[ Eurille / Bethany ]
Hindi na kami pumasok ni Ramael pagkatapos namin magbreakfast. Anong oras na din kasi. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Gilly. Sinabi niya na buti nalang daw ay nasabi ko sa kaniya na umalis ako dahil paniguradong mag-aalala daw silang dalawa ni Meera dahil sa biglaan kong pag-alis.
Nagpasya kaming pumunta sa New Place. I'm not sure kung pumasok ba sila. Pero habang nasa byahe kami ay nakatanggap kami ng mensahe na hindi rin daw sila pumasok dahil may emergency. Tamang tama daw. Kailangan naming pumunta doon. Paniguradong naroon nga sila.
"What happened?" Agarang tanong ni Ramael sa kanila nang nakarating kami.
Bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala. Bigla bumuhay ang kaba sa aking dibdib dahil sa kanilang mga mukha. Kahit si Primus na akala ko palaging chill lang, ngunit malungkot at pag-aalala ang nakaukit sa kaniyang mukha. Ano bang nangayayari?
"Rhys is missing." Wika ni Raziel. "Nagising nalang kami ay wala na siya. Narito naman lahat ng gamit niya."
Napatingin kami kay Mystia na malalim ang iniisip.
"We need to find him." Wika ni Lilith.
"But how?" Tanong ni Lucille.
Napapaisip ako. Bakit naman aalis si Rhys nang walang paalam? Narito lang din pala ang mga gamit niya. Mukhang wala naman siyang kaalitan kung sinu-sino dito.
"I think he was taken by them." Biglang nagsalita si Mystia.
Lahat kami ay bumaling sa kaniya.
"P-papaano?" Naguguluhang tanong ni Alixa sa kaniya.
"He was a half human and half demon. I think he was under the spell made by whoever it is. Because he was a part of a human race, the spells effects in him." Paliwanag niya. Tumingin siya sa kawalan. "Hindi ko rin namalayan na umalis siya..."
Pumikit ako ng mariin ng ilang segundo. Bumaling kao kay Ramael. Bigla ko hinawakan ang kaniyang kamay. Napatingin siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Kailangan nating hanapin si Rhys. Hindi pwedeng mapunta siya sa mga kaaway." Mahinang sambit ko. Lalo na't nangako ako kay Trish na ako ang bahala sa kaniyang anak. Hindi ko pwedeng baliin ang pangako na iyon.
Tumango si Ramael. "I understand." Tumingin siya sa mga kasamahan namin. "Maghiwa-hiwalay tayo sa paghahanap sa kaniya. You got my number. Call us if you found him." He instruct.
Sumang-ayon ang lahat. Mabilis kaming kumilos. Walang naiwan ni isa man sa amin. Tumulong na sina Mystia at Alixa sa paghahanap.
**
[ Hazel ]
Tinapis ko ng kumot ang buo kong katawan. Hinawi ko paitaas ang aking buhok. Hinawi ko ng kaunti ang kurtina para hindi tumama ang sinag ng araw kay Rhys. Lumingon ako sa kinaroroonan niya. He was peacefully sleeping. Sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi. Humakbang ako palapit sa kaniya.
Bumalik ako sa kama. Niyakap ko ang hubad niyang katawan. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata para maramdaman ko ang kaniyang init ng katawan.
Sa wakas, nasa akin ka na, Rhys. Narito ka ngayon sa teritoryo ko. Simula ngayon ay ako na ang papakinggan mo. Ako na ang mahal mo simula ngayon. Inalis ko sa alaala mo ang lahat. Well, that's temporary. Malaki ang magiging parte mo sa group namin, Rhys. Gagamitin ko ang lakas ng kapangyarihan na meron ka para makaganti kami kay Mystia Circe!
"Uhmm..." Rinig kong ungol ni Rhys. Mukhang magigsing na siya.
Gumalaw ako. Tiningnan ko ang kaniyang mukha. Isang ngiti ang isasalubong ko sa pagmulat ng kaniyang mga mata. "Good morning..." Isang mapang-akit na bati ko sa kaniya.
"H-Hazel..." He called me with his husky voice.
"Nagising ba kita?" Tanong ko sa kaniya.
Bahagya siyang bumangon. Minamasahe niya ang kaniyang mga mata. "Hindi naman."
Binasa ng dila ko ang aking labi. Pumuwesto ako sa kaniyang likuran. Niyakap ko siya. I lean my chin on his shoulder. "You want another round, hm?" Mapang-akit kong bulong sa kaniyang tainga.
"Last night is enough, Hazel." Namamaos niyang sabi. "I need to go to school..." Aalis sana siya pero bigla kong hinawakan ang kaniyang kamay para pigilan siya.
"But I want you, Rhys."
Blangkong ekspresyon ang iginawad niya sa akin. Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Lihim ako napangiti. Talagang umepekto ang magic spell na ginawa ko para makuha ko siya.
Una niyang hinalikan ang aking pisngi hanggang sa bumaba iyon sa aking leeg habang ang kaniyang kamay at kung saan-saan na gumagala. Napaliyad ako sa sarap ng pakiramdam. Hindi ko akalain na magaling pala sa ganito ang cambion na ito. Ang buong akala ko pa naman ay wala siyang alam sa ganito at puro pakikipaglaban lang ang alam niya. Hahaha!
"More, Rhys... More..." Hindi ko mapigilang mapaungol. Yes, I want more...
Hinahaplos niya ang aking leeg. Ngunit hindi ko inaasahan na bigla niya akong sasakalin at marahas niya akong hiniga sa kama!
Hindi ako makahinga...
Hinawakan ko ang kamay niya para mabitawan niya ako ngunit nagkamali ako. Masyado siyang malakas!
Nang nagtama ang mga mata namin ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na umiilaw na kulay dilaw ang mga mata niya. H-hindi ganyan ang epekto ng majika ko!
"Rhys..." Nanghihinang tawag ko sa kaniyang pangalan.
"In the whole night, I read what's on your kind, bitch." Mariin at punung-puno ng galit niyang sambit.
"H-how..." Hindi ko magawang magsalita pa dahil sa pagkasakal niya sa akin.
"Obviously, I was pretending. You thought you're smart enough?" Nakangisi niyang sabi. "Remember this, I am not a cambion for nothing, Hazel. I am not a General or a Prince of Hell for nothing. Don't count your chickens before the eggs have hatched."
Hindi ko magawang sumagot.
"You don't understand, don't you? It means don't make plans for nothing that might not happen. Your spells is nothing for me. It can't affect me."
W-what?! Papaano nangyari iyon?
Mukhang nababasa niya ang aking sinasabi. Biglang may ipinakita siya sa akin na isang bagay. Mas lalo hindi ako makapaniwala na ipinakita niya sa akin ang hawak niyang protection amulet. Papaano niyang nakuha iyan? Saan at kanino?!
"You're looking for Mystia Circe, right? She's with us. Nasabi na niya sa amin ang tungkol sa inyo kaya alam na alam na namin kung ano ang mga posibilidad na hakbang na gagawin ninyo."
Mas lalo umiilaw ang kaniyang mga mata. Mas nakakatakot!
May nararamdaman akong kakaiba. Inangat ko ang isang kamay ko. Unti-unti nalalagas iyon! Lumipat ang tingin ko kay Rhys na ngayon ay nakangisi sa akin na mala-demonyo. "H-huwag..." Pagmamakaawa ko.
Sumeryoso ang kaniyang mukha. "Beg for you life?" Sabay binitawan niya ako. Napaubo ako while I rolled my body, lying in bed. Nang naging okay na ako kahit papano ay bumangon ako. Nadatnan ko si Rhys na nagbibihis na pagkatapos ay humarap siya sa akin.
Aalis siya? Ibig sabihin, mabubuhay pa ako? Muli ko tiningnan ang aking kamay pero patuloy pa ring nalalagas iyon. Bumaling ako kay Rhys na ngayon ay nakatutok sa akin ang palad niya. I can read his eyes furious.
"Die." Walang emosyon niyang sambit saka nagpakawala siya ng apoy mula sa kaniyang palad.
"AAAAAAHHHHHHHHHHHHH!" Napahiyaw ako. I feel suffocation! "NOOOOOOOOOO!!"
Tiningnan ko si Rhys na binuksan ang bintana. He spread his wings and he fly away.
Hindi ko na kaya ang apoy na bumabalot sa aking katawan. Even my magic can't manage it. Wala akong pangontra para dito. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Masasabi kong katapusan ko na...
**
[ Rhys ]
Naglalakad ako palabas sa isang subdivision. Balot na balot ako dahil mataas ang tirik ng araw. Kailangan kong makabalik ng New Place pero naalala ko, wala pala akong pera. Tang ina. Ang tanga mo, Rhys.
Pero buti nalang ay dala ko ang cellphone na binigay sa akin ni papa. Agad ko siyang kinontak habang naririto ako ngayon sa waiting shed para hindi ako matamaan ng sinag ng araw.
Wala pang apat na ring ay sinagot niya iyon.
"Rhys! Where are you?!" Nag-aalalang tanong niya.
Bago ako sumagot ay iginala ko ang aking tingin sa paligid. "I'm here at the waiting shed. Hm, beside at High Green Subdivision."
"Medyo malapit kami. Huwag kang aalis d'yan. Wait for us."
Binaba ko ang tawag saka umupo.
After few minutes. May dalawang sasakyan na tumigil sa harap ko. Medyo nagtataka ako. Hindi lang pala si papa ang susundo sa akin. All of them. Including Mystia and Alixa.
"Rhys!" Malakas na tawag sa akin ni Lilith. Nakasunod lang sa kaniya ang iba. Tulad niya ay bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. "What the f**k are you doing?! Kung alam mo lang kung gaano kami nag-alala sa iyo!" Panenermon sa akin ni Lilith. Kulang nalang ay sapakin ako.
"I'm sorry," Sabi ko but I mean it.
"Is she really put a spell on you?" Harlan asked.
"Yeah, but it doesn't really affect on me. Matino pa naman ako." I answered and beamed.
"You look tired, Rhys." Biglang sambit ng aking ama. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Don't ever do that again, son."
Tumango ako. "I'm sorry, pa. Let's go home." Pag-aaya ko sa kanila.
Hindi lang si Lilith ang gustong pumoprotekta sa pamilya na ito. Maski ako. Hindi rin ako makakapayag na muli kaming mabubuwag.