Its been a month since bumalik ako dito sa San Francisco. Muli kong napatunayan na wala na akong babalikan pa sa Manila. At yung last visit ko kahit two weeks lang ang nagbigay ng ilang liwanag at sagot sa mga tanong sa aking nakaraan.
Ang encounter namin ng mother ni James ay malaking bagay para masagot ang mga tanong sa aking isipan sa loob ng pitong taon, Nakakalungkot lang na isipin na mas lalo nitong pinalaki ang guilt ko sa aking sarili kung bakit ako nabubuhay ng ganito. Alone, depressed, at hindi masaya.
I realized sa pag confirm ni tita Elizabeth sa katauhan ni Carla bilang stalker at kina iinisan ni James. Inakala kong fiancee talaga ni James ito tulad ng kanyang sinabi. Ang pagkahuli ko sa kanilang dalawa sa kwarto ni James habang tulog ito at parehong walang saplot.Tulog si James noon, habang si Carla ay gising. Nag iintay ba talaga ito na may makahuli sa kanila sa ganoong sitwasyon? What if nagwala ako at nagising si James maipapaliwanag ba nito ang sitwasyon na naabutan ko? What if, hindi ako nagpadalos dalos at pinakingan ko siya when he was begging to talk to me. What if kina usap ko siya last year ng magkita uli kami.
Ang daming what if na hindi na masasagot. He is happy now with someone else. Sabi nya wag akong mangugulo nung magkita kami last month. Wala naman akong ginawa. My feelings pa rin ba siya at naka mask lang ng hatred na nakita ko sa kanya last month? The passionate kiss that he gave me said it all... or was I just imagining things because deep down inside me, I realized I love him, nothing change.
The emptiness I felt... I lost a part of me when I lost my baby, when I lost him.Kahit na anong gawin ko wala pa rin. nararamdaman ko pa rin.
It's been a month at walang nagbago sa lifestyle ko. After ng nakaka pagod na sa pag aaral at duty sa hospital may mga araw at gabi pa rin akong hindi mapakali. Nilulunod ng lungkot. I am falling into depression again. Kaya lagi na namana akong laman ng mga bar para magpakalunod sa alak at tumanga lang sa kawalan habang pinapanuod ang pag eenjoy ng iba.
This night is not an exception. After kong mag off sa work ay dumirecho ako sa favorite hang out ko. I will drink until na wala na akong kayang gawin pa kundi matulog.
Wearing a skinny pants and a white blouse I entered the bar. Buhay na buhay na ang paligid dahil sa mga upbeat music at mga taong nagsasaya. The lightning is superb too. Ito yung gusto ko sa mga lugar na tulad nito nakakawala ng isipin. It let me escape even for a while.
I was on my way sa bar counter na lagi kong inuupuan ng may isang pamilyar na lalaki na tumayo mula sa kanilang mesa at humarang sa akin.
"Look whose here... dito lang pala kita makikita Hailey!" Masaya niyang bati sa akin sabay ang buka ng kanyang mga braso upang yumakap sa akin.
Natigilan ako at napangiti!
" Rob! Its you!" Masaya kong bati sabay hug sa kanya.
"It's good to see you... how long it was? Are you with some one? Boyfriend or husband perhaps?" Sunod sunod niyang tanong.
" I am alone." Sabi ko habang lumuluwag ang yakap namin sa isat isa.
"Join us." Aya ni Rob habang hinihila na niya ako paupo sa table nila. marami siyang kasama, apat na babae at isa pang lalaki.
" Guys eto yung babae na bumasted sa akin ng tatlong beses! Meet Hailey." Pagpapakilala nya sa akin na ikinatawa naming lahat.
" They are my co worker sa airlines. this is Chit, Macey, Kara, Arriane and Fred." Pakilala niya sa akin sa kanyang mga kasama na kumaway naman sa akin habang ipinapakilala.
" Hi guys... how do you do? I am Hailey." pakilala ko naman habang nakikipagkamay ako isa isa sa kanila. Pina upo nila ako sa tabi ng isang babae na ang pangalan ay Kara at sa kabila naman ay doon naka upo si Rob.
Rob is my brother's Xander high school friend and classmate.
"Biro ba iyon, talagang busted siya sayo ng three times?" Tanong na naka ngiti sa akin nung Fred.
Napangiti na lamang ako sa kanya pagkatapos kong mag order sa waiter. Si Rob ang sumagot.
"The first was I was when I was in third year high school, the second one was I was in first year college... and the third one was five years ago!" Kwento niya sa lahat.
"Talaga? seryoso?" Sabi naman nung Arrianne. Yung tatlong babae naman ay naka tinging naka tingin lang sa akin.
"Hindi ako makapaniwala? Na busted talaga siya?" patuloy na tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa akin.
"He is three years younger than me!" natatawa kong sabi.
"Yung first ay I was in second year college, third year high school siya!" Natatwa kong paliwanag kay Arriane.
"What happened naman nung second at third..." Si Rob na ang nagtatanong.
Tinunga ko muna ang margarita ko bago ko siya sagutin.
" Second time you were in first year college and I was already graduating then..." Natatawa ko pa ring sabi.
"Pede na iyon ah...pareho na kayong nasa college. Look oh... sayang pinakawalan mo pa yan!" Tuksong sabi naman nung Maicy.
At nagpa pogi pa si Rob habang nag puppy eyes.
" I had a serious commitment noon." Seryoso kong sabi.
" I bet mas gwapo ako namn doon..." si Rob uli.
" Hindi ah.. mas gwapo yun sa iyo!" sagot ko naman.
Biniro nila ng kung ano ano si Rob hanggang sa naging mas maingay ang aming grupo.
" E yung pang third?" Panggagatong pa uli ni Arrianne.
Ngumiti akong mapakla ng malala ko ang panahon na iyon.
"Oo nga naman... flight attendant na ako noon, hindi na ako estudyante. Then back up pa ako ng kapatid mo. Hindi na ako alangan sa iyo." Biro ni Rob ngunit halata kong may bahid katotohanan ang biro na iyon.
"Ayaw ko ng FA... mas bet ko piloto!" Sakay namn ako sa biro nito. Mas nag eenjoy ako ngayong gabi mas masaya talagang me kakulitan habang nainom kisa mag isa lang akong nagpapaka lunod sa alak.
"Piloto ba kamo.... Hi! I am Capt. Fredrick Santos!" Sabay abot ng Kamay sa akin nung Fred at kumindat.
Sinakyan ko sya at tinangap ang kamay niya.
" Hailey Dela Pena, glad to meet you."
"Ouch!" Sigaw naman ni Rob habang hawak hawak ang kanyang dibdib. Nagtawanan ang lahat.
" Bakit siya busted ng ika third time." Pangungulit pa rin ni Arrianne.
Ibinaba ko ang hawak kong baso. Bumuntong hininga ako.
" Busy ako noon." matipid kong sabi. Pero sa totoo lang, yung mga panahon na sobrang down ako at kinakain ng buo ng sepression sa pagkawala ni James at ng aming anak.
" Kalimutan mo na kasi yung Babe mo... ibukas mo na lang ang puso mo." Seryosong sabi ni Rob.
"Paano mo naman nakilala si Babe?" Nagtataka akong napapatawa sa itsura ni Rob.
" We heard you... lasing ka na noon, noong nag inuman tayong tatlo nila Xander five years ago." Sagot ni Rob bago tumunga.
"Hailey, maingay kaba pag lasing?" Curious na tanong naman nung Chit na nasa aking harapan.
"Ewan ko ba dyan, kung ano anong sinaabi..." Nastatawa kong sagot.
" Parang si Maicy lang yan, salita ng salita tas kinabukasan hindi na alam ang sinasabi." Tulso ni Rob dun sa isang kaibigan niya, na napatawa na lamang.
" Yung kapatid nitong si Hailey ang barkada ko noong high school so medyo close talaga kami. He invited me to sleep in their house after mabusted nag inuman kaming tatlo. She can still walk, pero naging talkative." Kuwento ni Rob na nang iinis sa akin. Ngumiti na lamang ako.
"Dont tell me na nag huhubad din yan pag lasing?" Hirit uli ni Chit.
Natatawa na lamang ako sa kulitan nila at talagang ako pa ang topic. Hinayaan ko na lamang at nag eenjoy naman ako na may kasama at mga kausap.
" His brother, taunted her... he called her babe. Sabi Babe, sagutin mo na si Rob, move on... " Tawang tawa si Rob habang kinukwento iyon.
" Anong sabi ko?" Hindi ko na mapiligil na magtanong.
" James, papatayin ko muna kayo ng babae mo!" Sagot naman ni Rob.
Nabura ang ngiti ko at bumagsak ang balikat ko. Hindi ako nagkakamali, sinabi ko nga iyon dahil wala naman akong pinagsasabihan tungkol kay James.
" Hailey.. are you a doctor?" Walang ano anong tanong ni Kara.
" Yes, I am an OB-gyn." Matapat kong sagot.
Bilang na excite yung Kara. Kita ko ang pagiging hyper nya ng marinig ang sagot ko at tinapik tapik pa si Macey habang natili.
" Sabi na.. you look familiar!" Tili nito.
"Ate Maicy siya ang doctor mo last year!" Excited niyang sabi.
" Hello doctor, thank you sa pag asikaso mo sa akin... small world!" Kita ko sa kanyang ang sincerity ng pagpapasalamat.
Hinalukay ko sa isip ko kung kelan ko sila na meet.. isang taon.... crew ng airline....
"Kilala ko ang babe nya... OMG! At tama siya, mas di hamak naman na mas gwapo iyon kesa sa iyo Rob!" Excited niyang sabi habang ako naman ay biglang namula.
" Noong na confine ka ate Maicy, si Dr. hailey ang nagpaliwanag sa amin ni FO, tas tinawag siya ni FO na Babe!"
"Hindi nga!" Tili naman ni Maicy.
"Teka teka.. sinong FO yun?" halos sabay sabay na sigaw nung apat sa tabi ko.
"James.... James Henddrix Sorriano!" Si Rob ang sumagot.
"Mismo!" Sabay pa na sagot ng dalawa ni Maicy at Kara.
Napakagat ako sa labi.
" Baka talagang kayo ang meant to be..." May panunuksong sabi ni Maicy.
" Ganon...Ikakasal na yun at magkaka anak na sila. Patient ko yung girl nung nasa Manila ako."sabi ko.
"Hindi matutuloy..." Sabi ni Kara.
"Huh, bakit?" nagtataka kong tanong.
" Natagpuang patay yung babae." Malungkot na sabi ni Rob.
Nabigla ako sa sinabi niya. Naawa ako para kay James. Pangalawang beses na niyang mawalan ng anak.
" What? last month naging patient ko yung girl." nabigla kong sabi.
" Last week lang. Nawala yung babae for ilang weeks nung makita patay na." Paliwanag ni Maicy
Nalungkot ako para kay James.Kamusta na kaya siya. Sana ay malampasan niya ang kanyang hinaharap.