HELIO DUNE'S POV: -- NAKAPANGALUMBABA lang ako sa mesa habang pinagmamasdan ang mga kaibigan kong abala sa sarili nilang mundo. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Theros at dahil bakasyon sa school wala kaming magawa. Wala rin si Dyrroth ngayon dahil nagbakasyon sa probinsiya ang pamilya nila. Kung alam lang naming boring ang bakasyon sana sumama na lang kami kay Dyrroth. Wala naman kaming ibang mapaglibang kundi ang tumambay sa bawat bahay ng isa sa amin at mukhang magkakapalit na kami ng bahay dahil sa ginagawa namin. "Pre, may nakita akong bagong bar. Gusto mong puntahan natin?" Rinig kong sambit ni Theros habang kausap si Cyrus. Silang dalawa ang mahilig mag-bar hopping at mangbabae kaya inaasar namin sila na baka isang araw may magpakilala na lang na babae meron silang anak dito. "

