Chapter 1

2041 Words
     Munich, Germany           " There's your baby ma'am. He is still there, holding on for you." nakangiti kong sabi sa aking emergency patient, ngunit sa totoo lang may kumurot na ingit sa aking puso. pero honestly masaya ako para sa kanya.        "I dont want it... why are you saving it!" Sigaw nya sa akin na aking na aking ikina bigla.       "I am  doctor maam, my job is to save. " sabay kagat ko sa labi ko at tinalikuran ko ang babae.        I need to breath! Sasabog ako anytime. Unti unting pumapatak ang luha kong pinipigil. Nakaramdam ako ng isang  kamay na  humahaplos sa likod ko.      " Ibang culture nila.. wag mong personalin." Nakangiting bulong ni ate Mira, isang Filipino nurse. Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Dumirecho pa rin ako sa labas ng hospital at doon ko pinakawalan ang luha at emosyon ko.      Bakit ayaw nila pero kumakapit pa rin para mabuhay nung bata. Siya gustong gusto niya pero bumitaw yung bata. Ayaw nya rin ba sa kanya bilang anak.. katulad ng pag ayaw sa kanya ng ama nito?      Its our 1 year anniversary. Sinabi ko kay James na hindi ako pede mag celebrate dahil me exams ako. I am in my final sem sa course kong BS Microbiology sa isang kilalang university. Pagka graduate ko ipapakilala ko na si James sa parents ko. He proposed to me last week and I said yes. Baka mas mauna pa akong mag pakasal kisa mag trabaho sa Pharmaceutical company ng parents ko. My parents are both doctors, same as with my eldest sister, Xandylou. kasalukuyan siyang intern sa pag aari naming ospital. our youngest Xander is a freshman taking up BS Pharmacy, who also planned to be a doctor. Ako...my gad! Hindi ko alam, ang alam ko lang dapat maka graduate ako para hindi naman kahiya hiya sa pamilya ko! Ako kasi yung tipong easy go lucky lang. Hindi ako tulad ng dalawa kong kapatid na napaka seryoso sa buhay. Ako basta pumasa lang ok na. Katwiran ko me trabaho namang nag iintay sa akin pagka graduate ko.     Balak kong sopresahin si James. I've known James since high school. Magka klase kami. May ka gwapuhan ang boyfriend ko kaya crush siya ng campus bukod sa matalino ito.Hindi niya ako napapansin noon, paano'y hindi naman ako active sa klase noong high school samantalang siya ang aming salutatorian at akoy papetiks petiks lang enjoying each moment of my high school life.      We meet again  almost two years ago sa debut ng isa naming kaklase since then hindi na nya ako tinantanan. He is in fourth year sa couse niyang BS Aviation Engineering.       Pagkalabas ko ng elevator sa 21st floor kung nasaan ang condo unit nya ay inayos ko muna ang sarili ko. Muli kong pinadaanan ng suklay ang aking hanggang balikat na buhok sa pamamagitan ng mga daliri ko. Naka school uniform pa ako, bitbit ko rin ang isang box ng pizza. Alam kong nasa unit siya ngaun, almost six P.M. na kasi four ang tapos ng last class nya.       Hindi ito ang unang beses na pumunta ako sa unit nya sa loob ng one year relationship namin. Marami kaming masasaya at hindi malilimutang memories sa unit nya.      Napangiti ako ng maisip ko yun.Pinindot ko ang passcode nya. Maingat ko isinara ang pinto pagka pasok ko. Gusto ko sana siyang sopresahin.      OMG... napahawak ako sa aking dibdib ng maka kita ng isang sapatos na pambabae. My gad.. huwag naman sana. Ipinatong ko ang box ng piza na aking bitbit sa center table at dumirecho sa kwarto niya. Doon ko na comfirm ang aking kinakatakutan.      Nakahiga sa kanya kama si James tulog, half naked... at naka upo sa kanyang tabi ang isang babae na hubo at hubad. Natulala ako at nanigas sa pagkakatayo sa kanyang pinto. Naramdaman naman ng babae ang aking presensya.      "Hi! I am Carla her girlfriend for four years.... ikaw sino ka?" Pakilala ng babae na animo ay wala lang na nahuli ko sila.      Hindi ako nakapagsalita. Nalunok ko yata ang aking dila.      Tumayo siya at lumapit sa akin. Walang kahiya hiya na makita ko ang kanyang  kahubaran.      "I am asking you? Sino ka na basta na lamang papasok sa unit ng boyfriend ko?" mataray niyang sabi habang tinutulak tulak niya ako.      "Let me guess... isa ka sa mga nakikiusap na matikman siya." Sarcastic niyang sabi. Unti unting umahon ang galit ko, napaltan ang aking pagka bigla at ang denial sa aking sarili na this is not happening.      "I am sorry, pero wlang kahihinatnan ito. Next year after graduation ay ikakasal na kami. Nagkaroon na kami ng engagement party. Just tell me paano ba ako makakabawi sa iyo sa kalokohan ng boyfriend ko? How much do you need?"       Hindi ko na napigilan kumawala ang aking ngisi... ako tatanungin nya kung magkano? Ako... si Hailey Xania Dela Pena.. tatay ko ang may ari ng isa sa  malaking pharmaceutical company sa bansa... not to mention isang kilalang hospital. Tatanungin ako kung "how much do you need?"      Wala akong nasabi kundi "Go to hell!"       Hilam ng luha na tumatakbo akong paalis sa unit na iyon. Hindi ko alam kung paano ako naka alis sa building na iyon at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na sakay na ng taxi at nagpahatid sa bahay.      Sumasakit ang ulo ko sa pag iyak nahihilo na rin ako, pati na rin ang puson ko sumasabay pa. Inayos ko ang sarili ko upang hindi ako matanong sa bahay. Ayaw kong mag worry ang parents ko at mga kapatid ko.Dumirecho ako sa kwarto ko. nakasalubong ko sa hallway ang bunso kong kapatid. Halata sa mukha niya ang pag aalaala ng makita ako.      "Are you ok? What happend to you?" Nag aala ala nyang tanong.      Hindi ako sumagot. Nahihilo na ako at sobrang sakit ng puson ko.      "Ate... do you have your period... that is strange..." naguguluhan nyang tanong na nakatingin sa palda ko. Nabigla din ako dahil ang puti kong uniform ay puro dugo.       Napatigil ako.. natakot. Napahawak ako sa kapatid ko. Sabay naramdaman ko ang sobrang pagsakit ng puson ko.       "ahhhhh.... Xander!" sigaw ko.     "Dad.... Dad!" Sigaw naman ng kapatid ko. iyon ang aking huling narinig and everything turned black.       Nagising ako sa isang hindi ko kilalang silid. Nasilaw pa ako sa ilaw kya napapikit uli ako. Nag mag mulat ako ay agad kong nakita ang mukha ng aking mommy na nag aalala, ganoon din ang aking daddy. Bakas sa kanila ang takot ngunit may mga pag unawang naka ngiti. Naroon din sa aking tabi sina ate Xandy at Xander.      "Are you okay Pumpkin? How do you feel?" malambing na tanong ni Papa.      Ngumiti ako sa kanya. Wala na ang pagsakit ng upo at pagka hilo ko ganun din ang sobrang sakit ng aking puson.       "I feel better now Dad.. thank you po. Sorry po, pinag alala ko kayo."      Napansin ko ang pasimpleng pagpunas ng luha ng aking mga magulang.     "What happened po?" Tanong ko sa kanila.      "We love you Xania, at walang mababago doon anak." Bagkos ay sagot ni mommy.     "We are going to support you anak, what ever your decission. We are going to respect it. That's how we love you." Sambot naman ng aking ama.      "What's wrong? Nagtataka kong tanong.      Palihim na nagtinginan ang parents ko. Pero halata ko sila.     "Kumain ka muna anak, para lumakas ka." Pag iiba ni mommy.     "Mom, bakit naman po ang dysmenoria ay need pang ma ospital.. I cant stand seeing you all like that. May sakit po ba ako na hindi ko alam?" Na wiwirdohan na ako sa pamilya ko.      "Anak I know its your exam week, but hindi ka muna maaring pumasok, you have to rest say... kahit mga one week."    " Why Dad? What's wrong with me?" Talagang itong family ko me pa surprise pa.. pero sa totoo lang kinakabahan ako.      "You have a misscariage anak...." Malungkot na pahayag ni mommy.      Parang bomba na sumabog iyon sa utak ko. natigilan ako.      "Dont blame yourself Xania... no one is blaming you. As we said, we love you and we will support you in what ever decision you came up with. Sa ngayon please... magpahinga ka. Dont over think." Pag aalo sa akin ni Daddy.     "Speak about this when you are ready anak... we will wait."      Buntis ako.... buntis ako... at nawala siya sa akin... the same day na nawala sa akin ang ama niya.     After three days ay iniuwi na ako sa bahay.Walang nagtanong sa akin. I know my family respect my feelings. Alam nila na nasasaktan ako.       Hinatid ako ni Ate Xandy sa kwarto ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin.     "What will you need?"  tanong nyang may pag aala ala.     "Thank you ate.. I'll be fine." taboy ko sa kanya gusto kong mapag isa. Wala akong mukhang iharap sa kanila. Pero hindi ko mapigilan....      "Ate... I'm sorry... I'm sorry!"Iyak ko sa kanya.      "Sssshhhh... its ok. Minsan kailangan nating masugatan para mas alam natin na mag ingat para hindi na natin maranasan." Ngumiti siya sa akin.      "No one is judging you. Minsan kailangan lang lahat mangyari ang mga bagay bagay. Move on. You might have lost your child... but we are still here for you. Remember that." Bulong niya sa akin sabay halik.      Matagal akong nakatitig sa pintong nilabasan ni ate Xandy. I have a great family... She's right I have to move on para sa kanila, para sa pamilya ko. Tumayo ako at inayos ang gamit ko. napatigil ako ng narinig ko ang ring ng cellphone ko. Hinanap ko ang pinangagalingan ng tunog, nasa bag ko pa rin na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. Kinuha ko ito sa nakita ko ang pangalan ni James.     Tiningnan ko na lamang ito hanggang sa mawala na ang tawag. Nakita ko doon ang mahigit isang daan na misscall ni James at mga text ng pag aala ala sa nakalipas na tatlong araw.     Sinaway ko ang sarili ko na makaramdam ng sakit. I dont deserve it. Pumunta ako sa king social media account, naroroon din ang hindi mabilang na na missed kong video call at messages. Inan install ko ang mga app na ito sa aking phone. pagkaraan ay kinalas ko ito, kinuha ko ang aking simcard at inihagis iyon sa basurahan.      Yes... I will move on. Hindi ko deserve ang pain and suffering... wala akong ginawang masama kahit kanino to deserve all of this. I should forget him... but not my little angel.      After a week ay saka lamang ako naka balik s university. Nag take din ako ng dalawang na miss kong exam sa dalawang subjects. Normal lang naman ang lahat. Everybody thought nagka flu lang ako kasi yun ang nilagay ni Dad sa med cert ko. Until now wala pa rin akong sinasabi sa family ko. I think there ok with that since nag sorry na naman ako sa kanila and they have forgiven me. But they also told me to forgive myself for me to move on.      Sinikap kong maging normal ang lahat Ayaw ko ng umiyak at maalala pa siya. I conditioned myself sa mga araw na wala ako sa school. After class ng hapon na iyon natanaw ko si James sa gate ng school... siguro sinusundo ako...sinaway ko ang sarili ko.      "Asa ka pa?" bulong ko. Tuloy tuloy lang ako na walang nakikita.      "Hailey.... what's wrong? May problem ba? Lets talk babe..." Sabi nya habang nahabol sa akin.      Namataan ko agad ang driver namin na binuksan na ang pinto.Hindi talaga ako nag papahatid at sundo, hindi ko rin dinadala ang sarili kong sasakyan na regalo ng parents ko sa akin nung mag debut ako. mas gusto kong mag comute kahip pa noong high school ako. Wang imik akong sumakay at sinara ang pinto. Panay ang tawag nya sa pangalan ko, panay din ang katok nya sa bintana ko pero hindi ako natitinag. Sinasaway ko ang sarili ko na tumingin  kanya.      "Mam Xania?" Nag aatubiling sabi ng driver namin.      "Tayo na po kuya. " Aya ko at tuluyan ng umalis sa parking ang aming sasakyan. panay pa rin ang katok ni James at tawag sa akin. Nakaka agaw na rin siya  ng atensyon pero wala siyang paki alam, hanggang sa hindi na niya kami nahabol. Tumulo ang luha ko na agad kong tinuyo.     "Da hu ka ngayon sa akin!"                       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD