ESCUELAHAN

1791 Words
Lucianda Solero MY LEGS were crossed while I was sitting comfortably on the bench. Hindi naman bago sa akin na may lalaking magustuhan, ngunit ang pinagkaiba lang sa pagkakataong ito ay ang lalaking nagugustuhan ko ay nalalayo sa akin ang edad. As I did my research about him, he was not the typical college guy you’ll meet. He is an achiever, consistently an A-list student, and… was not reportedly in a relationship for the past years. “So, this is his school,” I mumbled and stood up when I saw a familiar figure coming out of the gate, together with a bunch of guys. Sa kumpulan ng mga kalalakihan ay kapansin-pansin agad ito, dahil sa kanyang tangkad at seryosong mukha na siyang naiiba sa mga kasama niyang may mga ngisi sa labi. I raised my one hand to get his attention, pero unang nakapansin sa akin ay mga kasamahan nito. Tila ba kay mahal ng kanyang mga tingin at atensyon para mapukaw. “Doctor Montalbo!” sambit ko na may konting pagtaas ng boses. Dahil doon ay pati mga babaeng estudyante suot ang puting uniporme nila ay napabaling na rin sa akin. I heard murmurs around me, dahil oras na ng uwian ay maraming estudyante ang sabay-sabay na lumalabas. Pero wala akong pakialam sa kanila, maski sa mga kaibigan ni Alejandro na nagsimula na sa pagtutukso sa kanya. But he remain emotionless, annoyed, and stays still in his position. “Montalbo raw!” one guy playfully punched Alejandro’s chest. “Lapitan mo, ikaw ang hinahanap.” Nagtawanan silang mga kalalakihan. Kunot ang nuo ni Alejandro na nakatitig sa akin. Mukhang nalilito o inaalala kung saan kami nagkita. But I will take the first one, I’m sure he knows me. I am a Solero! Binaba ko ang kamay ko at may lakas ng loob na nginitian siya. Habang nakatayo malapit kung saan nakapark ang iilang mga sasakyan. Habang nakatayo suot ang uniporme ko. Umayos ako ng tayo nang magsilapitan ang grupo ni Alejandro. I suddenly felt a bit, embarrassed now that he was coming my way. Wearing a cold eye with a penetrating intent stare. “Hi!” I waved my hand to him first, syempre siya ang una kong babatiin bago ang mga kaibigan niya. “Hii!” mas may enerhiya kong bati sa mga kasama niya at isa-isa iyung tinignan. Anim na lalaki ngayon ang nasa harapan ko, kasama na roon si Alejandro na nasa gitna mismo. “High school,” I heard one guy whisper to another guy and they chuckled. “Ano, Alejandro? Tuloy ba ang group study natin mamaya? Mukhang may date ka, ah!” tapik ng isang lalaking katabi niya na may malaking ngisi at pinasadahan ako ng tingin. “Parang iba na naman yan ah? Hindi ata yan yung kasama mo nung isang araw?” makahulugang dagdag ng lalaki. Nang makita ang pagkawala ng tuwa sa aking mukha ay nagpakawala ito ng malakas na tawa. “Shut up, Drick!” pigil sa kanya ni Alejandro. I pouted my lips and held tightly on the strap of my branded school bag. “Shut up daw, Drick. Baka pumalya siya sa nililigawan niya at mabasted,” kantyaw pa ng isa kung kaya napuno iyun ng tawanan. Uminit ang pisngi ko at pinamulahan. “Mauna na kayo, susunod ako,” yun lang ang tanging sinabi ni Alejandro sa kanila. I was a bit stunned when he didn’t correct them. Walang problema sa akin kung ganun nga ang iisipin ng kanyang mga kaibigan. I couldn’t help my smile, so I bit my lower lip. His friends let out a teasing laugh as they went to their perspective cars. Matapos magpaalam ay mabilis na umalis. Naiwan kami sa parking lot ni Alejandro, siya ay nakatayo sa harapan ko. Wearing casual clothes that suit him well. A formal white polo shirt and black pants, holding a medical book that I will never be familiar with. “And what brings you here?” sa kanyang boses ay naglaho ang konting saya na naramdaman ko, ngunit hindi mapapatay ng nag-aapoy niyang inis ang tuwa ko na makita siya muli. I clapped my hands and hurriedly opened my bag. “May pinapaabot si Ninya, I was heading to a restaurant near your school kaya sa akin na niya binigay. Hindi kasi siya makakapunta dahil may lakad siya ngayon,” paliwanag ko habang abala sa paghalughog sa hinanap ko. Syempre hindi iyun ang totoo, ako na ang nagpresinta kay Ninya na ako na ang mag-aabot ng regalo ni Alejandro sa kanya para ibalik dito. Nang makita iyun ay nagulat ako sa paglapit niya sa akin. “Without telling me that you’ll be here? Paano kung hindi mo ako naabutan?” he insinuated with a bit of coldness and annoyance. Wala man bahid na reaksyon ang mukha nito ay nakikita ko pa rin ang inis sa mga mata niya. “Anong gagawin mo? Maghihintay ka rito hanggang magsarado ang gate?” he raised his one eyebrow. Hindi ko alam pero sa simpling inis sa tono ng kanyang pananalita ay nagpapangiti at nagpapatunaw sa puso ko. “Next time… i-inform kita kapag pupunta ako. Akin na number mo para ma-message kita.” I shyly smile. He let out a disbelief laugh that made my colorful emotions stop and look away, ginapangan ng hiya ngunit naroon pa rin naman ang tuwa. Sa bawat halakhak na binibitawan niya. “Wala ng next time. You’re not coming back here, Miss Solero. Sa susunod na may kailangan si Ninya sa akin, siya ang pupunta rito. Ayokong may pinapadala siyang mga taong…” he stared at me and paused. “Hindi ko kilala.” “Nagkakilala na tayo nung debut ni Ninya.” He impatiently looked around and sighed heavily. “Ano nga ang pinunta mo rito?” kumunot ang nuo niya. Inabot ko sa kanya ang mamahaling box. “Ayaw tanggapin ni Ninya ang regalo mo sa kanya. Ang sabi niya, ibigay mo na lang daw kapag may napatunayan na siya. Hindi raw siya hihingi ng tulong sa mga…” I swallowed hard when his reaction changed. “Sa mga Montalbo.” Lumiit ang boses ko. “It’s a gift. Hindi yan tulong na binigay ko bagkus regalo.” He pursed his lips. Tila hindi mawari kung anong mali sa kanyang ginawa. “Tumatanggap siya ng regalo sa hindi niya pamilya ngunit sa totoong pamilya niya ay sinasauli niya?” he questioned and shook his head. “Pwedi mo naman ibigay ulit kapag may napatunayan na siya…” I smiled at my suggestion. Tila ba iyun na ang pinakamatalino at walang kapantay na suhestyon ko sa kanyang problema sa pinsan nito na aking matalik na kaibigan. “I can’t believe her, I didn’t give her expensive jewelry, so she won’t complain. Now that I gave her wallet as a gift on her debut, may reklamo pa rin siya?” he mumbled to himself. Sinulyapan niya ako at ang kamay kong naghihintay hawak ang regalo. Well, the gift has a luxurious brand name. Mahal pa rin kahit wallet lang iyun. Kinuha niya sa akin at nagtungo sa sasakyan na malapit sa tabi ko. Binuksan niya iyun at tinapon sa loob ng upuan ang box. Dumungaw ako para tignan ang loob ng kotse nito, malinis at mukhang mabango. I smiled sweetly. Bumaling ito kaya mabilis kong tinago ang ngiti at umiwas ng tingin. “Aren’t you going home?” taka niyang tanong tsaka ako hinarap. “O may hinihintay ka pa sa loob na estudyante?” I pouted my lips and looked at him in the eyes. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay. “Yung driver ko, hinihintay ko.” “You will wait here?” tanong niya sa mas mababang tono. I love that voice, kung pwedi lang sana ganyan siya makipag-usap sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya. I bit my lower lip when I thought that he would get inside his car, but rather he closed the door and leaned back against the car. Pinagkrus ang dalawang braso habang pinapanuod akong nakatayo lamang sa harapan niya. “Ayos lang ako. Hindi mo ako kailangang ihatid, my driver is on his way.” Saglit siyang natawa sa sinabi ko. “Hindi kita ihahatid, Miss Solero.” He licked his lower lip and scanned the parking lot. Kaunti na lang ang mga sasakyan ngunit may iilan pang mga estudyanting dumadaan. “Medyo madilim na, sasamahan kitang hintayin ang driver mo.” My mouth parted a bit and looked at him with seamless admiration. Making my heart pound fast and at the same time melt like a sweet ice cream in a hot summer. Lalo pa dahil sa kakisigan nito sa kanyang posisyon. Kahit uwian na ay amoy ko pa rin ang pabango nitong panlalaki. Ang malinis niyang ayos. Ang kalkulado niyang galaw. I’m down bad. Kung ang mga Solero ay hinding hindi nagpapaalipin—pwes… hindi ako Solero! “Bahala ka, ayos lang naman sa akin kung sasamahan mo ako o ihahatid. Any choice won’t be a problem for me,” I insinuated sweetly to him. I looked at him straight in the eyes in a flirty way. He smirked in disbelief and bowed his head a bit. Tila napako ang tingin sa kanyang sapatos at napanguso. He smiled. Ngayon hindi ko na mawari kung saang paraan siya mas nakaakit. Sa pagsusungit ba o sa pagngiti? Paano kaya kung maglambing pa siya? Luluhod na ako sa kanya! “You’re blushing,” puna niya. “Are you alright?” he casually asked. Napahawak ako sa pisngi ko at sobrang init nun. When the car arrived and stopped next to me, naudlot na ang saya ko lalo na nung bumaba ang driver para pagbuksan ako ng pintuan. “I’ll go ahead,” marahan kong paalam kay Alejandro. Nanatili siya sa posisyon at tanging isang tango lang ang ginawa sa akin. Walang sinabi na kahit ano. Sa pagpasok ko at pagsara ng pintuan ng sasakyan ng aming driver ay pumirmi ang titig ko kay Alejandro. Mabilis iyun pinaandar ni Manong kung kaya napalingon ako at naabutan ko siyang papasok na sa sasakyan niya. I sighed hopelessly and fixed my seat. “Dapat tinagalan mo pa, Manong.” Natawa ito sa sinabi ko. “Panibagong lalaki ba iyun, Lucy?” Tumatawang tanong niya. “Bakit naman mas matanda pa sayo? Naubos mo na ba ang mga lalaking kaedaran mo? Ikaw pa talaga ang pumupunta sa kanyang escuelahan. Kolehiyo pa!” I bit my lower lip. “Hindi ko lalaki yun, pinsan iyun ng kaibigan ko.” I crossed my arms, and a smile plastered on my lips. “Tsaka… hindi nalalayo ang edad namin.” Mas lalong natawa si Manong doon at napailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD