[ Primus ]
"Wengya, nilayasan na naman ako ng mag-asawa." Raziel got tantrums when Beth and Ramael's out. Ganoon din si Lilith, papatulugin daw niya muna si Cade. Naiilling nalang ako sa isang ito dahil mukhang kabado nga siya para bukas ng gabi.
Everything has been settled. Ang kailangan nalang ay ang mga sasabihin niya para kay Lucille. Kailangan niya ng mga linyahan na panigiradong mapapa-oo niya si Lucille.
"Oy, Primus." Tawag niya sa akin.
Bumaling ako sa kaniya. "Bakit?"
Sumeryoso ang kaniyang mukha. "Wala ka bang balak maghanap ng babaeng mamahalin mo?" He asked.
Dumungaw ako sa bintana. "Hindi ko alam." Sagot ko. "Mas maigi na rin sigurong ganito..."
"But you still love her. I know."
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Yen. Pareho kami ni Raziel na napatingin sa pinto. Hindi mabura sa kaniya ang pagiging seryoso niya. Humakbang siya palapit sa amin. Umupo siya sa malapad na couch. Humalukipkip at diretso ang tingin.
"There's still a chance to resurrect her, Primus." Dagdag pa niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What? Pupwede pang mabuhay si Trish? Papaano mangyayari iyon?
"Hindi naman siya namatay dito sa mundong ibabaw. Kung namatay man siya noon sa Nine Hell, she's temporary dead. Temporary." Talagang diniinan pa niya ang huling salita. "Nakausap ko na din si Mystia tungkol dito. She can help us to resurrect her. Gusto din ng anak mong si Rhys na mabuhay ang kaniyang ina. Ang tanong d'yan, ikaw ba? Gusto mo din bang bumalik ang pinakamamahal mo?"
Parang hindi ako makahinga sa mga narinig ko. There's a chance that Trish can bring her to life? I don't know that will be possible. And Rhys was agree about this? Bakit hindi man lang iya ako kinausap tungkol dito?
"Unlike Beth, Ramael and Lucille. Nareincarnate lang sila. And because of their will."
Hindi ko magawang magsalita. Napapaisip ako. Papayag ba ako na buhayin ulit si Trish? Pero saksi ako kung papaano nangungulila si Rhys na wala ang kaniyang ina. Masakit din para sa akin na nawala siya. May parte sa akin na galit ako sa sarili ko. Dahil sa akin ay nawala siya. Dahil sa akin ay nasira ang buhay niya. Kung hindi dahil sa akin ay sana buhay pa siya hanggang ngayon. But she bear my child for a long time...
"What's your decision, Primus?" Seryosong tanong sa akin ni Yen.
Bumaba ang tingin ko. Dumapo iyon sa sahig. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Tatanggapin ko ba o hindi? Papayag ba ako?
"Primus..." Mahinang tawag sa akin ni Raziel. Alam kong nag-aalala din siya sa anuman ang mangyari.
Bahagyang gumalaw si Yen. Nakadekuwatro na siya. "Sinabi din sa akin ni Mystia na hindi nabura sa kaniyang isipan ang mga alaala kaya walang kaso iyon doon."
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Seryoso ko din siya tiningnan. "She will take this as our wish, right?" I asked.
Tumango siya bilang tugon.
I want Trish to stay with us. I want to tell her about how I feel for her. I want to feel her again once more. I want to see her again. So... "Tatanggapin ko. Tell her please bring my love of my life back."
Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi sa aking desisyon. "Right away, Primus."
**
[ Sigourney / Lucille ]
Masaya akong pumunta ng Dining Area. Almusal na kasi kaya excited na akong matikman ulit ang luto ni Raziel loves! Yehey! Tagal-tagal na din bago ko ulit matitikman iyon. Naalala ko pa noong pumunta pa sina Beth at Ramael sa Camiguin, si Raziel loves ang laging nagluluto dito. Sa totoo lang, iyon din ang naging dahilan para mahulog ako sa kaniya. Heheh. Ang sarap kasi niyang magluto.
"Good morning!" Masaya at masigla kong bati sa kanila. Ako nalang pala ang kulang dito.
Tumingin sila sa direksyon ko. May mga ngiti sa kani-kanilang labi saka binati din nila ako pabalik. Pero parang ano... Parang may iba? Hindi ko lang matukoy kung ano iyon. Hayaan na nga! Lumapit ako sa upuan na katabi lang kung saan palagi naupo si Raziel loves.
"Good morning, Raziel loves!" Bati ko sa kaniya saka hinalikan ko ang kaniyang pisngi.
Inakbayan niya ako pagkatapos ay dinampian niya ako ng halik sa pisngi. "Good morning din, Lucille baby." He greet me back.
Lihim ko kinagat ang aking labi dahil sa kilig. Oh my, nakakakilig talaga itong boyfriend ko. Hindi pa rin kumukupas. Ang guwapo pa rin niya. Huhuhuh!
"EHEM!"
Napatingin kami kay Ramael. Siya kasi ang tumikhim. Nakangiti lang si Beth sa amin na parang tuwang-tuwa siya sa nakikita niya. Alam ko namang hindi sanay si Ramael sa landian namin si Raziel lalo na't sa harap pa niya. Hahaha! "Kuya, huwag kang ano. Noong kayo ang naglalandian ni Beth, wala naman kaming reklamo, ah."
Sumimangot si kuya. "Hindi lang ako sanay sa landian ninyong dalawa." Kumento pa niya saka sumimsim ng kape. Nang ibinalik niya sa mesa ang tasa ay bumaling siya kay Beth. "Baby, bakit kaunti lang iyang nasa plato mo? Dapat damihan mo pa."
"Madami na ito, Ram—" Hindi naituloy pa ang sasabihin ni Beth nang nilagyan pa nga siya ni Ramael ng kanin sa plato nito.
"Bawal sa iyong magutom ng sobra. You are my wife, and I don't want you starving to death." Sabi niya. Mukhang seryoso nga siya.
"Hayaan mo na siya, Lucille baby. Naiinggit lang iyang kuya mo." Rinig kong sabi ni Raziel. "Kain ka na din." Siya pa talaga naglagay ng pagkain sa plato ko. Heheh.
"Nagkokompetisyon na naman ang dalawa." Seryosong kumento ni Primus sa isang tabi.
"Bitter ka lang." Pang-aasar ni Raziel sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ni Primus. Napaawang ang bibig na tila hindi siya makapaniwala. "A-ako? Bitter? Seryoso ka dude?" Saka tumawa siya na may panunuya. "Hindi ako bitter, gago ka, Raziel!" Hindi na niya mapigilan pang lakasan ang kaniyang boses.
"Hoy! Nasa harap tayo ng pagkain. Bawal magmura." Natatawa pa rin si Raziel loves.
"You started It, you dumb!"
Natawa kami sa mga batuhan nilang salita. "Akalain mo nga naman, ang akala ko lang sina Ramael at Raziel lang ang laging nagbubulyawan. Mukhang nadagdagan pa nga." Kumento ni Beth.
I agree.
"You mother fucker! Bakit ka nang-aagaw ng pagkain?!" Sigaw naman ni Rhys, katabi niya si Harlan.
"Walang basagan ng trip." Natatawang sagot nito sa kaniya.
"You!" Tumayo siya at walang sabi na kinuwelyuhan niya si Harlan. Si Lilith ay tahimik lang kumain. Mukhang walang paki sa dalawa. Kung sabagay, araw-araw mo ba naman kasama ang mga ganito eh masasanay ka naman talaga. "Iluwa mo iyan!"
"Yak, pare. Kadiri ka." Natatawa pa rin si Harlan. Mukhang lakas nga mang-asar ang isang ito... Tulad ni Raziel loves.
Walang magawa si Rhys kungdi bitawan si Harlan. Muli siyang umupo at ipinagpatuloy ang kinakain. "Isa pa, Harlan. Tatamaan ka na talaga sa akin. Tss."
"Sus. In love ka lang, eh."
"Shut up. I'll break your bones!" Pagbabanta pa niya. Mukhang asar na nga siya. Hahaha.
After kumain ay nagpaalam ang mga kalalakihan na aalis. Hindi man lang nila sinabi kung saan sila pupunta pero ang sabi lang nila ay may aasikasuhin daw sila. I'm just wondering if pupunta sila sa Hacienda Vriginia para asikasuhin ang Hotel and Resort doon.
Nakanguso lang ako habang nanonood lang kami nina Beth, Lilith at Ms. Yen dito sa Living Room. Nanonood lang kami ng movie.
"If there's is a heaven, we will find each other again, for there is no heaven without you."
Natigilan ako nang narinig ko ang linya na iyon. Napaawang ang bibig ko. Tutok na tutok ako sa pinapanood ko. The Longest Ride kasi ang pinapanood namin ngayon. Ewan ko kung bakit ganito ang naging reaksyon ko.
Buong hapon ko hindi nakita o nakausap man lang si Raziel loves. Mukhang busy nga sila. Sinusubukan ko din siyang tawagan sa cellphone niya pero palaging out of coverage area. Nag-aalala na tuloy ako. Hanggang sa sumapit an ang gabi.
"Lucille," Malumanay na tawag sa akin ni Beth.
Nilingon ko siya. Nakangiti siya sa akin. Ang mas ipinagtataka ko lang kung bakit may hawak siyang damit... A baby pink color dress. "Sukat mo naman ito. Mukhang bagay naman kasi sa iyo ito, eh." Aniya. "Ayusan na din kita. Kungwari magmomodeling tayo." Bumaling siya kay Lilith. "HIndi ba, anak?"
Lilith offer her sweetes smile. "Ah... Y-yeah!"
Wala na akong magawa. Mukhang pinagkaisahan na nila ako. Lalo na ang mag-inang ito. Siguro dahil bored na kami, wala na ang mga pasaway. Hahaha. Inayusan nila ako. Sina Ms. Yen sa make up ko habang sina Beth at Lilith naman ay sa buhok ko. Tuwang tuwa sila habang inaayusan nila ako. Saka parang may iba talaga. Hindi karaniwang araw para sa akin ito. Gusto ko sana silang tanungin pero hindi ko naman magawa. I think I'll spoiled the moment if I would do that.
After few minutes ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko pagkaharap ko sa salamin. Maganda ang pagka-ayos nila sa akin. Halos kaladkarin naman ako ni Beth palabas. Nakasabit sa kaniyang leeg ang dslr niya. Oo nga pala, magpipictorial daw kami.
"Saan mo ba ako kukunan ng litrato, Beth?" Tanong ko sa kaniya. Nasa bandang likuran ko lang siya. Sabi niya kasi sa akin lakad lang daw ako. Tumigil ako sa paglalakad para lingunin siya pero wala na siya. Napasinghap ako. Nasaan na ang isang iyon? "Beth?"
Ginapangan na ako ng kaba. Medyo madilim na kasi sa bandang lugar na ito, eh. Malawak kasi ang garden ng mansyon. May mga puno pa. Hindi ko na alam kung saan na angsusuot si Beth!
"Beth?! Where are you? Huwag mo akong iwan dito!" Naiiyak na ako. "Babalik na ako sa loob! Huhuh!"
Wala pa rin sumasagot. Maglalakad na sana ako pabalik nang biglang sumindi ang mga christmas lights sa paligid. May mga nakapulupot sa mga puno at mga halamanan. Lumingon ako. Napasapo ako sa aking bibig nang tumambad sa akin si Raziel na nakatayo sa may platform... na hugis puso. Pormal ang kaniyang suot at may hawak na bouquet ng mga rosas!
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lumapit. Hindi pa rin ako makapaniwala. Namamangha. Wala akong ideya kung anong meron ngayon...
Nilahad ni Raziel ang kaniyang palad sa akin. Inabot ko iyon hanggang sa pareho na kaming nasa ibabaw ng platform. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. "R-Raziel..." Mahinang tawag ko sa kaniya.
Ngumiti siya. "Tonight is very special for us, my love." Malambing niyang sambit. Inabot niya sa akin ang mga bulaklak na hawak niya. Tinanggap ko iyon.
"A-ano bang meron?" Naguguluhan na nagtataka na ako. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid ngunit kaming dalawa lang ang naririto. Muli ko siyang tiningnan.
Nagtama ang mga mata namin. Ilang segundo pa ay yumuko siya. Bigla siyang lumuhod sa harap ko. Napasapo ako muli sa aking bibig. Tumingala siya sa akin na nakangiti. Binuksan niya ang maliit na kahon at ipinakita niya sa akin ang nakapaloob doon. A diamond ring! "Lucille, I promise to myself that I will wait for you and once I meet you again, I will never let you go. Hinding hindi na. Tama na... Na ilang taon tayo nagkalayo. Ngayon nandito ka na... I want to cherish every moment and spend my life with you. I look forward to seeing you everyday and sleeping next to you and waking up next to you. Cooking your favorite food. Anyone can love a million girls but I wanna love one girl in a million ways and that is you. From this day forward, you shall not walk alone. My heart will be your shelter and my arms will your home. So will you marry me?"
Lihim ko kinagat ang labi ko. Parang hindi ako makahinga sa mga sinabi niya. I was surprise. I didn't expect this. Tumulo ang butil ng luha at marahas iyon umagos sa aking pisngi. Tumango ako at ngumiti. "Oo, Raziel. I will marry you..."
Kita ko ang pagkagat ni Raziel sa kaniyang labi. Tulad ko ay tumulo din ang kaniyang luha. Tumayo siya't pinasuot niya sa akin ang singsing. Ikinulong niya ang kaniyang mga palad sa magkabilang pisngi ko at siniil niya ng isang matamis na halik ang aking mga labi. Dumapo ang mga palad ko sa kaniya bewang.
Nang humiwalay ang mga labi namin ay idinikit niya ang noo ko sa noo niya. "I love you so much, Lucille. My wait for you is worth it."
"Mahal na mahal din kita, Raziel. Mahal na mahal..." Sabi ko na hindi pa rin nagpapaawat ang mga luha ko sa pagbagsak ng mga iyon.
"CONGRATULATIONS!"
Sabay kaming napatingin sa direksyon kung nasaan ang mga kasamahan namin. May mga ngiti sa kanilang mga mukha. Bakas na masayang masaya sila para sa amin.