CRUSH

2695 Words
Lucianda Solero “Lucy, si Lucan ba ang escort mo sa debut mo?” tanong ni Rico matapos ang last subject namin. Lumapit si Sandro sa lamesa ko na may magulong buhok at inaantok na mukha, isa sa mga kaklase at malapit rin namin na kaibigan. “Bakit? May boyfriend ka ba?” pagsabat na tanong ni Sandro sa akin at ngumisi. “Huwag mo ng balakin dalhin sa kaarawan mo kung ayaw mong pag-initan ka ng Daddy mo.” Panunuya nito at umupo sa aking lamesa. Inirapan ko lang si Sandro at nagpatuloy sa pag-ayos ng gamit ko. “Wala yang boyfriend si Lucy.” Paglapit na rin ni Lucan sa amin. “Pero mukhang may pinagpipiliang iba na gustong maging escort.” Mula sa pagtingin ni Sandro kay Lucan ay agad bumagsak ang tingin sa akin at ngumisi. “Sino? Kaklase ba natin?” puwerti itong nakaupo sa aking lamesa at nadekuwatro pa. “O isa sa amin.” He winked at me. “Wala, wala akong pinagpipilian. I don’t care about the party, basta kompleto kayo ayos na sa akin.” I closed the zipper of my bag. “Aaaw! Such a cutiee.” I heard Aubrey mutter beside Rico, ang dalawang palad niya ay nasa pisngi at kumikislap ang mga mata na nakatingin sa akin. “Na-touch naman ako roon.” “Arte mo,” bulong ni Siv kay Aubs. Hinayaan ko na lamang sila sa pagkukuwentuhan o tuksuhan dahil abala na ako sa pag-abot sa kanila ng invitation para sa nalalapit kong kaarawan. Magarbo iyun kaya sigurado akong malaking usapan na naman ito sa syudad, ang aking kaarawan. “Wow! This is so fancy,” Ninya mumbled as she opened the blue invitation. “Blue is your favorite color?” tanong niya ng makita ang card. “Actually black, but my mom doesn’t want the color black as the motif of my birthday.” “Ah! Alam ko na ireregalo ko, buti sinabi mo ang paborito mong kulay,” Atom said and put his arm on Lucan’s shoulder. “Ang sabi kasi ni Lucan, pink daw ang paborito mong kulay. Pahamak talaga ‘tong kapatid mo kahit kailan, eh no?” “May pink kang nakikita sa gamit ko?” sagot ko kay Atom at nung sulyapan si Lucan ay nakangisi ito. “Kasama kayo sa roses at candles, pumunta kayo.” Isa-isa ko silang tinuro. Hanggang huminto ang daliri ko kay Sandro. “Lalo kana. Mas inuuna mo pa ang pakikipag-date mo kaysa sa mga lakad natin.” He just shrugged his shoulders. PAGKALABAS NAMIN ng escuelahan at hindi pa dumarating ang sundo namin ni Lucan ay nagmamadali na akong nagpaalam sa kanya. Hindi ko na ito sinagot kung saan ako pupunta, dahil kahit may habol siyang sigaw ay alam kong sanay na ito sa aking gawain. Ang takasan siya o kaya umalis ng hindi sinasabi kung saan pupunta. But I do text him afterwards naman. Hawak-hawak ko ang invitation habang nakasakay sa sasakyan patungo sa Unibersidad na alam kong hindi naman para sa mga estudyanteng katulad ko. TO HAVE A crush on someone was cute, fun, and sweet. Pure and genuine, a gleeful feeling for someone that you admire. Masaya lang at malayo sa problema, nagpapagaan ng mabigat mong nararamdaman, nagbibigay kulay sa araw mo, and of course, an emotion that when you lay in bed… a curve of smile remains on your lips as you close your eyes. Masarap… sa una. Because when everything starts to get serious, when the feelings become intense, you know that it has no certainty. Mababaliw kana, nakakabaliw na ang nararamdaman mo lalo na kapag naging seryoso at malalim na iyun. Kahit malayo ako sa gate ng escuelahan ni Alejandro ay kitang kita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya at tuksuhan ng kanyang mga kaibigan ng muli akong makitang nakaabang sa tapat ng escuelahan malapit sa parking lot. Nagpaalam siya sa mga kasama at diretsong naglakad ng hindi ako tinatapunan ng tingin. He touched the tip of his nose as he immediately went to his car. “Alejandro—” “Pinapunta ka na naman ba ni Ninya?” pagtigil niya kasabay ng pagharap sa akin. I was standing next to his car to make sure na talagang maabangan ko siya. “Hindi.” Tumikhim ako. “I… I want to personally invite you to my debut.” Nahihiya kong sambit at uminit ang buong pisngi. Napaawang siya ng labi at saglit na natigilan. He was too stunned to speak, hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaksyon niya at tila ba gulat na gulat. Well, in fact, nababalitaan ko noon na sunod-sunod naman ang pagdalo niya sa mga malalaking pagdiriwang. He is a Montalbo, I am a Solero. Parehong kilala ang aming pamilya, sa magkaibang industriya nga lang. Pero bakit hindi ko siya nakikita sa mga pagtitipon? Bakit hindi kami nagkakatagpo noon? He was not active in any social gatherings then. “What?” hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi malinaw sa kanya ang sinabi ko. I took the invitation in my pocket. Inayos ko pa iyun dahil medyo nalukot na. Pero maganda pa rin, dahil mamahalin at talagang pinaghandaan ito. “Here is the invitation.” Inabot ko iyun sa kanya at bumagsak doon ang tingin niya sa hawak kong kulay asul na imbistasyon. He fixed his stance to face me properly. “Ninya is coming…” I encouraged. “So?” tinaasan niya ako ng isang kilay. “Why are you inviting me?” paos niyang tanong at lumapit sa akin. Ang kamay kong may hawak na imbitasyon ay dumikit sa kanyang dibdib. Dahan-dahan ko iyun binaba at napaangat ng tingin sa kanya. “Because you’re Ninya’s cousin?” “Exactly! I am Ninya’s cousin, what connection do we have so you want to invite me to your celebration?” nanghahamon niyang tanong. “Akala ko ba magkaibigan tayo?” walang hiya-hiya kong tanong. “No, Lucianda. I am not friends with any of Ninya’s friends, including you.” “Bakit? You don’t like us?” “May mga kaibigan ako. Hindi katulad ninyo ang mga gusto kong maging kaibigan. Hindi katulad ninyo ang mga gusto kong kasama.” He pointed out, masasaktan na sana ako pero dahil kaming lahat ang tinutukoy niya ay medyo tanggap ko pa ng konti. “About last week, I did it for Ninya, to slowly welcome her into our family. Inviting her friends is not in my plan, siya ang may gusto nun kaya pinagbigyan ko.” Kinunutan ko siya ng nuo at pilit na hindi nagpapakita ng pagsimangot. Ang haba-haba ng paliwanag niya. Why doesn't he just take the invitation and tell me he won’t come? Ang dami pang sinabi. “Then don’t come if you don’t want to. I am not here to desperately force you to come to my party, just say no and reject it if you don't like to come.” His mouth parted and an amusement appeared on his face. “You’ve got your answer already, Little Girl.” Umangat ng konti ang gilid ng labi niya at humilig sa sasakyan nito. “Umuwi kana.” “Ikaw ang umuwi.” Mas lalong kumunot ang nuo niya. Hawak ko pa rin ang imbistasyon at pumirmi lang sa kinatatayuan. “Bakit mo ako inuutusan? Pagmamay-ari mo ba ito?” I crossed my arms and equaled his dominance. “Uuwi ako kung kailan ko gusto.” Pagmamatigas ko. “Nasaan ba ang sundo mo? Isa’t kalahating oras ang biyahe rito galing escuelahan niyo, sino ang kasama mong pumarito?” Sunod-sunod niyang tanong. “Hindi pa ako uuwi. Umuwi kana kung gusto mo.” I didn’t answer him. He licked his lower lip and sighed heavily making it difficult for him. Bakit ba kasi ayaw niya pang umalis? Eh, wala nga akong sundo! Magco-commute ako. I need to find a taxi pa. Mauna na siyang umalis. Nakakahiya kung sabihin kong pumarito ako at nag-commute para lang ibigay ang imbitasyon sa kanya. “Bakit? May hinihintay ka pa? May pagbibigyan ka pa ng imbitasyon mo rito sa escuelahan ko?” He probed and I didn’t speak. Tumikhim lang ako at umiwas ng tingin. “I don’t know anyone here except you. Next time, introduce me to your friends so I can go here and talk to them instead.” “What?” he snapped and laughed ridiculously. “Umuwi kana,” mas mariin niyang utos. “Huwag mo akong uutusan.” “Ano pa ba ang hinihintay mo rito? Anytime soon the gate will close.” “Kapag ba close na yung gate kailangan nakauwi na ang mga tao rito?” pamimilosopo ko. He impatiently looked away and sighed harshly. Lumapit siya sa akin at kinuha ang imbistasyon na para sa kanya. “I’ll check your invitation but I can’t assure you if I’ll come.” Napanguso ako roon at pinigilan ang pagngiti. I nodded my head and eventually smiled at him. “Now, please go home,” mas banayad niyang usal sa mababang boses. “Ahm. Ta-taxi ako, wala kasi yung sundo ko, eh,” agad kong pagbabago sa biglaang pag-amo. Natigilan siya roon. “Bakit ka pumarito kung wala kang sundo?” Hindi ako umimik at sinulyapan lang ang imbistasyon na hawak na niya ngayon. “You came here… just for this?” pinakita niya ang imbistasyon sa akin. I pouted my lips and nodded my head. Masungit siyang umiwas at halos magsimula na namang mairita sa akin. Nahihirapan siyang napatingala at muling bumuntong hininga. “Text your driver to fetch you. Right now, Lucianda.” “I can ride a taxi.” “Why would you if you have plenty of cars in your mansion with several drivers? Now, call one of your drivers to fetch here.” Mas madiin na niyang utos. “Alright,” pagsuko ko at nilabas ang cellphone. “You can go home na. I’ll call my driver.” Hindi siya umimik bagkus ay humilig sa kanyang sasakyan. He crossed his arms and waited for me to do the call, like making sure that I did what he just said. Binaba ko na ang tawag at malambing siyang initial. Umiwas siya ng tingin at napalunok. “I called na. You can go home, papunta na yun dito.” Hindi siya nagsalita at nanatili ang tingin sa daan. See? He likes to be with me. Defend mechanism niya lang iyun para ipakitang wala siyang pakialam sa akin. Pero ang totoo ay nag-aalala siya sa akin. I bit my lower lip and eventually grinned. Kaya ayaw kong may naghahatid sa akin dito. He is waiting with me, I can have his short time to be with me. To get along with each other. “Sasamahan mo akong hinatayin yung driver ko?” His eyes shifted on me, a bit sharper and colder this time. “Your tactics won’t work on me, do this again and I will have to leave you here alone next time. Understand?” Napakurap ako at naitikom ang labi. “Ayokong pumaparito ka, Lucy. Ayokong nakikita ako ng mga kaklase ko na hinihintay mo. In the passed few weeks, rumors about me dating a young high schooler have been spreading in our department. Kahiya-hiya at nakakapanindig balahibo. Will you stop this foolish tactic of yours?” pakiusap niya sa pormal at kalmadong boses ngunit ramdam ko ang iritasyon nito. Isang mahabang katahimikan ang nanaig sa pagitan namin. Kunot ang nuo ko at nakanguso ng konti, iniiwasan ang pagsimangot. Nagulat ako sa mahaba niyang sinabi. “Kung hindi kita rito pweding kitain… saan na lang?” I blurted out that made him ridiculously look at me. “Ayaw mong nakikita ka ng mga kaklase mo na hinihintay kita. Saan na lang kita pweding makita bukod rito sa escuelahan mo? Saang pribadong lugar para hindi ka na pag-usapan pa?” He parted his lips and shook his head in disbelief. Pagak siyang natawa at napahilot ang sentido. “Let’s not see each other, Lucy,” he softly said. “I don’t see any significant reason for us to see each other.” Bumagsak ang balikat ko roon at napatikom ng labi. Ayoko. I will only agree if there is another way around to see him. “But I want to see you,” halos pabulong kong sambit. “Kahit twice a week lang. Or once a week…” He stilled in his position, still stunned by my frankness. “Alam mo ba ang sinasabi mo?” Umayos siya ng tayo. “Bakit mo ba ako gustong nakikita?” Napatitig ako sa kanyang mga mata. “Gusto pa kitang mas makilala.” Matapang ko siyang tinignan. “Why?” he hoarsely asked. A bit hesitant on questioning me or maybe on the topic. I moved my lips a bit pouting before I fixed it in a normal way. “Dahil type kita,” mas matapang kong sagot. Humagalpak siya ng tawa at umayos ng pagkakahilig bago pinasok ang dalawang palad sa kanyang bulsa at mas tinignan ako na puno ng panunuya. “Do you even ask me if you’re my type of girl?” He raised his eyebrow. Bigla ako roon natigilan. Ano ba ang mga tipo niya? I was about to ask that when he spoke again. “Ganyan ka ba sa mga naging boyfriend mo? Ikaw ang unang gumagawa ng paraan para mapalapit sa kanila? Were you the one courting them and you easily give in?” there is a tease in his voice, pero mas nangibabaw yata ang pangungutya. Hindi ako agad nakapagsalita para depensahan ang sarili. “Kaya naman pala maraming lalaki ang dumaan sayo. You give in easily. Don't you know how to reserve yourself to someone you really love?” Now he looks confident lecturing me. But this is not actually a lecture, but a f*****g mock. “Kung parati kang ganyan, walang seseryoso sayo. Kapag nagamit ka na itatapon ka rin agad.” “Not to me, ako ang umaalis at umaayaw. Hindi sila.” His eyes become a bit intense. “And you’re proud of that?” usal sa mababang boses. “Should I be proud if I am treated like trash? Well, I’m not treated that way. They treat me like a princess and spoil me for the things I want. And excuse me, sila ang nanliligaw sa akin.” He snorted which made me annoyed. “This is the first time I am making an effort to know a… man.” First time who is also older than me. Napabaling siya sa akin at tumagal ang titig. “What is this? Trying to experiment?” he chuckled in mockery. Mas lalong uminit ang pisngi ko sa iritasyon sa kanya. “Don’t you see it? I am genuinely trying to be close to you. Because I have a crush on you. This is not an experiment. Because first of all, I don’t like science. Second, I am aware of my emotions and attraction towards you.” Napahawak siya sa ilong niya at dinaan iyun sa bahagyang tawa. “Lastly… why would I wait here for an hour just to see you if my intention is not genuine and clear?” naging marahan ang boses ko sa huling rason na binigay sa kanya. Wala siyang sinabi kundi tinitigan lang ako. Trying to examine me, scrutinize me. O baka naghahanap ng butas sa mga sinabi ko. “Say something, you can’t reject me. Hindi mo pa ako lubusang kilala. Kilalanin mo ako at sigurado akong magugustuhan mo ako.” Napahawak siya sa batok niya, tila hindi na natutuwa sa kumpiyansa na mayroon ako. O baka sumasakit na ang ulo sa katigasan ng mukha ko. Bago pa man siya makasagot ay dumating na ang sundo ko na siyang huminto pa talaga sa gilid namin. “Pag-isipan mo yung desisyon mo, Alejandro. I am giving you a choice to be my friend first and we will see what will happen next if things can work out.” Napanganga siya sa sinabi ko at napahawak na lamang sa kanyang baywang. Hindi makapaniwala. Napailing na lang sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD