[ Eurille / Bethany ]
Hindi ako makatulog. Hindi ako dinadalaw ng antok. Nanatili lang akong nakahiga dito sa kama. Pasado alas onse na ng gabi. Kakatapos lang din namin mag-usap ni Ramael sa pamamagitan ng tawag. Gusto pa man din daw niya ako bisitahin pero tumanggi ako. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya kung ano ang nanyari sa akin kanina.
Napabalikwas ako ng bangon at pumikit ng mariin. Huminga ako ng malalim. Masasabi kong delikado kami ngayon. Dahil sa parehong tao na sina Ramael at Lucille. Dahil d'yan ay wala na silang kapangyarihan. Kung magkakaroon man ng kalaban o unos sa amin ay wala akong ideya kung papaano namin lalabanan iyon. Yumuko ako at napasapo sa aking ulo. Napapaisip ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Iapila ko kaya kay Lilith itong naencounter ko kanina? Ang kaso, pamilyada na siya. Ayoko namang abalahin silang dalawa ni Harlan...
Napatingala ako sa kisame at kumawala ng isang malalim ba buntong-hininga. Kina Primus at Rhys kaya? Ang tanong, saan ba sila nakatira ngayon? How can I reached them?
**
[ Lilith ]
"Pinatawag mo daw ako..."
Lumingon ako sa bagong dating na si Mystia Circe. Hinarap ko siya. My eyes darted at her. I looked at her seriously. Kanina ko pa siya hinihintay dito sa Library dahil may mga kailangan akong tanungin ukol sa mga babala na binanggit niya sa amin noong tumuntong siya dito sa mansyon. Narito rin sina tatay Raziel at tita Lucille, pareho silang nakaupo sa couch ng Library.
Nilapitan ko ang swivel chair at umupo. Ipinagdikit ko ang mga dulo ng diliri ng aking mga kamay. Tumingin ako sa malayo. "Ang tinutukoy mong mga dadating na hindi dapat, ang mga kasamahan mo sa Ouraphia... Binanggit mo din na hindi mo sila kakayanin na mag-isa... Ilan sila?" Kahit sa tono ng aking pananalita ay may bahid na kaseryosohan.
"Apat sila, Miss Lilith." Seryoso din ang tugon niya.
Bumaling ako sa kaniya. "Ano-anong kapangyarihan na mayroon sila? Masyado ba silang malakas kaysa sa iyo? O ano?"
Bago niya ako sagutin ay kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Tumingin siya ng diretso sa akin. "They're my classmates in a witchcraft school. Tingin nila sa akin ay kakompetensya."
"May kinalaman ba ang pamilya ko sa gulo ninyo?" Muli kong tanong.
"Nakikita ko ay mayroon. Hindi ko lang matukoy kung ano at bakit."
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim. Ilang segundo lang ako pumikit at din rin naglaon ay dahan-dahan akong dumilat. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Masyadong malakas, masasabi ko na kasing pantay lang ng lakas ko o ang lakas ni Rhys? Sigurado akong hindi isa sa mga black witches ang enerhiya na nararamdaman ko.Hindi naman si Flavius iyon dahil siniguro kong nabura na ang hayop na iyon sa buhay at mga landas namin. Nasisiguro ko na isa siya sa mga demonyo o may lahing demonyo. "Palagay ko ay nasa Maynila sila." Mariin kong sambit.
"M-Maynila?" Takang tanong niya.
"Oo. Iba talaga ang pakiramdam ko. Pero alam kong hindi muna magpapakita sa akin ang pinapakiramdaman ko. Sa ngayon, kailangan ko makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kasamahan na sinasabi mo noong nasa Ouraphia ka pa." Saka bumaling ako sa kaniya. "Bukas na bukas ay aalis tayo. Tutungo tayo sa Maynila. Mas maganda kung hindi nating maibigay paalam sa mga magulang ko at mga iba ko pang kasamahan na nasa Maynila para hindi mapaghandaan iyon ng mga kalaban." Huminto ako ng ilang segundo at bumaling sa kinaroroonan nina tatay at tita Lucille. "I'm sorry mukhang mapopospone pa yata ang kasal ninyo dahil dito, tatay... Tita."
Pareho silang ngumiti. "Walang problema, Lilith. Mas importante naman itong misyon na ito. Makakapaghintay pa naman ang kasal." Wika ni tita Lucille.
"Yeah, mas importante sa ngayon ang proteksyon ng pamilya na ito, anak." Tatay beamed at me.
Dumapo naman ang tingin ko kay Mystia na ngayon ay nagtataka pa siya ngunit wala na siyang magawa kungdi sumang-ayon. Lihim ko kinagat ang aking labi. Naiinis ako. Kailangan kong unahan ang mga de puta bago pa sila makakilos.
Kinaumagahan din iyon ay maaga akong nagising. Sinadya ko talagang gisingin din ng sobrang aga si Harlan dahil na din sa byahe. Kailangan ay bago pa makauwi si papa galing sa eskuwelahan nila ni mama ay naroon na kami. Alam kong masosopresa din sila sa oras na nakarating na kami doon.
Masyadong antukin ang asawa ko. Tss. Dahil d'yan sasakyan ni tatay muna ang ginamit namin. Alam kong hindi pa kaya magmaneho ang isang ito lalo na't inaantok pa.
"Bantayan ninyong mabuti si Cade. Kapag may problema, huwag na huwag kayong mag-aatubiling tawagan ako o si Harlan." Bilin ko sa mga kasambahay.
Tumango sila. "Opo, Miss Lilith."
Bumaling ako kay Karyle na kasalukuyang nasa linya ng mga maid. "Siya nga pala, Karyle. Sa susunod na pasukan ay makakabalik ka na sa paaralan. Naaprobahan ko ang scholarship mo..."
Napaawanga ng bibig niya na tila hindi makapaniwala. "S-seryoso po kayo?"
BInigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Tumango ako. "Yeah, congratulations."
May namumuong luha sa kaniyang mga mata. Oh no, baka magalit si Rhys sa akin dahil pinaiyak ko ito. "H-hey, don't cry..." Malumanay kong sabi.
"Tears of... Joy lang po, Ma'm Lilith..."
Huminga ako ng malalim. Ang akala ko inaway ko na kahit wala naman akong ginawa.
"Mag-iingat po kayo, Miss Lilith." Biglang wika ng mayordoma.
"Salamat. Kayo din. Mag-iingat kayo."
Sumakay na kami sa sasakyan. Nasa likuran kami nina tita Lucille at Muystia habang nasa front seat naman sina tatay at Harlan. Balik sa pagtulog na naman ang asawa ko. Tsk. Heto ang problema kapag nagpakasubsob siya sa pag-aaral siya sa mga nakukuha niyang mga bagay mula sa mga trip niya sa ibang lugar.
**
Pagdating namin sa RCB Towers ay agad namin pinuntahan ang unit kung saan nakatira sina papa, Primus at Rhys. Dahil nasa unibersidad pa ang aking ama ay paniguradong isa kina Primus at Rhys ang magbubukas ang pinto at hindi nga ako nabigo.
Si Rhys ang nagbukas ng pinto. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya kami. "A-anong ginawa ninyo dito?" Hindi mapaniwalang tanong niya.
Isang seryosong tingin ang binigay ko sa kaniya. "Dahil kailangan at importante, Rhys." Sagot ko.
He set aside para makadaan kami. Humakbang kami papasok sa loob. Nadatnan namin si Primus na naghahanda ng pagkain nilang mag-ama. Tulad ni Rhys at nagulat siya sa presensya namin.
"Oh, napasugod kayo?" Tanong niya na nakangiti. Nagfist-bump sila ni tatay na akala mo ay matagal na silang hindi nagkita.
"May kutob ulit si Lilith, eh." Sagot ni tatay sa kanila.
Napaawang ang bibig ni Rhys. Bumaling siya sa akin. He seems surprised. "Anong ibig sabihin ni tatay, Lilith?" Tanong niya.
"Ang mga tinutukoy ni Mystia, alam kong narito lang sila sa Maynila. At kailangan natin silang unahan bago sila magbitaw ng hakbang."
"It means..." Si Primus.
Hinarap ko siya. "They want something in us, Primus." Seryosong tugon ko sa kaniya. "Isa sa atin ang kailangan nila. Nakonsulta ko na ang bagay na ito kay Mystia. Huwag na din kayo magtaka kung bakit isinama ko siya dahil kilala niya ang mga iyon."
Nagkatinginan ang mag-ama ng ilang segundo pagkatapos n'on ay ibinalik ang tingin nila sa akin. "Kung ganoon. Mas mabuting mas maaga nga ay maghanda na tayo." Sang-ayon ni Primus.
Tahimik akong tumango.
May isang ideya na sumagi sa aking isipan. Bumaling ako kay Msytia na abala na iginagala ang kaniyang mga mata sa paligid. Hindi ako sigurado kung sasabihin ko ba sa kaniya ang ideya kung iyon o hindi. I'm sure it will take a risk. If she can do it in a short time, it's okay for me.
"Lilith," Seryosong tawag sa akin ni Mystia.
Tila nanumbalik ang ulirat ko. "Hmm?"
"May gusto ka bang itanong?" Seryosong tanong niya. "You asked anything."
I clenched my fist. "Can you summon a demon? Can you summon my father to be a demon again, even in a short time?" I asked straight forwardly.
"Lilith," May halong pag-aalala at suway na tawag sa akin ni tatay.
"I can." She replied.
"I see." I said. Nilapitan ko ang kitchen counter. I silently tapped my finger in the counter. Biglang may sumagi sa aking isipan.
"Anong naiisip mo, wife?" Biglang tanong ni Harlan. Mukhang hindi na siya inaantok, hm.
Isa-isa ko silang tiningnan. "Those witches are like Mystia. Kung anong kapangyarihan na kaya ni Msytia ay kaya din nila..." I explained. Mas lalo sumasama ang kutob ko. Muli kong binalingan si Mystia. "Anong kaya mo na hindi nila kaya?"
"I am the class S witch." She response.
"At anong kaibahan mo bilang class S sa kanila, kung ganoon?"
Mas sumeryoso ang kaniyang mukha habang nakatitig siya sa akin. "Because I'm the chosen one to be a right hand of a queen." Huminga siya ng malalim. "They can't resurrect the human to life. Their knowledge about the most powerful spells are on limit."
I silently nod. "Ibig sabihin madali natin silang matalo. Maliban sa isa." I stated.
"Maliban sa isa?" Kunot-noong ulit ni Rhys. Ngunit, patanong iyon.
Nilipat ko sa kaniya ang aking tingin. "Oo. Kasing lakas ng enerhiya na meron tayo bilang cambion ang enerhiya na nararamdaman ko habang nasa Batangas palang kami, Rhys. Alam kong nararamdaman mo din iyon pero binabalewala mo lang." Napatingin ako sa kawalan. "Kaya kailangan ay dumoble ang ingat natin."
"I guess I need to prepare the 'new place' to practice?" Nakangising sabi ni Harlan.
"Dahil tao ngayon si papa, imposibleng maprotektahan niya ang kaniyang sarili. Mas lalo na si mama. Tatay, Primus and Rhys, kayo na ang bahala magbantay kay papa." Tumalim ang tingin ko. "Habang kami nina tita Lucille ang kay mama."