LIGAYA'S POV: -- MALAMIG ang naging pakikitungo sa akin ni Aling Gemma nang bumalik ako sa trabaho. Ni hindi ko na nga pinuntahan si Kali sa presinto para magsampa ng kaso pero nabalitaan na lang namin na wala na sa kustodiya ng pulisya si Kali at 'yon ang ikinagagalit ni Aling Gemma. Hindi kasi sinasabi ng mga ito kung na saan si Kali pero nakakasiguro daw sila na magagamot ang lalaki habang wala ito sa lugar kaya naman wala nang nagawa si Aling Gemma dahil kasalanan naman ng anak niya kung bakit naghimas rehas ito ngayon. Nasa ikalawang taon na sana ng kolehiyo si Kali pero sinayang niya lang ang buhay niya. Muntikan pang makagawa ng krimen na naging dahilan para tuluyang masira ang buhay niya. "Pakilinisan itong mabuti lalo na ang mga kaldero't kawali." Padarag na inilagay ni Aling

