Kaka discharge ko lang sa ospital. Klyde said that Grey paid for the hospital bills. Ang sabi daw ni Klyde sakanya ay huwag na itong bayaran pero si Grey lang ang nagpumilit. Palabas na kami ng ospital. Kasama ko sina Jin at Adam. Malaki ang pasalamat ko sa dalawang ito dahil hindi nila ako iniwan. Pati na rin kina Klyde, Laxy at GUN dahil kahit papaano ay dina dalaw-dalaw nila ako. Sa isang linggo kong pagkaka-ospital walang Grey na dumalaw saakin. “Saan ka namin ihahatid ngayon, Mariese?” tanong ni Adam. Alam na niya kasi na wala na kami ni Grey. “Saamin na muna.” singit ni Jin. “Saakin siya uuwi.” sabay-sabay kaming napatingin doon sa nagsalita at nakita namin si Grey na nakatayo sa harapan namin. My heart skip a beat. Kahit na sinaktan niya ako ay ganito pa rin ang epekto niya saa

