Prologue
Prologue
“Mariese, where’s my bag?”
“Mariese, where’s the other pair of my sock?”
“Mariese!”
"SANDALI LANG!" sigaw ko at nag madaling bumaba at bitbit lahat ng hinihingi niya, peste talaga 'tong baklang gangster na 'to! Kung makautos para namang ako si Naruto na kayang dumami. Parang tanga!
Binigay ko lahat ng kailangan niya, nginisian niya ako. "Good job Mariese." Sabi niya.
Inirapan ko lang siya. "Kung mag-uutos ka, pwede one at a time lang? Mahina ang kalaban!" Reklamo ko.
“Who am I in this property, Mariese?”
Tumuwid ako nang tayo. “I-Ikaw ang b-boss.” I replied, clearing my throat.
“And who are you, Mariese?” Naniningkit ang kanyang mga matang sabi.
“M-Maid…”
“Ano? Hindi ko marinig.” May panunuya sa kanyang boses.
“Maid. I’m your maid.” I said through clenched teeth.
He grinned, slightly tapping my cheek. “Good… Alam mo naman pala kung ano ang lugar mo, e.” Aniya bago ako nilampasan.
“Pero tama ba ‘yong sobra ka kung maka-utos?” Pabulong kong reklamo habang sinasamaan siya nang tingin. Nakatalikod naman siya. Hindi niya makikita.
Ngunit mali yata ako dahil para akong binuhusan nang malamig na tubig nang bigla siyang tumigil mula sa kanyang paglalakad. “Just do as I say at magkakasundo tayo…” iyon ang sinabi niya nang hindi man lang ako tinitingnan at muli nang ipangpatuloy ang paglalakad.