LIGAYA'S POV: -- NANG magsawa akong tumingin sa tubig mula sa ibabaw ng tuloy. Bumalik ako sa karinderya ni Aling Bebang at saka ako dumaan sa likuran kung saan naroon ang bodega. Sinilip ko pa kung nandoon si Kali at sa kabutihang palad ay umalis na ito. Napabuga na lang ako ng hangin at saka sinarado ang pinto at ni-lock 'yon bago ako lumapit sa folding bed ko at saka pabagsak na nahiga doon. Napatitig ako sa kisame at napapaisip sa mga nangyayari sa buhay ko. Kung hindi siguro ako umalis ng bahay baka nasa America na ako nag-aaral or worst isang ulirang asawa na stock sa loob ng bahay? I just groan in frustration as I close my eyes. Mapapasabak ako ng trabaho mamayang gabi sa bar na pinapasukan ni Ivy at Joan kaya kailangan kong magpatulog ng mahaba. Kinagabihan, kutkot ang sarili

