LIGAYA'S POV: -- DUMATING ang araw ng isang linggong bakasyon ko, hindi ako hinayaan ni Aling Gemma na magtrabaho sa mga araw na 'yon. Kaya naman nagdesisyon akong hanapin kung saan nagtatrabaho si Ivy at sa kabutihang palad ay nahanap ko naman agad sila ni Joan. Kasalukukyan akong nakaupo sa high stool dito sa harapan ng bar counter habang hinihintay si Ivy at Joan. Maaga pa naman at sarado pa ang bar na pinapasukan nila. Mabuti na lang at pinapasok ako ng bouncer nang tanungin ko kung nandito ba sila Ivy. Gaya ko ay nagpaampon sila ni Joan sa kanilang pinagtatrabahuhan dahil nga sa nasunog ang apartment na tinutuluyan namin dati. Wala naman kaming ideya na myembro pala dati ng sindikato si Mang Tasyo at sa kabutihang palad ay wala namang nadamay sa aming tenant niya bukod sa mga gami

