[ Eurille / Bethany ] Pagdating namin sa New Place, ang akala ko ay magpapahinga na kami ngunit hindi. May importante daw gagawin si Mystia. Hindi ko mawari kung ano 'yon ngunit nang nakikita ko na parang dinadasalan niya ang baboy ramo na ipinadala sa kaniya ay doon na nabubuo ang ideya ko kung ano nga ba talaga ang gagawin niya. Sumapit na ng alas dose ng hatinggabi ay hudyat na para gawin na ni Mystia ang kaniyang orasyon o ritwal na kaniyang gagawin. Hindi ko pa rin alam kung para saan. Kahit itanong ko sa mga kasamahan ko ay wala rin silang ideya. Umalis si Alixa dahil inutusan daw siya ni Mystia na kunin ang isang bagay mula sa Impyerno pero nakabalik din na may dala siya. Agad niyang inabot ang bagay na iyon ka Mystia. Pinapanood lang namin siya sa kaniyang ginagawa. May iba't ib

