bc

The Song Of Us

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
campus
soul-swap
like
intro-logo
Blurb

HIGHSCHOOL PALANG si Lou ay pangarap na niyang maging isang singer at sumulat ng mga kanta. Kaya naman laking-tuwa niya nang may isang taong handang turuan siya. Si Taru. Ang secret crush niya. At ito rin ang kanyang magiging first boyfriend. Pero naudlot ang kanilang love story dahil bigla na lang nawala si Taru na parang bula matapos nitong makausap ang Mama ni Lou.Tatlong taon ang lilipas, maririnig ni Lou ang nilikha niyang kanta sa isang sikat na singer na si Aya. Wala siyang ideya kung paano napunta kay Aya ang kantang iyon ganoong siya ang sumulat nito. Para masagot ang gumugulo sa kanyang isipan, napagdesisyunan ni Lou na pumunta sa Lyrica Company para magfile ng reklamo at paratangan ng Plagiarism Case ang management na humahawak kay Aya. Pero sa mismong araw na tumungtong ang mga paa ni Lou sa naturang gusali ng Lyrica ay saka niya muling nakita si Taru. Pero nag-iwan lang matinding sakit kay ang muli nilang pagkikita na dalawa. Kaya naman matapos nilang mag-usap ni Taru ay hinayaan muna ni Lou ang kanyang sariling na magpakalasing kasama ang mga kaibigan niya. Pero iyon rin ang magiging dahilan para masangkot siya sa isang aksidente. Sa pagdilat ng kanyang mga mata, nasa ibang katawan na siya. Nasa katawan na siya ng babaeng iniidolo niya. Si Aya.Wala siyang ideya kung bakit sa dami-daming katawan na pwede niyang saniban, bakit sa katawan pa mismo ng kanyang iniidolo? Ano ang ugnayan nilang dalawa ni Aya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NASA JEEP PALANG SI Lou nang inilagay na niya ang kanyang earphones sa tenga niya. Mas gusto pa kasi niyang pakinggang ang boses ng paborito niyang singer na si Aya kaysa pakinggan ang tsismis ng dalawang matandang nag-uusap sa tapat niya. Pinagti-tsismisan ng mga ito ang anak ng kapitbahay na nakapag-abroad. At nakapangasawa ng isang Hapon. Kaya umaastang mayabang ang buong angkan sa barangay nito. Napailing na lang si Lou saka pumikit. At saka niya dinama ang napakagandang boses ng idol niya. Baguhang singer lang si Aya. Pero dahil sa maala-anghel sa ganda ng boses nito kaya madaling nakilala ng publiko. Naging Top Selling ang unang single na nilabas nito. Ang isa pang dahilan kaya nagustuhan ni Lou ng husto si Aya, marami kasing nagsasabi sa kanya na magkahawig silang dalawa. Syempre, bilang fan nito ay talaga namang proud na proud siya. Hindi naman niya kaanu-ano si Aya. Pero napakagaan ng loob niya rito. Sa katunayan niyan, isa sa mga pangarap niya ay makapanuod ng live concert nito balang-araw, at makita ito ng personal. Nasa kalagitnaan ng pakikinig si Lou nang maramdaman niyang huminto ang jeep na sinasakyan niya. Nagawa niyang dumilat saglit nang naramdaman niyang umalis ang babaeng nasa tabi niya. Pero mas nakapukaw sa kanyang atensyon ang pamilyar na amoy ng isang perfume. Kaya naman nagawa niyang napatingin sa bago niyang katabi. At ganoon na lang ang pagkabog ng kanyang dibdib nang makilala ito. Si Taru Enriquez. Secret crush ni Lou ito simula noong unang araw palang nitong magtransfer sa kanilang school. At dahil sadyang may kaguwapuhan itong taglay, naging instant celebrity ito hindi lang sa section nila kungdi sa buong eskwelahan. Sa katunayan, Crush ng Campus ang bansag rito. Ang magandang hubog ng mga kilay nito, ang mahahabang pilik-mata nito, ang bilugan nitong mga mata, ang matangos nitong ilong, at kissable lips nito, halos lahat ay napakaperpekto. "Hay, sana all!" bulong na lang ni Lou sa kanyang isipan sabay ang pagbuntong-hininga. Sa Taru ay parang isang butuin sa langit. So close yet so far. Abot-tanaw na pero hindi man lang mahawakan. Oo, katabi ngayong niya si Taru sa upuan. Napakalapit na nito sa kanya. Pero napakalayo dahil never silang naging close. Ewan nga ba niya, malamig ang pakikitungo nito sa kanilang lahat. Para itong laging may sariling mundo. Mas gusto nitong mapag-isa kaysa ang makipaghalu-bilo sa iba nilang kaklase. Para namang naramdaman ni Taru ang presensya ng pagkakatingin na iyon kaya mabilis na umiwas ng tingin si Lou. Mabilis siyang nagpatay-malisya. Muling huminto ang jeep. Muling may sumakay. Nagulat si Lou nang pinausog siya ng lalaking bagong sakay kaya lalo lang siyang napalapit kay Taru. At hindi sinasadyang magkadikit silang dalawa. Lihim siyang napalunok. At pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit ramdam na ramdam niya ang pagkabog ng malakas ng dibdib niya. "Manong, bayad!" anang lalaki na bagong sakay, at pinaabot kay Lou ang bayad nito. Wala namang magawa si Lou. Inabot na niya ang bayad pero laking-gulat niya nang mga kamay ni Taru ang naka-abang sa kanya. Halos matulala siya nang sumayad ang dulo ng kanyang mga daliri sa palad ng binata. Inabot naman ni Taru ang bayad sa driver pero ilang saglit pa ay pumara na ito, "Manong, para po!" Doon na natauhan si Lou. Nasa kanto na pala sila ng kanilang school. Kaya sumunod na siya. Yumuko siya para hindi mauntog sa kisame ng naturang jeep. Pero nakakailang hakbang palang siya nang bigla umusad ulit ang jeep. At dahil sa pagkabigla, hindi niya sinasadyang matulak ang likuran ni Taru na nasa unahan lang niya. Para pa ngang nahawakan niya ang pwet nito. Kaya bigla itong napalingon sa kanya. Inis na binalingan ni Lou ang driver. Paraan niya para makaiwas sa tingin ni Taru, "Manong naman, hindi pa kami nakakababa!" "Pasensya na! Kasi may Red Boys, at baka mahuli ako dahil nagbaba ako sa maling babaan," katwiran ng driver. At ang Red Boys na tinutukoy nito ang mga Traffic Enforcer. "Sana magdahan-dahan naman po kayo," paninisi pa rin ni Lou. "Sige...Ito na..." hininto na ng driver ang jeep nito sa tamang babaan. Nakahinga na ng maluwag si Lou nang makababa na sila ni Taru sa jeep. Pero matatalim na tingin ang binato nito sa kanya dahilan para magtaasan ang mga balahibo sa buong katawan niya, "S-Sorry..." kinakabahan niyang sabi. Pero walang sinabi si Taru, tumalikod lang ito at nagsimula nang maglakad. Sumunod na rin si Lou habang panay ang pagpukpok niya sa kanyang ulo. Hiyang-hiya kasi siya sa nangyari na kung tutuusin ay hindi naman talaga niya sinasadya, "Kasalanan talaga ni Manong Driver 'yun, eh!" depensa pa niya sa kanyang sarili habang hatid-tanaw niya si Taru. Muli siyang napabuntong-hininga, kahit kasi nakatalikod ito ay sadyang napakaguwapo nito. Halos magkasunod lang silang dalawa nang pumasok sila sa kanilang classroom. Muntikan na naman nga silang magkabanggaan nang magkasabay rin silang pumunta sa iisang direksyon. "Nananadya ka ba?" inis na tanong ni Taru. "H-Hindi, ah! D-Doon kasi ako nakaupo!" katwiran ni Lou sabay ang turo sa kanyang upuan kung saan nasa iisang row lang silang dalawa. Pero siya ang nasa bandang unahan at ito ay nasa bandang likuran. Inirapan lang siya ni Taru. At saka na ito naglakad patungo sa sarili nitong desk. Umupo na si Lou sa kanyang desk habang abot-abot ang kilabot nararamdaman niya. Ewan nga ba niya, bakit nagkagusto siya sa lalaking iyon. Eh, sa mga tingin palang nito parang kayang-kaya na siya nitong patayin. Nasa ganoong pag-iisip si Lou nang maramdaman niya ang bahagyang pagkalabit ng kaibigan niyang si Rhea, "Ano'ng mayroon? Bakit sabay kayong dalawa?" usisa nito habang makahulugan ang ngiti sa mga labi. "Nagkasabay lang kami sa Jeep," nayayamot na tugon ni Lou. "Talaga lang ah?" kumindat pa si Rhea sa kanya na todo na ang panunukso. Si Rhea ang tinuturing pinakamatalik sa kaibigan ni Lou. Ito lang din ang tanging sinasabihan niya tungkol sa lihim na pagkakagusto niya kay Taru. At ngayon ay lihim niyang pinagsisisihan iyon dahil walang araw na hindi siya nakakatikim ng panunukso mula rito. Lihim na nagpasalamat si Lou nang dumating na ang kanilang adviser na si Miss Ancheta. Hudyat na rin ito na magsisimula na ang kanilang Math Class. Kaya natigil na rin ang panunukso sa kanya ni Rhea. Kasalukuyan nang nasa Senior High si Lou. At ngayong taon ay ga-graduate na siya. Alam na niya ang kung ano ang gusto niyang kunin sa college kaya ang iniisip na lang niya ngayon ay kung papaano makakapasok sa university na gusto niya. Nagsimula na ang klase ng umaga iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
726.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
962.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
348.9K
bc

Not just, the Beta

read
343.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook