[ Lilith ] 'Sir Rhys...' Natigilan ako sa aking narinig. Bumaling ako kay Rhys na nakatingin din sa akin. Biglang bumuhay ang pagkabahala sa aking sistema nang marinig ko ang boses ni Karyle sa aking isipan. Bigla kaming tumayo habang ang asawa kong Harlan ay sinundan kami ng tingin na naka-ukit ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Anong meron?" Tanong ng asawa ko sa amin. "We heard someone." Seryosong sagot ko. Napatingin kami sa pinto nang nagbukas iyon. Lumabas doon sina tatay, Primus at papa. Gayundin si Mystia. May halong pag-aalala at kaseryosohan sa kani-kanilang mukha. Sina mama at tita Lucille naman ay sinasamahan si tita Trish dahil mahina pa ito. Hindi kaya... "Narinig ninyo rin ba ang pagtawag ni Karyle?" Nag-alalang tanong ni tatay Raziel sa amin. Hinarap namin sila. Sumu

