HOTEL

2301 Words
Lucianda Solero I MOVED MY lips a bit as I watched my mom who was very busy and thrilled at my upcoming birthday celebration. Hands-on siya sa engrande at malaking pagtitipon na ito. She wants everything to be perfect. She even booked some popular singers to perform on my debut. “You choose the gown you like on your entrance. Anong gusto mo riyan, Darling?” sinuklay niya ang mahaba at maitim kong buhok na umaalon sa dulo. “Pipili ka pa ng damit para sa 18 roses mo, candles, and then after party dress and gowns.” I lifted my head to the fashion designer that we hired, magaling ito at kilala. Bumiyahe pa rito galing ibang bansa para lamang sa kagustuhan ni mama ng engrandeng selebrasyon. “Ahm… actually, aalis ako. May pupuntahan kami ni Lucan. Going out with our friends, he is outside na waiting for me.” Kumunot ang nuo nito. “Aalis ka? Pero kailangan pa nating asikasuhin ang nalalapit mong kaarawan?” she demanded dramatically. “Hayaan mo na ang kakambal mo. You stay here so you can help me plan your birthday.” “Just do it, Mom, ayos lang sa akin ang lahat. You can decide, I don’t mind.” She looked at me ridiculously. Tila ba isa itong importanteng event na dapat pagtuunan ng pansin. “Got to go, Mommy.” Nginitian ko siya ng matamis at hinalikan sa labi bago nagmamadaling lumabas. “Lucianda!” I heard her shout in frustration. Kinuha ko ang sling bag sa couch at tinakbo ang daan palabas ng bahay. Naabutan ko si Lucan na nakahilig sa sasakyan at abala sa kanyang cellphone, habang nakangisi. I smirked and grabbed the phone from my brother. Namilog ang mga mata niya at nakita ko ang pagkataranta. Kaya mas lalo akong lumayo para tignan kung sino ang nagpapangiti sa kanya habang nagtitipa ng message. “Sino ‘to? Babae mo?” I teased and was about to look at the screen when I noticed that he was trying to grab his phone. Tumakbo ako palayo sa kanya at mabilis na tinignan kung sino ang kausap. “Lucy! Give me back my phone!” Bumagal ang takbo ko hanggang sa napahinto na. “Si Ninya lang naman pala,” I mumbled a bit dismayed. Walang espesyal, akala ko naman bagong nililigawan. Babalingan ko na sana ang kapatid ko ngunit hinablot na niya sa akin iyun at galit na galit. “Damn it! Pakialamera! Ang likot ng kamay mo!” galit na galit niyang sambit sa akin. I dramatically put my palm on my chest. “Why so grumpy, bro?” natatawang tanong ko but without humor. “Para lang doon para kanang papatay ng sarili mong kapatid. Ng sarili mong kadugo,” maarte ko siyang sinundan. Exaggerating my sentence. I was about to follow him inside the passenger seat when he slammed the door. Napatalon ako sa gulat at kumurap kurap sa kanyang inasta. I try to open the backseat. Pero ni-locked ng magaling kong kapatid. Nagsisimula ng uminit ang dugo ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi umikot sa kabila para doon pumasok. “Problema mo? Galit na galit?” walang tigil kong kompronta sa kanya. “What’s your problem, dude?” Nung balingan ako ni Lucan at may masamang tingin ay maarte ko siyang inirapan. “Don’t do that again, Lucy. Even though we are twins, give me some privacy. Hindi lahat ng tungkol sa akin ay dapat mong alamin.” He looks damn serious, kaya imbes na asarin pa siya ay tumahimik na lang ako. “You shouted at me,” I whispered annoyed. Naramdaman ko ang pagsulyap nito sa akin. “Sige lang, awayin mo ako. Hindi ikaw ang pipiliin kong escort sa debut ko.” Pagtataray ko at ilang beses siyang inirapan. Marahan lamang siyang natawa at hindi na nagsalita pa. Hindi na nadugtungan pa ang pagtatalo namin sa pagpasok ng driver ng sasakyan para ihatid kami sa pupuntahan. “Dapat hindi kana sumama, anong alam mo sa billiard?” I crossed my arms and didn’t bother talking to him. “Baka mamaya pumunta ka roon para makipagkausap kung sino-sino na namang lalaki. Porket bilyaran ang sinabi kong gagawin namin.” Nagsisimula na naman siya. “It is an exclusive room, and mind you, Lucy… sina Rico, Atom, at Siv lang ang kasama ko.” “And Ninya,” I added which made him shut his mouth. Umiwas na lang ito ng tingin at hinilig ang ulo sa backrest ng upuan. Pinikit ang mga mata at hinilot ang sentido. “Hindi ako manggugulo, manunuod lang ako.” “You’ll get bored,” he whispered like he didn’t like my presence to be there. I won’t get bored. Lalo na at nalaman ko na sa Montalbo Grande Hotel pala kami pupunta at si Alejandro ang magto-tour sa amin sa nasabing kilalang hotel nila. “Hindi naman, hindi pa ako nakakapasok sa Grande Hotel. I want to see what it looks like.” We have been in various fancy and luxurious hotels not just in the Philippines but across different countries. Ngunit kailanman hindi ko pa napasok ang Hotel ng mga Montalbo. “Lucan.” I tapped his shoulder using my pointing finger. “Oh?” “Nakapunta na ba tayo ng Grande Hotel?” I asked. Baka sa dami na naming napasukan na hotel ay nakaligtaan ko lang noon at baka nga napuntahan na namin iyun. “I guess so. Ako nakapunta na, kumain ako roon isang beses kasama yung pinopormahan ko last year.” “Kumain lang?” I questioned a bit suspiciously. Narinig ko ang halakhak ni Manong sa kakaibang tono ng aking boses sa tanong. “Hindi nag-book ng room?” I added and smirked. Dinilat niya ang mga mata para bigyan ako ng babala sa matalim niyang titig. “Shut your mouth.” HUMINTO ANG sasakyan sa harapan ng hotel. Dumungaw ako sa binatana ng konti at nakita ang malaking pangalan ng hotel, agaw atensyon sa disenyo ng mga letra na tila isang palasyo kung ituring. “There’s a valet here,” bulong ni Lucan. “Sunduin mo na lang kami mamaya,” utos nito sa aming driver. Binuksan na ni Lucan ang pintuan na tila maalam sa nasabing lugar. I went outside and followed him to the entrance of the hotel. Nakasuot lamang ako ng kaswal na short at blouse na kulay puti, all plain and clean. “Nasa lobby na raw sina Ninya,” pagpapaalam sa akin ni Lucan matapos i-check ang phone niya. Pumasok kami sa loob at napasuri ako sa kabuuan ng first-floor ng hotel. This is their main hotel, may mga extension sila outside the country and in various regions here in the Philippines. The chandelier, floor, furniture, and even the interior designs are fabulous. Although I don’t know anything about interior design, I might say that this exceeds my expectations as someone who has been in various hotels in different countries… kaya nitong makipagsabayan sa ibang bansa. “Ganda noh?” Lucan smirked when he saw my reaction. “Oo, ikaw lang naman ang panget dito.” He snorted and waved his hand when he saw our friends. Ninya, Rico, Siv, and Atom. “Bakit wala sina Aubs?” takang tanong ko nung huminto na sa harapan nila. Ang tingin ko ay nasa kay Ninya. After all, she was the one who invited us here. “They don’t wanna go. Cami and Rancel have a date. Aubs doesn’t feel like going to a billiard,” Ninya answered. Tumabi ako kay Siv. “Welcome ka ba dito?” bulong ko sa kanya. “Hindi ba mainit ang dugo sa iyo ni Alejandro?” ngumisi ako. “Hindi ako welcome, mas lalo naman si Rico.” He laughed because they knew it but still tried to be casual with each other for Ninya. Malamang ganun din si Alejandro sa kanilang dalawa. “Hoy, Lucy. Tawagin mo nga siyang Kuya,” pangaral na naman ni Lucan sa akin. “Graduating na yun ng college. Graduating ka pa lang ng senior high school.” “Edi tawagin niyo rin siyang Kuya. Bakit ako lang ang pwedi?” Hindi sila nakaimik dahil alam kong hindi naman nila gagawin iyun. “Hayaan mo na Lucan,” pag-awat ni Ninya at nginitian ang kapatid ko. “It’s okay to address my cousin casually, he is cool with that. Huwag kayong mahiya sa kanya.” “Bakit kami mahihiya?” Siv whispered and grinned. Maski si Rico ay napangisi roon at nag-apiran pa ang dalawa. Humupa ang tawanan at natahimik ang mga kasamahan ko sa papalapit na lalaking may pinakamagandang hulma ng katawan at lalaking lalaking porma. His gaze scanned each of us, sa pagdaan ng tingin niya sa akin ay napansin ko ang pagtaas ng isang kilay at pag-awang ng labi nito. Alejandro is wearing khaki pants and a denim black trucker jacket with opened buttons, sa loob ay white shirt na medyo kita. Sobrang manly sa ayos niya, paghinto sa harapan namin ay napaayos ako ng tayo at naamoy ang pabango nito. Para siyang isang nakakatandang lalaki sa amin at naririto upang maghayag ng kaalamanan. “Nins,” kaswal at seryosong bati ni Alejandro sa pinsan tsaka niyakap. “Kuya,” she mumbles back. “You know them already for sure. Do I need to introduce them again?” “Hindi na. Kilala ko naman sila…” he trailed and faced Ninya. “Akala ko ba mga lalaki lang ang pumayag na sumama?” I swallowed hard a bit and blinked my eyes. “Lalaki yan si Lucy,” biro ni Atom kaya mabilis ko siyang kinurot sa braso. “Aaw! Sakit, ah.” He is smiled. “Bawal ba siya?” Lucan asked a bit serious and offended. “I prepared some drinks… that are not allowed to minors.” Alejandro pursed his lips. “Anyway, it’s fine. She is not allowed to drink, then. Ang sabi kasi ni Ninya mga lalaki lang ang pumayag na sumama.” He shrugged his shoulders like it’s no big deal. Halos mapaubo ako sa sinabi niyang not allowed to drink. Not allowed to drink? “Ayos lang yan, Alejandro. Umiinom si Lucy ng alak.” Halos gusto kong sapakin si Siv sa proud niyang pagsabi ng bagay na iyun. “Malakas yan uminom. Parang kabayo, naninipa.” Humagalpak ito ng tawa. Sa ibang sitwasyon ay matutuwa ako, pero ngayon ay gusto ko na lamang siyang sakalin sa inis ko. Ang titig ko ay nasa sahig lang. Nakayuko lang ako at pinipilit na huwag maapektuhan sa bagay na iyun. “Really?” Alejandro muttered like he was amused by it, but the sound of his voice seemed a bit disappointed. Without humor and lacking enthusiasm, faking his voice to sound interested. Dahil doon ay umangat ang tingin ko kay Alejandro. I caught him staring at me, umigting ang panga at masungit na umiwas ng tingin. Napanguso ako at agad na matalim na tinitigan si Siv. The asshole wink at me. “Let’s go na Kuya Alejandro?” aya ni Ninya. “Well, we can’t tour around to the whole hotel. Masyadong malaki, idadala ko na lang kayo sa entertainment room. Mamayang gabi, tsaka ko na lamang kayo ililibot sa malaking garden ng Grande Hotel,” paliwanag ni Alejandro habang nasa kay Ninya ang atensyon at paminsan minsan ay sinusulyapan sina Rico at Atom. Lucan and Siv, except me it seems I become invisible in his eyes. “Oh, the famous fountain in Grande Garden?” Lucan mumbled. “Yeah,” tipid na sagot ni Alejandro at nauna na sa paglalakad kasabay sina Ninya at Rico. We followed them, pero inunahan ako ni Lucan at Atom kaya naiwan kami ni Siv sa pinakalikod nila. I tiptoed to see Alejandro’s back, kausap sina Rico at Ninya. Moving his arms to show the place. Very manly and natural, he looks hot without effort. “Pangarap mo bang magbalerina? Bakit tingkayad ka nang tingkayad?” seryosong tanong na Siv sa akin na hindi ko alam kung matatawa ako o mas maiinis. I pinched his ear. “Hindi ka titigil kakaasar sa akin? Kanina ka pa,” madiin kong bulong sa kanya. “f**k! Aaw! s**t! s**t! Lucaan!” sigaw niya na tila humihingi pa ng tulong sa kapatid ko. Dahil sa lakas at agaw atensyon niyang exaggerated na reaksyon sa hindi naman madiin kong pisil sa tainga ay mabilis ko siyang binitawan. Napalingon sila sa aming dalawa ni Siv. “Your sister is f*****g brutal,” OA na anunsyo ni Siv. Walang pinipiling lugar ang pagiging OA. Tinawanan lang siya ni Atom habang si Lucan naman ay tinignan lang ako. I smiled sweetly at my brother tsaka inipit ang buhok ko sa likod ng tainga. “Hindi mo ikakamatay yan, Siv,” Lucan said siding on me so I chuckled sweetly in victory. Napabaling ako kay Alejandro na nasa amin din pala ang atensyon at nanunuod. “Shall we continue now? Sayang ang oras,” Alejandro intrudes. “Sa entertainment room na kayo maglambingan. The room is spacious and exclusive for all of you.” Ngumiti siya ng pormal sa amin, pero pakiramdam ko ay pilit iyun at ang totoo ay naiirita siya sa panggugulo na ginagawa ko o namin ni Siv. “Lambingan? Yuck!” hindi ko mapigilang sambit. Tumawa lamang si Siv gayundin si Atom. I feel like Alejandro finds my actions childish or papansin base sa tingin at reaksyon nito. Hindi ako papansin, ah. Si Siv ang papansin. Kaya nga inaawat ko na siya. Baka yun ang iniisip niya. I hope not. Ayokong magmukhang papansin katulad ng mga lalaking may gusto sa akin at nagpapa-impress. I’m not papansin. Sinulyapan ako muli ni Alejandro bago kami tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD