Lucianda Solero INIIKOT KO ANG swivel chair habang pinaglalaruan ang hourglass, kanina ko pa iyun binaliktad at pinapanuod ang pagbaba ng buhangin hanggang sa maubos ang nasa itaas. “Nakapag isip-isip kana ba sa kursong gusto mong kunin?” Napaangat ang tingin ko kay Daddy na imbes na siya ang nasa kanyang swivel chair at lamesa nagtatrabaho ay naroon siya sa couch na may lamesa pumipirma ng mga kontrata o documento. “Can’t you see my job, Lucy? Si Lucan ay iba ang nais gawin sa kanyang buhay. He doesn’t want to settle in business. You’re the only person who can inherit my wealth and businesses.” Kanina niya pa ako kinukumbinsi, dinala na niya ako rito at inikot sa kanyang building. Pinakita sa akin ang iba’t ibang departments, staff, at mga designated works nila. But all I did was hear

