Chapter 15

1300 Words
Nagising ako mga 12:00 na hindi nanaman kasi ako nakatulog kagabi, dali-dali akong bumangon para i check kung okay na si Grey. "Kingina Mayweather?! Yung totoo?! Bakla ka?! Yakap ka ng yakap e!" Halos mapanga-nga ako nang makita ko si Grey na nakaupo sa sala at nanonood ng boxing. "Ulul Floyd! Takbo ka ng takbo sana nag track and field ka na lang!" Pinagmasdan ko siya habang nanonood ng TV at kulang na lang ay maibato na niya yung remote sa TV. "Grey," tawag ko sakanya. Awtomatiko siyang napatingin saakin. "Oh gising ka na pala," sabi niya at ibinalik ang tingin sa TV. "s**t. Seriously man, are you in love with Manny?" Patuya niyang sabi na para bang sasagot ang TV. Mukhang maka Manny tong si Grey, napailing na lang ako at nagtungo ng kusina. Magluluto na lang ako. Nagluto na lang ako ng tanghalian, tanghali na kasi. Nang matapos kong magluto ay pumunta ulit ako sa sala para ayaing kumain si Grey. "That's it?! So yung ikinapanalo ni Floyd yung payakap-yakap niya kay Manny?! Unbelievable!" Frustrated niyang sabi. Nilapitan ko na lang siya baka kasi basagin niya pa yung TV. "Grey, kumain ka na nga muna baka mahimatay pa diyan." Sabi ko. "Nakakainis kaya!" Parang bata niyang sabi. Natawa ako ng bahagya. "May lagnat ka pa ba?" Pang-iiba ko ng topic. "Wala na." Sagot niya. "Tara na, kumain na tayo." Sabi ko. Tumango naman siya at pinatay TV saka na kami nagtungo ng kusina. Nagsimula na kaming kumain. "Bakit ba galit na galit ka kanina?" Natatawa kong tanong. "Pumusta ako e," sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain. Kaya naman pala. Si Grey talaga oh. "E ikaw bakit ang late mo gumising? Hindi tuloy ako nakapag-almusal." Sabi niya na ikinasamid ko naman. Tatanungin mo talaga ako ng ganyan? Kasalanan mo kaya kung bakit hindi nanaman ako nakatulog! "Ayos ka lang?" Tanong niya at inabutan ako ng tubig. Uminom ako ng konti. "Oo ayos lang ako." Sagot ko. "Buti kaagad nawala yung lagnat mo?" Pang change topic ko. Ngumisi siya. "Nakakahiya sa date ko sa prom e." Sagot niya. Oo nga pala prom na the day after tomorrow. Sino naman ang date niya? Si Molly? "Si Molly?" Tanong ko. Natawa siya na para bang joke ang sinabi ko. "Not her." Sagot niya. Woah, akala ko si Molly. Knowing Molly gagawa at gagawa siya ng paraan para maka date si Grey. "Huh? E sino yung date mo?" Tanong ko. Ngumisi siya at tinignan ako sa mata. "Ikaw," nakangisi niyang sabi. Pakiramdam ko mapula pa ako sa kamatis ngayon. "S-seryoso?" Tanong ko. "Bakit? Mukha ba 'kong nagbibiro?" Tanong niya. "Bakit ako? Bakit hindi si Molly?" Nagtataka kong tanong. Napangiwi siya. "E sa ayaw ko sakanya e, bakit ba? Ayaw mo? Sige magha-" I cut him off. "Hindi naman sa ganon!" Mabilis kong sabi. Ngumisi siya. "Iyon naman pala e," sagot niya. "Pagtapos mong kumain diyan, maligo ka na." Sabi niya. "Ayoko, mamaya na lang. Di naman ako mabaho e." Sabi ko. "Maligo ka kung ayaw mong ako ang magpaligo sayo." Naiirita niyang sabi. Muntik nanaman akong msamid. Juice colored. Feeling ko gusto akong patayin ni Grey ng maaga. "Bakit ba kasi? Hindi naman ako mabaho." Sabi ko. "Aalis tayo at huwag ka ng maraming tanong! Sumasakit ulo ko sayo!" He hissed at napahilot sa sentido niya, tumayo na siya at iniwan ako dito. Nagsusungit nanaman, parang may regla. Kainis. Pero saan ba kami pupunta? Bahala na nga. Huwag na daw ako magtanong. * Nandito kami ngayon sa Mall ni Grey, bakit niya ba ako isinama dito? Hindi naman ako makapagtanong dahil baka mamaya pagsungitan nanaman ako. "Nakakain ka ba ng tutubi? Kanina ka pa hindi nagsasalita e." Sabi niya. Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin. "Ang sungit mo kasi! Baka mamaya pag nagtanong ako mainis ka nanaman." Sabi ko. Napailing na lang siya. "Ewan ko sayo, tara na nga." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Napatingin ako sa mga kamay namin, bumilis ang t***k ng puso ko nang ipag intertwine niya ang mga kamay namin habang kinaladkad niya ako. Shet. Baygon please, pahinging baygon! Tumigil kami sa isang botique. Inalis na niya ang pagkakahawak sa kamay ko at nakaramdam ako ng pagka dismaya. "Hoy Mariese, mukha kang tanga." Sabi niya. Nag-angat naman ako ng tingin. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko sakanya. "Ano bang balak mong suotin sa prom? Pants at T-shirt?" Sarcastic niyang sabi. Nasimangot na lang ako. Nakakaasar talaga siya. Inirapan ko na lang siya at pumasok na sa loob. "Good afternoon ma'am, good afternoon sir." Bati nung saleslady, nakasunod si Grey sa likod ko.  Tumingin-tingin ako ng mga dress. Wow. Ang gaganda at mukhang mahal. "Grey mukhang mahal dito, sa quiapo na lang kaya tayo?" Sabi ko. He looked at me in disbelief. "Are you kidding me?" Hindi makapaniwala niyang sabi. "Mukha ba kong nagbibiro?" Tanong ko. He rolled his eyes. "Dito na lang tayo, ako naman ang bahala e. Magsukat ka na ng gusto mo." Sabi niya. Tumango na lang ako. Mayaman talaga. Tsk. Umupo siya sa isang upuan, may upuan kasi dito sa harap ng fitting room. Kinuha ko ang isang dress at pumasok sa fitting room. Lumabas ako ng fitting room wearing a black dress na hanggang ibabaw ng tuhod at naka fishnet stockings ako with matching black gloves na hanggang ilalim ng siko. Nag rock and roll pose ako sa harap ni Grey na prenteng nakaupo. Umiling siya. Kaya pumasok ako ulit ng fitting room at nagsukat ng ibang damit. Lumabas ako ng fitting room wearing an animal printed dress na hanggang tuhod with matching headband pa na cat's ears. Nag pose ako na naka rawr sa harap ni Grey. Pinag krus niya ang mga braso niya sa dibdib niya at umiling.  Napasimangot naman ako. Halos isang oras kaming ganoon, magsusukat ako ng damit tapos lalabas ako at iiling siya. Tulad ngayon nakasuot ako ng black leather dress na hanggang ibabaw ng tuhod at may panyong itim na nakatali sa noo tapos may parang sungay pa ang mga balikat ko. Umiling siya. "Mariese yung totoo? Idol mo si Lady gaga?" Sabi niya. Sumimangot ako at umiling. Pagod na pagod na ako, kanina pa kami dit pero wala pa rin siyang nagugustuhan sa mga isinusukat ko. Tumayo siya at nilapitan ako. "Ang haba ng nguso mo," asar niya. "Pagod na ako Grey." Reklamo ko. Napailing siya. "Para kang bata." Iling-iling niyang sabi at tumayo. Tinignan ko siya, nagpunta siya sa mga dress at namili. Ilang minuto ang lumipas nang makapili na siya ay nilapitan niya ako at iniabot saakin yung dress na hawak-hawak niya. "Iyan, bagay mo yan." sabi niya, tinignan ko yung cute na dress. Maganda pala ang taste niya. "Sige, isusukat ko na." sabi ko pero bago pa man ako makapasok sa fitting room ay nagsalita siya. "No need, alam ko naman na bagay sayo iyan." sabi niya. "Bakit ba ayaw mo ipasukat? Hindi naman ito wedding gown na kapag isinukat ko ay hindi matutuloy ang kasal." sabi ko. Napangiwi siya. "I want to see you wearing that sa araw ng prom, e kung makikita ko ngayon nasaan na ang thrill?" inis niyang sabi. "Ahh. Thrill." sabi ko at tumangu-tango. Binayaran na niya sa counter yung dress. "Girlfriend niyo ho sir?" tanong nung babae. Maid lang ako ni Grey, gaya nung sinabi niya kay Molly. Kaya I'm sure ganoon ang sasabihin niya dito sa cashier, kaya uunahan ko na siya. "Ma--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Yes, she's my girlfriend." nakangiti niyang sabi at kinuha na yung paper bag na may laman ng dress at hinawakan ang kamay ko sabay hila saakin palayo. Ang bilis ng t***k ng puso ko, pakiramdam ko ang pula-pula ko na. Why Grey? Why are you doing this to me? ---------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD