Chapter 2
Bakla
Pauwi na ako ngayon sa apartment ko nang may biglang tumigil na kotse sa harapan ko, bumukas yung pintuan mula sa driver's seat at biglang lumabas ang isang gangster na mukhang bakla.
Masama niya akong tiningnan. “Mariese, right?” Naniningkit ang mga mata niyang sabi.
"Ako nga." Sagot ko.
"So anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong niya.
"Sa ngayon, gusto ko ng umuwi at magpahinga." Sagot ko. Lumawak ang mga mata niya sa sagot ko. Iyon naman talaga ang gusto kong gawin e.
Naningkit ang mga mata niya. "Sumagot ka ng matino!" He hissed.
"Matino naman ang sagot ko!" Sigaw ko, nauubos na ang pasensiya ko sa baklang to.
Napasabunot siya sa buhok niya. "Tangina, wala kang kwentang kausap! Bayaran mo na nga lang yung phone ko!" Mukhang nauubos na rin ang pasensya niya.
Namutla naman ako sa sinabi niya. 300 na lang ang laman ng wallet ko at wala pa akong trabaho ngayon. "Wala akong pambayad sayo, nawalan na nga ako ng trabaho at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera." Paliwanag ko.
"Wala akong pakealam, bagong bili lang iyon kanina pero sinira mo na!" Inis niyang sabi.
"Mayaman ka naman e, kaya huwag mo ng ipayad saakin." Sabi ko.
"Hindi ako interesado sa mga sinasabi mo, basta BAYARAN.MO.YUNG.PHONE.KO!" madiin niyang sabi.
Pumikit ako ng mariin. "Wala nga akong pera, kahit magwala ka pa diyan wala akong magagawa." Paliwanag ko.
Tinignan ko siya na ngayon ay nakasandal na sa bintana ng kotse niya at naka halukipkip siya, mukhang nag-iisip.
"Hmm. Sige ganito na lang," sabi niya. "Magiging maid kita." Pormal niyang sabi.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "Maid?! As in katulong?!" Gulat kong tanong. I'm sure hindi magiging madali iyon.
"May problema ka don?" Taas kilay niyang tanong. "Mukhang ayaw mo yata, o sige bayaran mo na lang yung 36,990 madali lang naman akong kausap e." Nakangisi niyang sabi.
"A-ah. Hindi, gusto ko. Hehe. Wala namang problema don." Sabi ko.
"Okay sige, dahil hindi naman ako masyadong masama may sweldo ka pa rin." Sabi niya na ikinaliwanag naman ng mukha ko.
"Wahaw! Salamat bakla!" Masaya kong sabi, nanlaki naman ang mga mata niya.
"What did you just call me?!"Gulat niyang tanong.
"Ay sorry, ako pa lang ba ang nakakaalam?"
"Nakaalam na ano?!" Tanong niya.
"Na bakla ka," sabi ko. Halatang-halata naman kasi na bading 'to e. Mula sa mukha niya pa lang, kung ngang mag wig to mas maganda pa sakin e.
"Bakla ako?" Tanong niya habang nakaturo sa sarili.
Tumango ako. "Oo, bakla, beki, sireyna." Sabi ko.
Dumilim naman ang mukha niya. "Ako ba pinagloloko mo?" Seryoso niyang tanong.
"H-hindi." Nauutal kong sagot.
"Lilinawin ko lang sayo, hindi ako bakla! Lalaki ako! Lalaki!" Inis niyang sabi.
Natawa naman ako. "Pft~ Hahah. Weh?"
Napalitan ng gulat ang natatawa kong ekspresyon ng bigla niya akong hilain at isandal sa kotse niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Call me gay, and i'll take you right here right now." Matigas niyang sabi, napalunok naman ako. s**t!
"O-oo na! L-lalaki ka na!" Namumula kong sabi. Lumayo na siya saakin at marahas akong inalayo sa kotse niya. Tsk. Para namang dudumihan ko.
Pumasok na siya sa kotse niya at iniwan ako dito. Hayop! Wala talagang ka gentle-gentleman! Ni hindi man ako alukin na ihatid sa apartment ko!
*
Nandito ako ngayon sa Geumsaek University, dito ako kasalukuyang nag-aaral. Ang school na ito ay pag-aari ng pamilya noong kaibigan o ka gangmate ni Grey na si GUN. Si GUN ang leader ng gang nila na kilala sa tawag na Black Eternal.
Nagapatuloy lang ako sa paglalakad, nang mahagip ng mga mata ko si Grey kasama sina GUN, Klyde at Laxy. Siguro ay papasok na rin sila ng classroom.
Sikat ang Black Eternal dito, bukod sa astig, mayaman at powerful gangsters sila ay mga gwapo sila kaya talagang tinitilian sila ng mga babae. Tulad ngayon, naglalakad lang sila pero napakaraming babae ang nagpapansin sakanila.
"Kyaaaaa! Omg!" Tili nung isang babae at halos mahimatay na dahil kinindatan siya ni Klyde, si Klyde Aragon ang playboy sa grupo nila.
"Ugh! Ang ingay!" Reklamo ni Laxy Cruz, siya yung masungit na bully sa grupo, and take note ayaw na ayaw niyang hinawakan siya. Hindi ko alam kung bakit.
"Tabi." Malamig na sabi ni GUN sa mga babae na nakaharang sa dinadanan nila. Si GUN Villazamora ang leader at ang tinaguriang Ice Prince dahil sobrang cold niyang tao, hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Nakakatakot din ang mga titig niya, ah basta ayoko siyang maka encounter dahil nakakatakot talaga siya. Isang babae lang ang hindi natatakot sakanya, at yun ay si Suzie Claor. Bilib din ako sa babaeng 'yon.
"Grey, magsalita ka naman." Kinikilig na sabi noong babae kay Grey, nagkibit balikat lang si Grey. Grey Jushean Garde, tahimik lang siya at siya ang pinaka normal sakanilang apat. Pero kahit tahimik siya, may tinatago siyang kasamaan, nakakainis siya.
Muntik na kong mapatalon sa kinatatayuan ko ng bigla niya akong balingan ng tingin. Ngumisi siya saakin, geez! Nakakagigil ang ngisi niya. Para siyang may binabalak na masama saakin.
*
Break namin ngayon at kasama ko si Jin, ang best friend ko.
"Sorry talaga Mariese."
"Ano ba Jin, yan na lang ang naririnig ko sayo magmula kanina. Okay na nga, wala ka namang kasalanan." Sabi ko.
Ngumiti siya. "Talaga gurl? May pera ka pa? Pahihiram kita." Pagpi-prisinta niya.
Umiling ako. "Keri lang 'to." Sabi ko at ngumiti.
Sasagot pa sana siya pero bigla kaming nilapitan ni Grey.
"G-grey, please patawarin mo na si Mariese. Hindi niya naman kasalanan ako talaga ang may kasalanan." Pag dadrama ni Jin. Hindi lang siya pinansin ni Grey.
"Mag-usap tayo Mariese, kita tayo mamaya sa school garden mamayang lunch. Huwag mo sana akong paghintayin dahil ayaw kong naghihintay." Sabi niya at iniwan na kami.
Napanga-nga naman si Jin. "Okay, what was that?" Maarte niyang sabi.
"Wala, siguro pag-uusapan namin ang pagiging maid ko." Pormal kong sagot sabay kagat sa burger ko.
Halos lumuwa ang mata ni Jin sa narinig. "Magiging maid ka ni Grey?!" Gulat niyang tanong.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Sana pala ako na lang yung nagserve nung order niya, edi sana ako ang maid niya. Bwisit na pantog kasi e! Crush ko pa naman siya!" Naiinis na sabi ni Jin na ikinagulat ko naman.
"Crush mo yung baklang 'yon?!" Gulat kong tanong.
"Hoy hindi siya bakla! Mainhin lang siyang lalaki, omg! Napaka well mannered niya." Kinikilig na sabi ni Jin. Umirap na lang ako sa hangin, well mannered, psh. Joke yun