Kabanata 32: Karinderya

1762 Words

LIGAYA'S POV: -- NAGING abala ako sa mga panahong tag-init dahil sa mga customer na hindi nagsasawa sa mga pagkaing inihahanda namin araw-araw. Minsan nga dinarayo pa ito ng mga manlalakbay at tila naging sikat na rin ang karinderya ni Aling Gemma. "Ligaya, ikaw ba may balak kang umuwi o magbakasyon man lang?" Usisa sa akin ni Chi-Chi habang naka-break kami kasama si Luna na isa ring serbidor. "Hindi ko alam eh. Tyaka wala naman na akong uuwian bukod sa sarili ko." Kibit-balikat na sagot ko bago sumimsim sa samalamig na hawak ko. Kasalukuyan kasi kaming nasa likuran ng kusina kung saan naroon ang eskinita na dinaanan namin ni Jayson nang ilibre niya ako. Sa sobrang init ng panahon, parang hihimatayin na ako pero tinitiis ko lang dahil kapag bumagsak ako sa hospital, walang mag-aalaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD