Prologue
James Henddrix Sorriano
Halos pagsakluban ako ng langit at lupa ng dito sa morge natapos ang halos isang buwan kong paghahanap sa babaeng minamahal ko.Wala man lang akong nagawa upang ipagtanggol siya. Wala ako sa tabi nya ng tinatawag nya ang pangalan ko. Sobrang sakit na yung makita mo uli ang minamahal mo na walang saplot na nakahiga sa isang aluminum na mesa ng morge na natatakpan lamang ng kumot. Halos hindi ko siya makilala.Nakilala ko lang siya sa maliit na dalawang hugis pusong tatoo sa kanyang kaliwang dibdib. Bakas sa kanyang mukha ang hirap ng pinagdaanan niya. Kung gaano katagal siya lamang at ang gumawa nito ang nakaka alam. Nawala siya ng humigit kumulang isang buwan. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa ng dito sa morge natapos ang halos isang buwan kong paghahanap sa babaeng minamahal ko. Hindi ko ito matangap. Mas lalong hindi ko matanggap na ang hustisya na aking hinahanap para sa kanya ay hindi niya nakamtam.Tinabunan na siya ng lupa ngunit ang salarin ay nananatiling malaya.
"Will you marry me?" tanong ko kay Yvonne habang ako ay naka luhod. Kita ko sa kanyang mukha ang kagalakan. Umaagos ang kanyang luha lumuhod din siya at niyakap ako."Yes, Hon I will marry you." sagot niya. iyon ang pinakamasaya kong ala ala naming dalawa dalawang linggo bago siya mawala.Tanggap ko siya kung ano man ang kanyang nakaraan. Basta ang mahalaga ay kung ano kami sa kasalukuyan. Masayang masaya kami sa loob ng dalawang linggo na iyon. Nag leave pa nga ako ng isang linggo para lang masulit namin ang isat isa. Masayahin siya, laging nakangiti iyon ang minahal ko sa kanya.
Inihatid pa niya ako sa airport ng huling araw kaming nagkita. International flight kasi ako. Kaya inaabot ng kulang isang linggo bago ako maka uwi.Panay ang yakap niya sa akin at halos ayaw ng bumitaw. Isang masuyong halik na punong puno ng pagmamahal ang huling halik na aming pinagsaluhan. Hindi ko alam na huli na pala iyon. Kung alam ko lang ay hindi ako umalis. Nanatili sana ako sa kanyang tabi upang na protektahan ko siya at ang aming anak sa kanyang sinapupunan.
Pag dating ko agad sa tinutuluyan naming hotel ay tinatawagan ko siya. Pero hindi ko na siya ma contact pa. Noong una ay akala ko na low bat lang o walang signal kaya hindi ko siya matawagan. Nang sumunod na araw ay nagsimula na akong mag alaala. Pinapuntahan ko na siya sa ilang kamag anak sa kanyang trabaho at sa kanyang boarding house, ngunit nagtaka ako dahil sinasabi doon na kasama daw ng boyfriend. Pinapunta ko rin ang kapatid ko sa condo ko upang i check kung andoon siya. Ngunit wala pa rin doon. Hanggang sa tuluyan na akong makabalik at ako na ang naghanap. Saka ko lang nakumpirma na nawawala siya. Inireport ko sa mga pulis, pati sa NBI. Pinapahanap ko siya maging sa mga private investigators. Ngunit wala. Hanggang nakakuha sila ng lead na ang boyfriend na sinasabi na kasama nito ay isang batang pulitiko. dati daw itong karelasyon at paminsan minsan ay nagkikita pa sila kapag ako ay wala at nasa trabaho. Nang inembistigahan ito ay nag dead end na. hangang naging cold case at naging unsolve crime na. Kulang ang ebiensya na ito ang may gawa sa sinapit ng pinakamamahal ko.
Lumipas na ang mga taon ngunit ang sakit ay hindi pa rin mawala. Sinikap kong ibalik sa normal ang buhay ko. Ngunit mukhang hindi na ito mangyayari pa. Kulang na, iyon ay ang iniwan niyang puwang sa aking puso ng siya ay mawala. Sinikap kong makalimot. marami din nman ang mga babae na nagkakandarapa na mapansin ko. Sinubukan ko naman ngunit iba talaga si Yvonne.
Kapag wala akong trabaho ay tambay ako sa mga bar at nagpapaka lunod sa alak. Gusto kong lumimot sa sakit n aking nararamdaman.
"Anak its been years... baka naman you needed to move on with your life. Isinama mo ang sarili mo kay Yvonne. Its not right. Please..." Paki usap sa akin ni Mama.
Bali wala sa akin ang lahat ng paki usap ng aking ina. Isa lamang ang makakapag patapos ng impiyernong aking kinasadlakan, ito ay ang mabigyan ng hustisya ang aking mag ina. Yvonne was two months pregnant. Hindi man lang ako nabigyan ng chance na maging ama. I blamed my self... kung hanggang kailan hindi ko alam.
Hailey Xania Dela Pena
Matandang dalaga yan ang tawag sa akin ng bunso kong kapatid si Xander. "Tell me ano ba talaga preference mo ate? bakit galit na galit ka pag sine set up ka sa blind date? Pero laman ka naman ng bar!"palatak nito sa akin. Binigyan ko siya ng isang malalim na irap. " Huwag mo akong paki alaman...wag mo akong igaya sayo male w***e!"
Normal sa amin yun ganung usapan.
"Matandang dalaga... dont you think its time to move on? You deserves to be happy. " Malambing niyang sabi sa akin.
"Sino ba sinasabihan mo nyan Xander ako ba o ikaw?" Natigilan ang kapatid ko at umalis na lang agad ng walang sabi sabi.
Nakagat ko ang labi ko sa sobrang inis. Pareho lang naman kasi kami ng kapatid ko hindi maka move on sa aming past.
Pareho kaming ayaw bumalik ng Pilipinas upang malimot ang sakit ng aming unag pag ibig. Galit na sa amin ang aming mga magulang at ang aming ate Xandy parehas daw kami ni Xander. Duwag. Mas gusto naming magtago at mag aral upang maka limot. Alam kong unfair ito sa aming pamilya sapagkat hindi kami makatulong sa aming mga negosyo at mas piniling walang responsibilidad.
Hindi nila ako masisi.Sa kabila ng mahabang taong hindi ko pa rin malimot ang aking anak ang pagkawala niya sabay ang pagka wala ng kanyang ama. Mula noon hirap na akong magtiwala.
This is purely a work of fiction. Any similarities in any actual events, names and places and persons living or dead are purely coincidental.
Dedicated in memory of a person who believed and read all my literary works with excitement and enthusiasm. Who held my hands in uncertain times, pain, in agony and defeat. Inspires me to believe in my self....Thank you for believing in me, for smiling down for me.