ang mga mata ko nang makita ko ang kaniyang binti. They're trembling. Para saan? Bakit ganito ang nararamdaman niya? Imposibleng matatakot siya sa akin. Tss.
Mas lalo ako napapaisip. Mukhang may nangyari nang hindi ko alam o ni papa. Hmmm... Kailangan kong malaman kung ano iyon.
"Lilith, magdodrawing na daw." Bulong sa akin ni tita Lucille.
Nanumbalik ang ulirat ko sa kaniyang sinabi. Napaawang ang bibig ko. Agad kong nilabas ang sketch pad at mga gamit na pampakulay na talagang si Harlan pa ang bumili ng mga ito para sa akin.
Tulad ng instruction ng prof ay gumuhit ako. At ilang saglit pa ay natapos ko na. Medyo nagtaka pa si tita Lucille dahil wala na akong ginawa kungdi nakatingin sa kawalan.
"Tapos ka na, Lilith?" Usisa niya.
Tumango ako bilang tugon. Ipinakita ko sa kaniya ang drawing ko. Nang makita niya ang ginuhit ko ay umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Parang gusto niyang matawa o maawa. Anong problema sa drawing ko?
Tumingin siya sa akin at ipinakita sa akin ang ginuhit ko sa sketch pad. "Lilith, hindi uso sa Fine Arts ang stickman."
Binuka ko ang aking bibig nang bigla bumungisngis ang lalaki na katabi ni mama. Huh?
Inis kong binawi ko ang sketch pad mula sa kamay ni tita. Kinagat ko ang labi at magguguhit nalang ako ng panibago. Tang ina, bakit kasi wala akong talent sa pagdodrawing?!