PROPOSAL

2971 Words
Lucianda Solero MATAPOS NAMING mag-submit ng requirements for entrance examination in College University, we all parted our ways. Actually hindi kaming lahat, bagkus ako lamang upang dumiretso sa escuelahan ni Alejandro. When I arrived there, I could see that only a few students were coming out of the University. Sa dami rin ng mga sasakyan ay hindi ko makita ang sasakyan ni Alejandro, ang puwesto noon ng sasakyan niya ay wala na roon. Ibang sasakyan ang naabutan ko. ‘I am here outside of your school.’ May pagdadalawang isip man na sabihin iyun sa kanya ay sa huli hindi ko na pinadala ang mensahe na gusto kong ipaabot kay Alejandro. Lalo na nung makita ko ang mga messages ko na wala ni isang reply galing sa kanya. Sa huli, wala rin akong napala sa paghihintay ng isang oras at pagsubok na makita siya nang walang pasabi. I WAS WEARING a cute cap habang nakalugay ang buhok ko na medyo umaalon ang dulo. Ang damit ko ay simpleng denim short at white t-shirt na may print sa gitna ng isang luxurious brand. Hinanap ko ang lalaking nasa larawan na siyang pinadala sa akin ni Aubrey kanina lang. Inayos ko ang sling bag ko ng makita ang lalaking nagkakape na nakaupo sa gilid. I went towards his direction proudly wearing and confident smile on my lips. “Good evening, Mr. Soren Yamsuan,” pagbati ko rito at nilahad ang aking palad. Napataas siya ng dalawang kilay at sumilay ang ngisi sa labi ng makita ako. I don’t remember him seeing Alejandro. Marahil limot ko na kung siya ba ay kasama nito at nakikita ako tuwing uwian nila na naghihintay sa labas ng kanilang gate. But the way he just looks at me, he seems to know me. “You… You’re Ninya’s friend?” hindi makapaniwalang tanong niya at napailing. “I’m so sorry, this is wrong. I have to leave Miss.” Naibaba ko ang palad ko at mabilis siyang hinarangan para pigilan. I crossed my arms in front of him. Tinaasan ko siya ng isang kilay. “I am her friend. Pero hindi ako yung dapat na ka-date, kundi yung isa pa naming kaibigan.” Kumunot ang nuo at napahawak sa panga tsaka bumalik sa pagkakaupo. I put down my bag on the vacant chair. “You probably know me, to react that way. Nakita ko kung paano mo ako tignan, do I look familiar to you?” panunuya ko at umupo sa harapan niya. “High school ka lang diba? Kung ganun high school din ang gustong i-set up sa akin ni Ninya?” hindi niya makapaniwalang tanong at nagpakawala ng peking tawa. “Damn it! Kaedad ko ang tipo ko, sinabi ko na yun sa kanya!” Bumagsak ang likod niya sa upuan at napahilig na lamang. “Whatever,” maarte kong sambit at napaikot ng mga mata. “Hindi ako nandito para makipag-date. Hindi rin ako nandito para makipagkaibigan. I am here to offer you a confidential proposal.” Napahilot ito ng nuo at sumimsim na lamang ng kape, hindi nagsalita kung kaya nagpatuloy ako. “I want to know all about Alejandro Montalbo, are you his best friend ba?” paniniguro ko muna. “We don’t have like that, Miss…” He licked his lower lip and stared at me. Hindi ko siya sinagot o dinugtungan. “Solero,” he added in defeat. Napangisi ako. Kilala kami rito sa syudad, sa lugar na ito. Tingin niya madadaan niya ako sa pagpapainosenti niya at pagkukunware na walang alam? “Pero siguro close naman kayo diba?” I opened my bag and took out my notes and pen. Inusog ko iyun sa kanya at matamis itong nginitian. “Write everything you know about Alejandro. Kung saan siya lagi pumupunta, kung saan siya kumakain, kung ano ang mga gusto niya. Yung tipo niyang babae. Everything.” Napaawang ito ng labi at manghang tinitigan ako. “In return, ibibigay ko ang hihingiin mong pabor sa akin. Anything you desire to happen, gagawin ko.” Pagpapatuloy ko. “Pero ayokong may makakaalam nito, lalo na si Alejandro.” Kinuha niya ang notebook kong maliit kaya napahinga ako ng malalim. Pinitik niya ang papel at pinagtawanan lang ako sa huli. “Why didn’t you hire a private investigator? Rather than… trusting someone close to your person of interest?” ngumisi siya at binaba sa lamesa ang notebook. “You know what, Miss Solero. Hindi ganito ang paraan para makuha ang atensyon ng lalaki.” Tila nanuyo ang lalamunan ko roon. Tumikhim ako at biglang nanliit ng konti sa sarili. Hindi siya tanga, kaya talagang alam niya ang intensyon ko sa mga ginagawa. “I don’t want your opinion. I want you to do your job, babayaran kita. Kahit ano pa yan, kahit pera o properties. Anything.” “Hire a private investigator then. Bakit ako?” “Anong mapapala ko sa private investigator? Gather information about Alejandro that is already been in public. I want personal information. I want you to update me kung nasaan siya. Kung ano ang mga lugar na pupuntahan niya. Kung saan siya mamalagi ngayong tapos na siya sa kolehiyo.” Mas lalong napahilot ng sentido. “You’re acting like a psychopath stalker.” “I am harmless. Wala akong gagawin kundi makita siya at magkaroon kami ng oras. Once we get closer to each other, hindi na rin naman ako magtatanong pa sayo. Ngayong… nahihirapan akong magkaroon ng koneksyon sa kanya, ay kailangan ko ng isang taong malapit mismo kay Alejandro. Upang mas matagpo kaming dalawa.” “Wow!” he sarcastically uttered. Natahimik siya at pinaglaruan ang ballpen na dala ko. “You seriously like him?” natatawa niyang tanong at pinasadahan ng tingin ang katawan ko, tumagal sa aking mukha. “Or maybe you can tell me bad things about him, para malaman ko kung gusto ko pa rin ba talaga siya kapag narinig ko na ang mga bagay na ikaka-turn off ko sa isang lalaki.” Diretsa kong saad. “Wow! You’re unbelievable!” ngayon ay tila may kalituhan at mangha siyang nararamdaman. “One minute you will confess your admiration to him. After another minute, you will ask me some things about him that might turn you off from liking him. You’re crazy, man!” Hindi ko siya kinibo o binigyan ng palakaibigan na reaksyon. I remain cold, distant, and emotionless at him. Making him feel that I am serious. “Pagkakatiwalaan kita na hindi ito makakarating kay Alejandro, lahat ng pinag-usapan natin.” Tumayo ako at nilabas ang calling card ko. “In case you have decided, message me and we will have an agreement. Babae, pera, posisyon–” “Posisyon?” ulit niya at ngumisi na tila may ibang pakahulugan doon. “Fame, politics? I don’t know anything you’re thinking right now.” Malambing ko siyang nginitian. “Except me, my friends, and family. Ang mga kaibigan ko, hindi ko binibenta. At ako naman, para kay Alejandro lang ako.” He snorted and licked his lower lip. Pinagtawanan niya lang ako ng pulutin sa lamesa ang calling card, tila ba isang laro at kakatawanan lang ang nangyaring alok ko sa kanya at pag-uusap namin. Kapag hindi gumana ang plano ko. I will use my last card. Probably to use my father’s connection? Hindi ko alam. Pero gagawin ko na lamang iyun kapag talagang malinaw na sa akin kung gaano ba kalalim ang atraksyon na aking nararamdaman sa kanya. * * * * * * * * Alejandro Montalbo I SCROLLED DOWN on the pictures from Ninya’s social media account. Maraming nagkalat na larawan sa nangyaring kaarawan ng anak na babae ni Mayor Solero. And as I checked on those pictures… well, she is stunning and quite pretty. Mabilis kong sinara ang cellphone at binaba sa tabi ko kung saang couch ako nakaupo. I shifted on my seat as I saw my friends in my peripheral vision holding some liquor and coming to my spot. We are in my condo, to drink as our celebration for the upcoming graduation. Kaya hinayaan ko na sila makigulo rito, we have been in long long busy weeks this month. “Have you guys checked the review center that the University offers? Ano? Board exam ba kayo agad o diretso na sa medical school para mag-aral ulit?” Yael asked while they were settling down around the table. Pinatong nila ang mga inumin at ilang mga pagkain. “Ako, kung nasaan si Mr. Montalbo, doon ako.” Mapanuyang sagot ni Soren at tumabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganyan makatingin ang isang ‘to. “Dahil kung nasaan si Alejandro, nandoon ang mga babae!” he snapped and let out a laugh. Ngumisi lang ako at inabot ang baso sa lamesa para magsimula na sa pag-inom. “How about you, Alejandro? Anong plano mong gawin after graduation?” Franco asked who was sitting on the couch in front of me. Ang dalawa ko pang kaibigang lalaki ay nasa sahig at diretso ang tungga ng mga alak. “Pagsasabayin ko,” tamad kong sagot at nilagok ang natitirang alak. Bumara sa lalamunan ko ang pait na hindi na rin naman bago sa akin. “Also, Dad wants to train me to start managing the Hotel.” I shrugged my shoulders. “Dahan-dahan, Alejandro.” Hinawakan ni Soren ang balikat ko. “Baka hindi kana magkanobya niyan.” Ngumisi ito muli. I removed his hand from my shoulder. “Tangina! Type mo ba ako, Yamsuan? Kanina ka pa ngisi nang ngisi sa akin.” Doon lang nawala ang ngisi niya matapos kong sabihin iyun. My phone beeped so I took it and my smile eventually disappeared as I read the message and other hang messages from that one person. Napahilig ako sa upuan at napanguso sa maraming messages na natanggap mula sa kanya. I closed my phone and put it back on the couch. Hinayaan ko na lamang ito tulad ng lagi kong ginagawa. I continuously drink my glass until it becomes empty inside. Sa kalagitnaan ng inuman ay isa-isa na sila nagsialisan para umuwi. Hanggang sa ang natira na lamang ay kami nina Franco at Soren. “Franco, use my guestroom.” Seryosong sambit ko rito na nakahilig na sa upuan at nakapikit. Kinuha ko ang mga bote para iligpit na. “Ikaw Soren? Uuwi ka ba o dito ka matutulog?” He doesn’t look that drunk. Marami na akong nainom at may tama na rin ng kaonti. But I can still manage to clean my condo before going to bed, and that is what I am currently doing right now. “Dito na lang sa sala mo.” Ang titig nito ay kanina ko pa napapansin, it is between disbelief and tease. Iniwan ko na sila roon para dumiretso sa kusina. As I was putting the plates on the sink. Soren went to the kitchen and leaned on the counter, watching me do the work on the sink. To clean the mess. “Kumusta ang birthday ni Lucianda Solero?” natigil ako sa paghuhugas ng pinggan panandalian ngunit agad rin nagpatuloy. Why the heck does he know her name? Binilisan ko ang ginagawa para maharap siya. “Debut yun diba? Pumunta ka ba?” I wiped my hands and faced Soren. “Hindi, it was our final.” His lips formed an O. Smiled amusingly. “Siya yung babaeng hinihintay ka sa labas ng escuelahan diba?” I licked my lower lip. Where is this conversation going? “She is my cousin’s friend. I told you, hindi ko siya… we are not a thing.” “Hindi mo gusto. Pero gusto ka.” Tumawa siya at gumalaw ng bahagya ang balikat. Hindi ako nag-react sa sinabi niya o tawa. I stood there firmly, waiting for his reasons for bringing this up suddenly. “Damn, Alejandro. That woman is f*****g crazy!” he blurted like he is still in shock for whatever reasons he has. “What do you mean?” “Tangina, baliw ata yun sayo. That young girl offered me a f*****g proposal–” “A what?! Proposal?” halos mapaahon ako sa kinahihiligan ko sa sink. “Kinita mo? Nagkausap kayo?” Hindi ko na napigilan ang pagtayo at mabigat na paghakbang palapit kay Soren. I saw how he paused to scrutinize my reactions, even my footsteps were suspicious to him. “Ako ang kinita niya. Ako ang kinausap niya.” He smirked proudly. I bit my lower lip. Anong pinag-usapan niyo? “You like her? Pursue her, hindi ako interesado sa kanya.” He bowed his head and laughed again. Namumula na katatawa sa hindi ko malamang dahilan. “Oh f**k, bro. After the way you reacted? Sasabihin mo na hindi ka interesado sa kanya?” “You can’t base the facts on reactions. You also need words and confirmation, at sinasabi ko na hindi ako interesado sa kanya Soren.” I said with finality. “If you like her, go ahead. Ayoko ng sakit sa ulong bata.” “Saang ulo ba ang masakit? Mukhang ibang ulo ang pasasakitin nun sa mukha at katawan ng Solero’ng iyun.” Napaangat ako ng tingin sa kanya at awang ang labi na hindi makapaniwala. I feel… a bit offended and annoyed by his added statement. “Nung makita ko nga sa malapitan… maganda…” bumaba ang boses niya sa huling salitang binanggit na tila may pag-iingat. “I don’t want to talk about her.” I dismissed the conversation and just shifted my attention organizing the wines and liquors. But I realized something so I stopped. “You mentioned a proposal. Ano ang tungkol doon?” Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko dahil nawala na ang panunuyang ngisi nito at napalitan ng pagseryoso. He seems to believe that I am not interested in that girl. Hindi naman talaga. “Ah! Right. Crazy girl.” Natawa siya muli. “Gusto niya na ibigay ko sa kanya ang mga impormasyon tungkol sayo. Unang una na hiningi niya ay mga lugar na lagi mo raw pinupuntahan o mga lugar kung saan ka niya pweding makita. f*****g psychopath. Syempre tinanggihan ko, but damn! I love the persistence and confidence of that girl. Tangina, pare. Gustong gusto ka.” Ramdam ko ang gigil sa boses ni Soren. “I don’t think so,” I mumbled. “Nasanay lang yun na napagbibigyan, ngayong hindi nakukuha ang gusto… hindi niya matanggap.” “He gave me her calling card. In case my mind changes. Sosohulan pa ako ng spoiled brat na yun.” Bulong bulong ni Soren at akmang babalik na sa sala ngunit pinigilan ko siya. He faced me, namumula ang pisngi at inaantok na ang mga mata. “Pagbigyan mo,” hindi ko alam kung bakit ko iyun nasabi. “Huh?” Lumapit siya sa akin. “Give her the information she is asking about me.” Tamad ko siyang tinapunan ng tingin at bumalik sa ginagawa. “Seryoso ka?” he smirked and took one step. “Yeah. Let’s see where her persistence gets her. Ibigay mo yung gusto niya, pumayag ka.” “You’re playing her,” he accused. “I’m just letting her taste her own medicine. She thinks she can get anything she wants. I’ll teach her a lesson, Hindi pweding dahil gusto niya ay yun na ang masusunod.” “She looks confident though. But I like that idea, gusto kong malaman kung hanggang saan ang tapang ng batang yun. Baka umiyak yun.” Soren playfully smirked as he looked at me. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. I bit my lower lip as I organized some of my stuff in the kitchen. “Sinong iiyak?” narinig ko ang boses ni Franco na kakapasok lang. May dala pang bote ng alak. “May obsess kasing stalker si Alejandro. She looks gorgeous, hot, and decent. But naah! Mukhang easy to get. Mayabang din.” I heard Soren say. Hindi ako pumagitna, dahil may tama rin naman ang mga sinabi niya. Lalo na ang dulo. “Ah. Babae.” Tamad na sagot ni Franco at nagtama ang tingin namin. Ngumisi ito at nilagok ang bote ng beer. Halatang lasing na ngunit patuloy pa rin sa pag-inom. “Masakit sa ulo yan–” “Yun na nga!” Soren interrupted. “Sobrang sakit, sobrang ganda kasi. Sobra rin ang yabang. Halos sampalin ako ng salapi o yaman nila.” “Oooh! I seee…” Franco chuckled. “Hindi mo type, Alejandro?” baling nito sa akin. “Hindi niya type. Pero type panigurado nina Melvrick at Yael ‘to. Pero kung matalino at conservative, magugustuhan siya ni Alejandro.” Soren didn’t stop talking and answering questions that should be mine. “Alam mo naman ang mga tipo niyan, yung mahinhin, mukhang disenti, at matalino!” “Lucianda Solero is top of their class,” I said casually. “But yeah, she is not my type.” Agad kong pambawi. Napanganga si Soren at nakita ko ang pagkamangha na agad rin nawala. I don’t knowmuch about that Solero, pero may naririnig naman ako mula kay Ninya. “Ah, baka yan ang mga tipo ko. Kahit hindi conservative o mahinhin basta matalino.” Franco nodded and laughed a bit. “At maganda. Tamang tama, tipo mo yun!” Soren pointed out. I sighed exhaustedly. Why would that girl f*****g meet my friend? Talagang seryoso siya sa mga sinasabi niya. There must be a reason why she is so eager to get my attention. Ano ba ‘to, pustahan? Tulad ng ginagawa ng mga kaibigan niya? Pinagpupustahan ako? Damn it! Impossibling ' totoong gusto ako nun. If she is f*****g playing with me, then I give her real playtime to teach her a lesson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD