Chapter 1
Phone
June Mariese Dizon
Ilang buwan narin akong nagta-trabaho dito sa Mcdonalds. I just felt like I needed to para makadagdag ako sa pambayad sa mga gastusin. Para h’wag na ring umalis si mama at magkasama na lang kami.
"Mariese, paki serve naman to dun sa number 13 oh. Naiihi na talaga ako." Pakiusap ni Jin, best friend ko siya at tulad ko working student din siya.
"Sige," pagpayag ko at kinuha na sa kanya ang tray.
"Maraming thank you gurl!" Sabi niya at nagmadaling pumunta ng CR.
Mcfloat at Burger lang ang order nung number 13, siguro nag di-diet to. Piniling ko na lang ang ulo ko, hindi ito ang oras para mag pa petix-petix marami ang customer ngayong gabi, hinanap ko kung nasaan yung number 13. At ayun, nandoon siya sa dulo. Nakayuko siya at nilalaro ang phone niya na nakalapag sa table.
Nilapitan ko na siya para ibigay ang order niya, pero sa kasamaang palad dahil maraming tao ngayon ay may nakatulak sa akin kaya tumalon ng mga laman ng tray na dala ko.
"What the hell!" Sigaw niya at napatayo sa kinauupuan niya, nakatitig siya sa Galaxy note 3 niyang basang-basa na ngayon dahil sa Mcfloat, hinarap niya ako at nanlilisik ang mga mata niya.
Oh ow, trouble 'to. s**t! Sa lahat ng tao bakit si Grey Jushean Garde pa?! Bakit ang Gangster pa na 'to ang naperwisyo ko?!
Bahagya siyang nagulat nang makita ako. "Teka, parang nakikita kita sa classroom ah." Sabi niya pero masama pa rin ang tingin niya. Malamang magkaklase tayo e. Duh.
"You'll gonna pay for this." Madilim niyang sabi.
Namutla naman ako, mukhang mamahalin pa naman ang cellphone niya. "Pay? Naku! Wala akong pera!" Sabi ko, pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Alam mo ba kung magkano 'to?!" Masungit niyang tanong. Umiling ako.
"36,990! At kabibili ko lang dito kanina!" He hissed. Nanlaki ang mga mata ko, grabe! Mahal pa 'to sa sweldo ko!
"Sorry po, hindi ko po talaga sinasadya." Paghingi ko ng tawad.
"Sorry? Baka kung bayaran mo 'to matuwa pa ako e." Sarcastic niyang sabi.
"Wala po akong pambayad diyan, sorry po talaga." Hingi ko ng tawad at yumuko.
"Mariese." Nilingon ko yung tumawag saakin, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang Manager at si Jin.
"Anong nangyayari dito?" Tanong niya, yumuko na lang ako. Lord, sana po huwag akong mawalan ng trabaho.
"Ikaw ba ang manager dito?" Mayabang na tanong ni Grey, nakakatakot pala galitin ang baklang gangster, nagiging lalaki.
"Yes sir, and we are very sorry kung ano man po ang nangyari." Hinging paumanhin ng manager.
"Hindi ko kailangan ng sorry niyo! Just pay for the damages that your employee caused!" He hissed.
"Sir, pasenya na po talaga oh. Pwede naman natin 'tong pag-usapan." Pakiusap ko.
"Sir we are very sorry for what Mariese did." Hinging paumanhin ng manager.
"Kung ganyan lang ang mga empleyado niyo dito ay mas mabuti pang magsara na lang kayo. Hindi niyo ba tinuturuan ang mga yan? Napaka clumsy!" Inis na sabi ni Grey, ang tigas naman ng puso nito! Nag-iinit na ang ulo 'ko!
“Pasensya na po talaga, sir. Ako na po ang humihingi ng tawad…” Mabait na pakiusap ng manager ko pero nang ako na ang harapin niya ay galit na galit siya.
"You're fired, Mariese." Sabi niya na ikinaguho ang mundo ko. Seryoso ba ‘to? Am I really fired?
Tiningnan ko si Grey na ngayon ay nakangisi, kinuha niya ang basa niyang phone tiningnan ang manager ko. Napaka walang puso! Talagang tuwang-tuwa pa siya dahil nasisante ako? What about my goals to help my mother? Paano ako makakaipon?
"You made a right decision to fire this clumsy girl." Nakangisi niyang sabi at ako naman ang sunod na binalingan niya ng tingin. "At ikaw, hindi pa tayo tapos." Pagbabanta niya at umalis na. Marahas kong naihilamos ang palad ko sa mukha ko.
"Pack your things." Utos ng manger at umalis na. Nilapitan ako ni Jin at hinawakan sa balikat.
"Sorry, kasalanan ko." Malungkot niyang sabi.
Ngumiti ako ng pilit. "Wala kang kasalanan, sige na Jin magtrabaho ka na." Sabi ko at umalis na para kunin ang mga gamit ko at para magbihis na rin. Now I don’t know how to start gustohin ko mang magwala ay hindi ko na lang ginawa. Siguro naman may dahilan kung bakit nangyari ito.