Lucianda Solero
HABANG NAGLALAKAD SA hallway matapos lumabas ng elevator ay hindi ko mapigilang mamangha at mangarap ng ganito rin na hotel. I love flashy and grandiose things, I dream and attract them to happen in my life. Pero minsan, lalo na kapag alam ni dad ang gusto ko… madali na lang makuha.
May dalawang staff ang nasa may pintuan, double door at sobrang laki. Sa sobrang taas ng pintuan ay kailangan ko pang tumingala ng kaonti at mapangiti sa pagkamangha.
“Lucan,” I whispered to my brother, dahil hindi ako narinig ay hinila ko ang dulo ng kanyang damit. Kunot nuo at iritado siyang bumaling sa akin. “I want to celebrate my birthday here,” dagdag ko at ngumiti ng matamis.
Kung dito ang venu ng aking kaarawan ay bukod sa maganda na, makikita ko pa si Alejandro. This is their hotel at kapag nalaman nila na Solero ang magpapa-reserve ng buong hotel ay sa malamang ay posibli kaming magkita rito, posibli siyang manuod maski hindi ko na imbitahan pa.
“Kausapin mo si Papa, Spoiled brat. Huwag ako, hindi naman ako ang gagastos ng engrande mong debut.” Tumalim ang tingin ko sa kanya. He just smiled at went beside me to rest his arm on my head na akala mo naman katangkaran, hindi naman nalalayo ang height namin.
“Get off me, Unggoy!” tinulak ko siya. Tumatawa naman itong umalis at hindi ko namalayan ang pagbukas ng pintuan sa harapan namin.
I was amazed to see what was inside the entertainment room. Pero hindi na rin naman bago sa akin ang mga nakikitang laro at pagkakaabalahan sa loob. May billiard, music room, bowling, pingpong at iba pa.
“I reserved the room for all of you,” kaswal na anunsyo ni Alejandro.
“Thank you, Kuya Alejandro,” nakangiting saad ni Ninya. Alam ko na gumagawa ng paraan si Alejandro na makuha muli ang loob ng kanyang pinsan. Kung kaya maski hindi niya kami gusto, he is still trying to be casual to all of us.
Ang mga kasama ko ay nagkanya-kanya na sa pag-abala sa kanilang sarili sa iba’t ibang pweding gawin. At tulad nga ng inaasahan, nagkagulo na sila sa bilyaran.
Hanggang sa naiwan ako roon na nakatayo, nasa harapan ko si Alejandro na tanging likod lang ang aking nakikita. Pinapanuod niya ang mga kaibigan ng kanyang pinsan, probably scrutinizing them, judging what kind of friends they are to his cousin.
“Ang ganda.” Lumapit ako sa kanyang tabi at binaling ang ulo kay Alejandro, nakangiti ko siyang tinignan. His stares are directly at the billiard table. Nakapamulsa at nawala ang ngiti maski diretso ang tingin sa aking pagsulpot. “Magkano ‘to kapag pina-reserve?” Kunwari na interesado ako.
“Kailan pa naging interesado sa presyo ang mga Solero?” he mumbled in restrain, in controlled emotion and breathing. He cast a glanced at me, pero pakiramdam ko ay tinignan niya ako para lang iparating na iritabli siya. “Pumunta ka sa lobby at doon mo alamin. I am not the owner of this hotel, my father.”
Sa pagkakapahiya ng konti lang naman ay gumalaw ang labi ko. Akala ko ba magkaibigan na kami? Okay naman yung last interaction namin, success nga, eh. Very gentleman siya dahil hindi niya ako iniwan at sinabayan sa paghihintay.
“Ah, sige… tanong ko sa lobby mamaya.”
He pursed his lips and walked towards Ninya and Rico. Iniwan ako kaya sinimangutan ko ito at napairap na lamang ako sa inis. Sa huli ay sumunod na rin naman ako at pumuwesto sa bilyaran. Maraming pweding gawin pero nandito sila lahat nagkukumpulan.
I sat on the stool bar chair, pinanuod na lamang sila sa ginagawang laro na hindi ko maintindihan. Sinulyapan ko si Alejandro at katabi nito si Rico, nag-uusap sila paminsan-minsan, pero mas lamang pa rin ang panunuod nila. Minsan tumatayo si Rico para maglaro rin.
“The drinks and snacks are here,” Alejandro announced, so my attention went directly to the foods that had been served on the long table. Malapit lang naman sa amin. May alak nga talaga roon, everyone drinks including me, pero hindi naman ganun kalakas ang iniinom ko kumpara sa mga lalaki. I am a good drinker, pero kung pagalingan, mas di hamak na mas magaling si Ninya.
“Ayon! Angaaas!” Siv said with his enthusiastic voice, knowing that there was alcohol in the room while doing the thing he loved doing. Ang magbilyard. “Thanks, Alejandro.”
Alejandro pursed his lips and raised his eyebrow. Tumango naman at kalaunan ay tipid o baka naman pilit na ngumiti.
Atom bumped my shoulder.
“Tara, may light drink.” Alok nito kaya napalunok ako. Sinulyapan ko ang lamesa at alak. Umiling ako dahil si Ninya ay hindi pa kumukuha ng kanyang inumin, ayokong unahan ito.
“Mamaya na lang.”
Nanatili ako sa upuan at nagpatuloy sa panunuod sa kanila. Hanggang si Atom na kahit naglalaro ay dinalhan ako ng pagkain sa inuupuan ko. Just a chip inside the plastic, siya ang humahawak habang nakahilig sa gilid ko. Pareho kaming kumakain ng snack.
“Gusto mo subukan?” alok nito at pinakita sa akin ang stick.
“Paano ba yan?” bulong ko pabalik.
“Shoot mo lang yung mga number na makikita mo roon sa gilid. Huwag yung number ng kalaban, ah. Matatalo ka yan.” Tumawa siya kaya napanguso ako at tinitigan ang sinasabi niyang numero.
I yawned while listening to Atom’s instructions about the rules of the game. Hanggang sa aksidenting nahagip ng tingin ko si Alejandro na nakahilig sa lamesa, hawak ang isang bote ng beer at galing sa paglagok ng inumin. But what made me almost jump on my seat, was when I caught him intently watching me.
I smiled sweetly at him and winked cutely. He didn't give me any reaction. Bagkus nilagok lang nito ang alak at napalunok, umigting ang panga at basa ang labi. He lazily looked away to retain his attention back on the game.
Marunong kaya siya? Kung siya na lang kaya ang magturo sa akin. Napahagikhik ako sa isip ko. Hanggang sa pumitik si Atom sa harapan ko ng kanyang daliri.
“Nakikinig ka ba? Maglalaro kayo ni Ninya, ayusin mo dahil pupusta ako sayo.”
“Huh?” lito kong tanong.
“Laro raw kayo ni Ninya, kayong dalawa. 1v1.” Paglapit ni Lucan sa akin at kumuha na rin ng chips na hawak ni Atom.
“Kay Lucy lang ‘to. Marami sa lamesa, kumuha ka roon.” Paglayo ni Atom sa pagkain.
“Game na!” pumalakpak si Rico. “Pupusta ako kay Ninya.” Sinulyapan niya ang girlfriend nito na si Nins na pinigilan ang ngisi sa labi.
“Sure ka?” Ninya went to Rico, hinawakan nito ang braso ni Rico.
“Oo, manalo matalo, my bet is yours, baby.” Rico grinned.
Sumimangot ako at tumayo sa kinauupuan ko.
“Ang daya, pano yan? Wala akong boyfriend?” pagpaparinig ko at sinulyapan si Alejandro na nananatili sa puwesto. He is watching us, kung kanina ay ako lang, ngayon kami ng lahat.
“Tumigil ka, building pa lang ng Senior High ay naubos mo na ang mga lalaki roon. Baka sa susunod pati Junior ay patusin mo na,” Lucan interrupted.
“Hindi ah!” uminit ang pisngi ko sa hiya.
“Sige na, pupusta ako kay Lucy para hindi naman sumama ang loob niya,” pagpapatigil na ni Atom upang bumalik sa tunay na pinag-uusapan. “Oh! Galingan mo.” He handed me the stick or whatever it was called. Basta ewan ko, hindi naman ako pamilyar sa laro na ‘to.
“Ninya ako,” mayabang sabi ni Lucan at nilapag sa lamesa ang limang daang libo.
Napalunok ako sa laki ng pustahan nila. Kailan pa sila naging sugarol?
“Ten thou sa amin ni Lucan. Kayong dalawa?” Rico insinuated.
“Sige na nga, Lucy na ako,” napipilitang saad ni Siv habang nakamaktol pa ang Unggoy. Kaya naman ay sinapak ko ang balikat niya. “Ano?! Tangina, ikaw na nga ang pinili mananakit pa.”
“Ayusin mo mukha mo, dapat masaya ka at confident ka na mananalo ka sa pusta mo. Hindi pa nga nagsisimula para kanang natalo ng milyon sa mukha mo. Nakakainis ka!” sita ko sa kanya. From staring at me seriously, he suddenly smiled. And it freaks me out. “Ayusin mo ngiti mo. Nakakatakot, baka matalo ako.”
“I’ll score the game,” biglaang pagsali ni Alejandro na siyang nagpatigil sa mahaba kong pagsasalita. He went closer to us and put his arms at the edge of the table. Wala na itong suot na jacket kung kaya kita na ang magandang hubog ng katawan.
Mas lalong humigpit ang hawak ko sa stick sa kaba. I was not nervous a while ago, ngayon ay parang sasabog na ang puso ko sa kaba.
“Alright!” Atom thumbs up. “Pwedi ka rin pumusta, Alejandro para masaya. Pupusta ka ba kay Ninya?” dagdag pa ni Atom na tila iyun na ang desisyon ni Alejandro kung i-imposed ito sa kanya. Na para bang si Ninya na agad ang pupustahan nito.
Malamang! Sino ba ang pinsan, Lucy? Pinsan ka ba? Kamag-anak? Hindi diba? Future girlfriend pwedi pa. I smiled in my head.
“Hmm…” he trailed off which made my heart melt on that simple sound he made. Like a freaking music and is pleasant to my ears. “Maybe not, mag-score na lang ako.”
“Sus, wala ka lang pera,” biro ni Siv at napatikhim nung makuha ang atensyon ng pinariringgan. Kaya mabilis na sa akin bumaling si Siv at tila walang nangyari. “Galingan mo, ipasok mo lahat.” he even made a movement about how it should be done.
“Tumigil ka, pinapakaba mo ako.” Tumikhim ako at lumapit na sa lamesa. Sinulyapan ko si Alejandro na nakatayo pa rin sa gilid ko.
“Warm up muna, para maturuan si Ninya. Turuan niyo rin si Lucy.” Utos ni Rico sa dalawang pumusta sa akin.
Napasulyap si Lucan sa dalawang nasa likod ko. Sinulyapan ko at pareho silang nagkatinginan, nakangiwi pa at mukhang magtutulukan pa kung sino ang tuturo sa akin.
“Turuan mo na,” Atom whispered to Siv. “Masama tingin sa akin ng kapatid.”
“Ano? Walang tuturo sa akin? Ipapatalo ko yung pusta niyo?” I looked at both of them annoyed and raised a bit on my voice.
“Ayan na yung kapatid mo.” Turo ni Siv at ngumisi.
Lumapit si Lucan sa akin at tinuro ang stick.
“Hawakan mo ng maayos. Lean on the table and direct the stick to only one ball. Ito lang yung pagagalawin mo para mapasok ang bola, this is called cue ball. Target this and make sure that the colored ball with its perspective numbers will shoot inside the hole. May number kang isho-shoot, huwag yung sa kalaban,” mahaba nitong paliwanag. Nagsalita nang nagsalita lamang habang tumatango ako.
“Kahit saang butas?” tanong ko kay Lucan.
“Kahit saan, Lucy, basta butas pasukin mo!” kantyaw ni Siv at nagtawanan silang dalawa sa likod ko.
“Yeah, any holes on that table.” tamad na sagot ni Lucan.
“Okeeeey!” I smiled as I stared at the table.
Bumalik na si Lucan sa kabilang puwesto. Habang ako naman ay pabidang humilig sa lamesa hawak ang stick at sinubukang gawin ang sinabi ni Lucan. Pero hindi ko pa nga nagagalaw ang stick ko ay nagtawanan na sina Siv at Atom.
“Ano ka model? Ayusin mo yung paa mo,” natatawang usal ni Siv at lumapit sa akin. He went behind me and was about to help me do it properly when suddenly… Alejandro took the stick from me and positioned himself behind me. Naunahan si Siv kaya nung lingunin ko ay nagulat iyun at napaatras ng kaonti.
Natahimik ang silid at lamesa. Even Rico paused from helping Ninya. to watch us. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na akmang lalapit na si Lucan ngunit pinigilan siya ni Ninya, assuring my brother that it was okay.
“Your position is not correct, even how you hold the billiard stick. Kahit ang pinakamagaling na billiard player pa ang magsabi sayo kung paano laruin ito ay hindi ka matututo kung hindi ka tutulungan kung paano gawin.” Tinulungan niya ako kung paano hawakan ang stick. Sa sobrang pagkamangha ko sa napakaliit na distansya namin ay halos hindi ako makaimik at magpatianod na lamang sa mga sinasabi niya at nais gawin. “Now, bend a bit,” he whispered that made me swallow hard.
Nagkatinginan sina Lucan at Rico. Rico just shrugged his shoulders and curved a small grin on his lips. Pero para kay Ninya ay kaswal at walang malisya iyun.
“Fix your stance, part your legs a bit. Ang isang paa ay nasa unahan ng kaunti.” Sinunod ko ang mga sinabi niya. Nararamdaman ko na may pagitan siyang iniingat na hindi maaaring lampasan. Para ngang hindi ko siya maramdaman sa likod ko kung tutuusin. “That’s the correct position, it’s up to you now how you will shoot the balls.”
Nanatili akong nahalig sa lamesa. I closed my right eye and tried to target the cue ball, also targeting the number nine to shoot in the hole. I missed my first few attempts, mahirap hawakan ang stick sa posisyon ng daliri na tinuro ni Alejandro.
Pero nung matarget na iyun ng stick at sumakto sa numerong gusto kong maipasok sa butas ay napangiti ako.
“Good.” I felt Alejandro’s hand softly tapped my waist. Umalis na siya sa likuran ko at bumalik sa puwesto.
Narinig ko ang pagtikhim ni Atom sa likod ko.
“Ano Alejandro? Pupusta ka ba kay Lucy? Hindi na kay Ninya?” maintrigang tanong ni Atom. Hindi ko pinansin iyun at nagpatuloy na lang sa pagpraktis habang hindi pa naman nagsisimula.
“She has a good stance and a controlled movement. Magaling rin pumili ng bolang tatargetin…” I was caught off guard when Alejandro spoke, pinatulan ang pagbibiro ni Atom. “Why not? Kung may pera ako pupusta ako sa kanya. But I don’t have any cash here.”
Sinulyapan ko si Alejandro. Seryoso niyang inaayos ang mga bola para ipagulong sa direksyon namin nina Ninya habang nagpapraktis pa. Hindi pa rin sila tapos ni Rico.
“Ano, Lucy? Kaya na ba?” Si Rico at tinaas ang isang kamay niya para magthumbs up. “O kulang pa turo?” he added, trying not to sound obvious.
Inirapan ko siya at binigyan ng maarteng reaksyon. Ayokong magpakita ng tuwa, nakabantay ang titig sa akin ng kapatid ko.