Lucianda Solero
SA MAHABANG LAMESA at pinagsisilbihan ng maraming katulong habang nasa hapagkainan ay hindi ko mapigilan na magsalita at basagin ang mahabang katahimikan na siyang ingay ng mga kubyertos lamang ang aking naririnig.
“I want to have an after party at Montalbo Grande Hotel,” paalam ko kay Daddy.
Apat lamang kami sa lamesa ngunit kung pagsilbihan ng mga katulong ngayon sa hapag ay akala mo may malaking pagtitipon na nagaganap. Mas marami pa ang mga tauhan kaysa sa amin.
“After party for what?” takang tanong ni Mommy.
Si Lucan ay lihim na napangisi at nagpatuloy lang sa pagkain. He playfully put the steak in his mouth with a teasing grin on his lips.
“For my debut. You planned and organized my debut, sa venue na pinili ninyo. We cannot change what is in the invitation in regards to the venue of what I want.”
“Pero, Darling, hindi ka nagpaabiso agad na may venue ka pala na nais sa iyong debut.” Mom now looks worried. “Well, saan mo ba gusto? Pwedi natin palitan at mamimigay ulit ng panibagong invitation. We can change the venue, next week pa naman ang iyong kaarawan.”
“Next week na,” Lucan interjected.
“We have organizers to do the job,” Mom defended as she looked at Lucan with a warning. Pero nung balingan na ako ay mabilis na lumambing ang ngiti.
“Montalbo Grande Hotel, Ma.” Kumunot ang nuo niya at napabaling kay Dad. “Kahit after party na lang. No need to change the venue. Pumunta kami ni Lucan sa Hotel at sobrang ganda. We should go there or have some dinner to see the place.”
Napatikhim si Dad at uminom ng tubig. He stopped eating and clasped his both hands together. Tapos na siyang kumain kaya siguro ay may oras na para ibigay sa akin ang buong atensyon.
“You went there?” gulat na tanong ni Mommy.
“With Lucan.” Tumango si Lucan na nasa tabi ko.
“Sweetheart, baby…” Dad called me to shift my attention to him. “Montalbo Grande Hotel is not that… fancy. Kakasimula lang ng negosyo nila at hindi pa ganun nakikilala. If you want a fancier and luxurious venue for your after party, I can provide you and your friends with a ticket to go out of the country and… probably book a hotel in Singapore, mas maganda at magarbong hotel.” Mom nodded her head while Lucan groaned in disappointment beside me. “Gumala kayo roon, ako ang gagastos. Montalbo Grande! Cheap yun.” Bahagya siyang natawa at pinunasan ang labi ng table napkin.
“Pa naman, gastos lang yan. May magarbo na ngang debut tapos after party pa kasama ang mga kaibigan niya sa ibang bansa?” reklamo ni Lucan at may inis akong tinignan. Palibhasa mas ako ang nasusunod kaysa sa mga kagustuhan niyang hindi napagbibigyan.
“Excuse me, we have the same circle of friends.” Pinandilatan ko siya ng mga mata.
“Hayaan mo na Lucan. It’s her debut!” maarteng sambit ni Mommy kaya nginitian ko siya ng matamis.
“Pero nung nag-request ako ng motor hindi niyo ako pinagbigyan? Tapos ito, hihingi ng out of country na gala para sa after party ay pagbibigyan niyo? At least yung motor is useful, her trip out of the country is not,” walang paawat na usal ni Lucan.
“I’m not planning to go out of the country. Sa Montalbo Grande lang naman, Dad.” Hindi ko pinansin ang kapatid kong kulang sa pansin at aruga. “Please? With my friends?”
Nagkatinginan sina Mom and Dad. until I heard how Dad sighed in defeat.
“Alright. I’ll tell my secretary to arrange a date when to book the Grande Hotel.”
“What?!” gulat na tanong ni Lucan na halos mapaangat sa kanyang kinauupuan. “Buong hotel? Isn’t that a bit extravagant, Pa? Why don’t you just book a room, reserve the entertainment room and other areas in the Hotel. Kailan pa naging Prinsesa ang may sungay?” Lucan gradually glanced at me and my head.
Uminit ang pisngi ko sa galit at tumalim ang titig ko sa kanya.
“Lucan!” Dad’s voice raised. “It’s not you who will decide. Kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik kana lang.”
SA PAGDATING NG aking kaarawan, gaano man ito kagarbo, gaano man kaengrande at kamahal, tila hindi pa rin naging sapat para mabuo ang aking gabi. I enjoyed it a lot. The gown, glamour, flashes of cameras, and entertaining my guests.
But when I realized that Alejandro was not coming… it affected me to the extent that even my peak happiness fell to the ground.
“Hindi sumama si Alejandro?” kunwaring kaswal na tanong ko kay Ninya matapos ang lahat-lahat na program sa aking kaarawan.
“Was he invited though?” natatawang tanong ni Ninya pabalik, halos hindi ako makasagot dahil alam kong hindi niya alam ang mga lihim na lakad ko mapuntahan lang ang kanyang pinsan.
She is wearing a white dress, and all of her hair is braided which only exempts some of her curly baby hair that gives design to her looks. Para siyang diwata sa kanyang suot, very demure and glowing on her white skin.
“N-no. I didn’t. Akala ko inimbitahan mo,” I uttered and swallowed hard.
“He is busy. Graduating kasi tsaka nagre-review na agad for the board exam.”
Habang wala pa ang ilan sa mga kasamahan namin sa lamesa ay nagpatuloy ako sa pagtatanong kay Ninya. Tapos na ang party, we are only here to dance and drink. Some guests left.
“Will he pursue to be a Doctor? Ano ba ang course nun? Nursing?”
Pakiramdam ko ang dami ko pang hindi alam kay Alejandro. Dalawang beses pa lang naman ako bumisita, hindi rin ako nagtatanong kay Ninya. Ang alam ko ay nursing siya, based on his clothes.
“Medical Technology siya, Lucy.” She smiled at me and continued eating the one-sliced cake. “And yeah, seryoso yun sa pagdodoktor. Kaya nga wala ng oras gumimik o sumama sa mga gala. Priority nun ang maging Doctor.”
I swallowed hard and coughed a bit. Hindi na ako nagtanong pa dahil nakita ko na sina Siv at Aubs papunta sa lamesa namin.
A FEW DAYS after the debut, naging abala rin ako sa after party. Ngunit hindi ko man lang nakita roon si Alejandro. Ni anino niya nung araw at gabing iyun na halos libutin ko ang hotel nila ay hindi ko siya nakita. I was dismayed again.
Ilang araw ang lumipas, naging abala na rin naman ako sa pagpasa ng mga iilang activities before graduation. Aside from that, we also become busy submitting requirements, choosing courses in college, and preparing for the entrance exam.
“Can I borrow your phone?”
Nasa labas kami ng building, may iilang upuan at table rito sa building na tinatambayan namin tuwing vacant time.
“I have some pictures on your phone. Ise-send ko sana.”
“Alright.” Ngumiti si Ninya at binigay sa akin ang cellphone nito.
Mabilis ko iyung kinalkal, nung una ay sa photos ako pumunta. Halos ang mga larawan nila na nakita ko ay silang dalawa ni Rico, ang boyfriend niya. I scrolled upwards and secretly glanced at Ninya who was busy talking with Aubrey.
“How about you, Lucy?” tanong ni Aubrey sa akin bigla kaya napaangat ako ng tingin sa kanilang dalawa.
“About what?”
“Anong course ang kukunin mo?” Ninya precisely questioned. “Diba gusto mo mag-abogada? Diretso ka ba sa law school? Or kukuha ka muna ng any course before entering law school?”
“Political Science. Then I’ll study law after.”
“Wow!” Aubrey exclaimed in amusement. “Would you specialize in what area? Diba may mga ganun yun? Like Tax or corporate law…” she trailed a bit unsure.
“I’m not sure about that.” I shrugged my shoulder, binalik ko na kay Ninya ang phone niya.
“You should specialize in becoming a family lawyer, para kapag may divorce or family matters kami kukunin ka namin.” humagikhik si Aubrey.
“I don't know, I haven’t thought about that yet. Pero parang ayoko nun.” Umiling ako at si kalaunan ay si Ninya naman ang tinanong ni Aubrey sa gusto nitong kunina.
I opened my cell phone and started texting the number I had taken from Ninya. Hindi ko alam kung active ba sa social media si Alejandro, dahil nagawa ko na yatang i-follow siya sa f*******: pero walang response. I even messaged him.
‘Hi, this is Lucianda Solero. How are you? I haven’t seen you for weeks now. Busy ka sa graduation ninyo?’
I sent the message and sighed heavily. I did all that I could do to be connected to him, pero ang hirap kapag pareho kaming nag-aaral at abala sa aming mga buhay. Lalo pa at malayo siya, lalo pa at hindi ganun ka-intact ang koneksyon naming dalawa.
“Talaga? You’re into an older man now?” natatawang tanong ni Ninya at tumango-tango naman si Aubrey. “Well, you should meet Kuya Alejandro’s friends. Mga ilang taon ba? You’re not dating anyone ba?”
Napaayos ako ng upo.
“Huwag lang lumampas ng five years. And I am not dating anyone.” Umiling ito.
“May kilala akong isa sa mga friend ni Kuya Alejandro. I will set you a date with him. Marami siyang friends na lalaki, pero isa lang kasi yung close ko at mapagkakatiwalaan sa kanila. Tsaka I won’t set you up on a date with a man that I don’t trust, ano ka ba.” Ninya winked at her.
Napanguso ako habang nakikinig sa kanilang dalawa. Am I too spoiled if I will use all means just to be close with Alejandro? Tama pa ba itong ginagawa ko? O hindi lang sanay na hindi napagbibigyan?
“I don’t have time. I’ll think about it,” sagot ni Aubrey. “Give me the name, baka kilala ko.” Bigla niyang pag-angat ng tingin kay Ninya.
“Soren Yamsuan, not sure sa apelyido. Basta Med tech din yun.” And then Ninya added some description about the looks of that man he was talking about.
I can’t ask Ninya about Alejandro dahil nahihiya ako na pinagkakainteresan ko ang nakakatanda niyang pinsan, bakit hindi sa kaibigan ni Alejandro ako magkaroon ng koneksyon? Once I get to know his friend, I will also know Alejandro’s whereabouts.
I checked on my phone but no response at all from him.