Isang tipid na ngiti ang iginanti ko kay Dey, asawa ng aking nakakabatang kapatid na si Xander at itinuturing kapatid naman ni James. Mabait siya, pero ayaw kong magsalita ng kahit ano lalot nasa paligid lang ang anak kong si Liam. " Huwag ka ng aalis ate Xania. We really missed you." Sinsero niyang paki usap sa akin. " Etong asawa mo, sabik na sabik sa pagbabalik mo. Dun na nga yan naka tira kila mommy dun sa kwarto mo, para daw feeling nya kasama ka niya sa bawat araw na pag stay nya dito sa Pilipinas." Nakangiti niyang kwento sa akin. Nakuha nya ang atensyon ko sa kanyang sinabi. Napatingin ako kay James at huling huli ko siyang naka tingin ng seryoso sa akin. Napansin ko rin ang kakaibang emosyon na ipinapakita ng kinang ng kanyang mga mata. Napaso ako at nag iwa

