chapter thirteen

1787 Words
[ Eurille / Bethany ] Kinabukasan ay sa hapon na akong pumasok. Kaninang umaga kasi umalis na kami nina Ramael, Ms. Yen at ang mag-amang Primus at Rhys pabalik ng Maynila dahil may mga pasok pa kami. Nagpaiwan sina Raziel at Lucille dito sa Batangas para asikasuhin ang kanilang kasal. Atleast may kasama pa rin sina Lilith at Harlan, maliban sa mga maid at butlers ng mansyon. Papunta palang ako sa room kung saan ang susunod na klase ay nakasalubong ko sina Meera at Gilly. May mga ngiti sa kanilang mga labi. Anong meron ba't ang saya nila ngayon? "Buti nakita kita dito!" Bulalas ni Meera sabay pinulupot niya sa akin ang kaniyang mg braso sa isang braso ko. "Anong meron?" Takang tanong ko. "May mga bagong transferee dito sa Stoneford. Magkakapatid daw. Apat na babae at isang lalaki." Si Gilly ang sumagot, ng tanong ko. "Kaya nang nalaman ni Meera iyon, lalo na't guwapo daw ang kapatid nilang lalaki, ayaw, hyper na naman." Napangiwi ako saka bumaling kay Meera. Hindi mabura-bura sa mukha niya ang ngiti. Medyo gulantang pa ako. Nakamove on na ba siya ng tuluyan sa ex niyang si Alec? Parang ang bilis naman yata? "Okay ka na ba?" Tumango siya. "Naman! Ako pa ba? Ang walang kwentang lalaki na tulad niya ay dapat kalimutan na." Masayang sagot niya. Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Teka nga pala, eh kayo ba ni Kaiv, kamusta?" Natigilan ako. Oo nga pala, may isyu pa pala tungkol sa amin. Teka, hindi pa ba nahuhupa ang balita na iyon? At saka, papaano ko sasabihin tungkol sa amin ni Kaiv? Masyadong komplikado kasi, eh. Alangan naman sasabihin ko na nasa katauhan namin sina Bethany at Ramael? Baka hindi pa maniwala kaya hindi ko nalang sasabihin. And speaking, pumasok na kaya ang isang iyon? "H-hindi ko alam..." Iyon ang ang isinagot ko. Nagkatinginan silang dalawa na may pagtataka sa kanilang mga mukha pagkatapos ay bumaling sila sa akin. "Hala, bakit? MU lang kayo?" Tanong ni Meera. Hilaw akong ngumiti. "I mean, okay naman kami..." Palusot ko pa. Pasimple akong tumingin sa wrist watch ko. "P-papasok na ako sa klase. Chat nalang!" Sabi ko sa kanila. "Okay!" Kungwari nagmamadali pa ako pero ang totoo niyan ay kinakailangan ko munang lumayo para hindi nila ako masyadong mahalata. Dahil sa pinaghalo na ang katauhan namin ni Bethany ay baka magtaka pa sila. Pagkaupo ko sa high stool ay inilapag ko ang bag sa aking tabi. Binuksan ko iyon para ilabas ang gamit ko ngunit natigilan ako nang tumambad sa akin ang isang bagay na ibinigay sa akin ni Kaiv... Ang love knot. "Love knot. It represents eternal love because it has no beginning or end." Napangiti ako nang naalala ko ang sinabi niya. Ito ba ang sinasabi nila na kung talaga kayo ang itinadhana, kayo talaga. Kahit anong unos na dumating sa pag-iibigan ninyo ay mananatili iyong malakas alang-alang sa pagmamahalan ninyo. "Good morning, class." Rinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad akong tumingin sa harap. Napasinghap ako nang makita ko doon si Ms. Yen. Wait, siya ang professor namin ngayon? Hindi pa naman tapos ang sem ngayon, ah. "I'm your substitute professor in this subject for a week. Ms. Cruz was out of town because of personal matters." Sabi niya. Tumingin siya sa aking gawi. Ginawaran niya ako ng isang maliit na ngiti. "Today, I would like you to continue your master piece. I'll make a round." She said. Agad kami kumilos. Kinuha ko sa locker ko ang painting. Pagkatapos n'on ay bumalik na ako sa upuan ko kung nasaan ang easel ko. Pinatong ko doon ang canvass. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko ang aking obra. Nakaukit doon ang lugar na malaking parte sa aking pagkatao... Sa pagkatao namin ni Ramael. "Hmm, nice." Rinig kong boses ni Ms. Yen sa bandang likuran ko. Halos matalon ako sa gulat. Napasapo ako sa aking dibdib nang nilingon ko siya. "N-nakakagulat ka naman..." Mahinang sabi ko. Mahina siyang tumawa. "Sorry, I'm just curious about your paint." Wika niya. Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Nandito na sila. Kaya doblehin mo ang pag-iingat, Bethany." Sabi niya na halos pabulong na. Hindi agad ako makapagsalita. Sa halip ay sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nakabalik na sila sa unahan. "Before we start, I would like to introduce to you the new transferee in this class." Bumaling siya sa pinto. "Please come in." Tila may kausap siya mula sa labas ng silid na ito. Tumingin ako sa direksyon na iyon. Natigilan ako nang makita ko ang naturang lalaki. Hindi kaya siya ang binabanggit nina Gilly at Meera na may mga transferee na magkakapatid? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Nagiging slow motion ang lahat? Bumilis ang kabog ang diddib ko sa hindi ko malaman na dahilan? Parang hindi na naman ako makahinga? Parang may mali? Ang huli kong naramdaman na ganito ay kina Ramael noong demonyo palang siya at kay Falvius... Pero patay na si Falvius, pinatay na siya mismo ni Lilith. Tinalo na siya nito pero bakit? Bakit ganito? He's wearing an black and white stripes shirt, faded jeans and a chuck taylor shoes. Mas nakakapansin ang diyamanteng hikaw sa isang tainga niya. Like he's a badboy. And his cold gray eyes na parang nakita ako na iyon kung saan. Nakapamulsa siya't humarap sa amin. "You can introduce yourself." Wika ni Ms. Yen. Bago man ito nagsalita ay iginala niya muna ang kaniyang paningin sa paligid na tila may hinahanap siya. Hanggang sa dumapo ang tingin niya sa akin. I can see he's grinning! A-anong... "Ceylon Ruvelas. Transfer student form Greece. Along with my sisters..." Pakilala niya ngunit nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. Bigla akong yumuko para putulin ang titig niya sa akin. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Parang gusto kong umalis pero hindi ko magawa. Para akong nanigas sa dito. Ni hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. "We have a vacant seat beside Ms. De Acosta, you can seat over there." Ms. Yen instruct him. Walang nakuhang sagot si Ms. Yen. Rinig ko ang yabag ng mga hakbang niya na parang palapit sa akin. Bawat hakbang na kaniyang pinakawalan ay mas lalo tumitindi ang t***k ng aking puso. Parang hindi na ako makahinga... "Hi," Bati niya sa akin nang nakaupo na siya sa aking tabi. "Nice painting, huh." Doon na ako naglakas ng loob na tingnan siya. Napaawang lang ang aking bibig. Hindi ko magawang magsalita o sagutin siya dahil tila may nakabara sa aking lalamunan. Ang tanging magagawa ko lang ay tumingin sa kaniya. Kita ko ang pagngisi niya sa akin. Hindi ko malaman kung para saan ba 'yon... "Now, let's start..." Rinig ko pang sabi ni Ms. Yen. Save by the bell. Nagawa kong bawiin ang aking tingin mula sa kaniya. Napalunok ako't inumpisahan ko na ang aking pagpepaint. ** Sumapit na ang uwian. Hindi tugma ang schedule namin ngayon ni Ramael kaya naisip ko nalang na dumiretso nalang akong umuwi. May numero naman ako sa kaniya at may numer din siya sa akin kaya wala namang problema. Itetext ko nalang siya once na nakauwi na ako ng bahay. Ako nalang ang naiwan dito sa art room. Huminga ako ng malalim. Buti nalang wala na 'yung Ceylon na iyon. Medyo panatag na ako. Tumayo na ako para ibalik ang aking painting sa locker. Pagkasara ko ng naturang locker ay biglang sumulpot si Ceylon sa mismong tabi. Sisigaw sana ako nang bigla niyang hinawakan ang isang kamay at marahas niya akong hinila. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasandal sa locker, ang isang kamay niya ay tinakpan ang bibig ko habang ang isang kamay naman niya ay nakadikit sa locker na nasa uluhan ko. Nanlalaki ang mga mata ko. Nakangisi niya na mala-demonyo. Hindi ko rin magawang igalaw ang buong katawan ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay nanginginig ang aking mga binti at pagbilis ng pintig ng aking puso. "Finally I meet you, Ms. Eurille De Acosta... Or should I call you, Bethany Arles." Sabi niya sa isang baritonong boses. 'Papaanong...' "Oh yeah, hindi mo pa pala ako kilala. Don't worry Ceylon talaga ang pangalan ko." Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. It drifts into my ear. "Kahit magtago ka pa sa ibang katauhan, makilala at makilala pa rin kita... Kayong dalawa ni Ramael." Natigilan ako lalo na ikinalaki ng mga mata ko. K-kilala niya si Ramael? "Of course, pero syempre secret muna. Makikilala ninyo din naman ako kapag magkasama na kayo ng asawa mo at nang anak mong si Lilith." P-pati si Lilith, kialala niya... Wait, nababasa niya ang iniisip ko?! Mas ikinagulat ko pa ang sumunod pa niyang ginawa. He brushed his lips into my earlobe! H-huwag niyang sabihin na... 'H-huwag...' Tumigil siya saka mahinang tumawa na may kasamang panunuya. "Curious din ako kapag nalaman ni Ramael na gagalawin ko ang asawa niya..." Bahagyang inilayo niya ang kaniyang mukha sa akin. Tinititigan niya ako anng mata sa mata. "Hindi dito matatapos ang kalbaryo ng pamilya mo, Bethany Arles." Tuluyan na siyang lumayo sa akin. Tinalikuran niya ako saka nagmartsa siya palabas sa silid na ito habang nasa bulsa ang magkabilang kamay niya. Para akong kakapusin ng hininga. Taaas-baba ang dibdib ko. Napasapo ako doon. Hindi na kinaya ng mga binti ko ang takot at kaba kaya napadausdos ang likod ko sa locker hanggang sa dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Kinikilabutan ako... Ano bang kailangan niya sa amin? Hindi ko maramdaman na siya si Flavius... Sino ba talaga siya? Incubus ba siya? ** [ Lilith ] Kumunot ang noo ko nang may bigla akong naramdaman. I gently put my son, Cade in his cradle. Lumapit ako sa bintana para dumungaw. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Pakiramdam ko, parang may mali. Parang walang tama na mangyayari sa hinaharap. Hindi kaya dahil sa babala na ibinigay sa amin ni Mystia ito? Tungkol sa mga katulad niya na black witch? "Wife?" Napalingon ako sa pinto ng silid. Bumungad sa akin si Harlan na nakatayo doon habang nakahawak pa rin sa door knob. May pagtataka sa kaniyang mukha. Humakbang siya papasok dito saka sinara niya ang pinto. Seryoso ko siyang tinititigan. "What's wrong? May nararamdaman ka na naman bang kakaiba at mali?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi agad ako nagsalita. Sa halip at bumaling ako sa labas. "Mukhang gumawa na sila ng unang hakbang, Harlan." Seryoso kong saad. Humalukipkip ako. "Hindi ko alam kung sino ba ang pakay nila, si Mystia lang ba o tayo." Sagot ko. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Hindi naman siguro tayo ang pakay niya, wife." Masuyo niyang sambit. Hanggang sa niyakap na niya ako at dinampian ng halik sa aking sentido. "Kung anuman ang pakiramdam mo ngayon, mag-iingat ako." Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ginatihan ko din siya ng yakap. "Hinding hindi na ako makakapayag na mabuwag na naman ang pamilya ko, Harlan. Ang pamilya natin." Sabi ko. Sa oras na malaman ko na bubuwagin nila ang pamilya na meron ako ngayon, pwes, uunahan ko na sila dahil sinisiguro ko na hinding hindi sila magtatagumpay sa mga babalakin nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD