4:00AM
Maaga kong nagising. Naunahan ko pa ang alarm clock na tumunog ng 5 am dahil wala rin naman akong matino na tulog kakaisip. Iniisip ko pa rin kung sino naman ang tatawag sa buo kong pangalan? Sino kaya itong sinasabi ni Laureen na bago naming co-teacher? Hindi kaya iisa lang sila? No no no no! Tama na to! Mag asikaso kana Celestine!
5:00 AM
Tapos na akong magluto, mag asikaso, maligo at magbihis. Ini-lock ko na rin ang bahay. Naglakad nako papuntang sakayan ng Jeep. Pagkasakay ko ng jeep. Ang daming bumabati na sakin. " Good morning po Ma'am Tine." " Good morning po Ma'am" " Hi Ma'am Tine". Lahat ng mga bating yan sinasagot ko lang ng "tungo at ngiti." Kada may sasakay na estudyante, bumabati sila sakin. Nakakatuwa naman. Ang sarap sa pakiramadam na hindi ka nila ini-iisnob lang. Mabuti at naturuan ko sila kung paano maging magalang. Nakarating na ang jeep sa may school. Nagsipagbabaan na kami ng mga estudyante. Nagpahuli na ako dahil ganun naman talaga ang guro inuuna ang mga students niya. Nang makababa na ako, agad akong naglakad papunta ng faculty room. 6 am kasi ang una kong klase kaya kailangan ko pang magprepare. Pagtingin ko sa cellphone ko 5:30 am palang naman. Habang naglalakad, may mga estudyante pa rin ang bumabati ng "Good morning" at may isang bumati sakin na kilala ko agad ang boses. " Good morning bes!" Oo. Tama si Laureen ang best friend ko. Ewan ko ba sa kaibigan kong to ang taas taas lagi ng energy. Ano kaya vitamins nito? " Good morning bes" sagot ko sakanya habang patuloy sa paglalakad. "Bakit mukhang nagmamadali ka?" tanong niya habang humahabol sakin. " 6 am kasi klase ko bes" ani ko. " Hala siya! Anyare sayo bes?! Today is Monday. May Flag Ceremony kaya wala tayong 6 am class. 7 am pa po." banggit niya ng may pagtataka. "Ay oo nga pala, puyat kasi ako bes nawala sa isip ko". katwiran ko habang binubuksan ang pinto ng faculty room. Pagkabukas ko, lahat ng teachers bumati sakin at binati ko rin sila. Pumasok na kami ni Laureen. Magkatabi ang table namin ni Laureen gusto niya kasi HAHAHAHA. Naupo na ko sa table ko at kasunod ko naman si Laureen. Napansin ko na may kakaiba. May katapat na akong table. Wala kasi kong katapat na table noon. Ah so, katapat ko pala ang bagong teacher. Sana mabait siya at maayos kasi mabilis akong nadidistract pag magulo. Ilang saglit pa, dumating na ang bagong teacher na kaharaoan ko ang table. Hindi ako nakatingin pero naririniig ko na ang welcoming ng ilang teachers. " Welcome po Sir" Sir, Welcome po" 'yan ang mga sinasabi nila. Ah, lalaki pala. Okay. Sana lang talaga di siya magulo. Hindi kasi ako malapit sa mga lalaki. May friends akong mga boys pero sobrang pili lang. Pag kaupo niya sa desk. Ramdam ko na nakatingin siya sakin at hindi na nga siya nag alinlangan at binati niya ko. " Good morning, Ma'am Tine". Napatigil ako sa pag aayos ko ng gamit. Kilala ko kasi ang boses na yan. Hindi ako pwedeng magkamali siya iyan. Pero bakit siya nandito? Ano ginagawa niya dito? Bakit dito pa? Ilang segundo kong nakatigil at hindi tumitingin sakanya. Ano ba naman to? Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Nang biglang.. " Good morning daw sabi ni Cairus. Ano ba naman yan bes? Hindi marunong bumari?" Pangugulat sa akin ni Laureen at ang mas nagpagulat sakin ay naconfirm niyanang hinala ko na si Cairus nga yun. Si Cairus nga siya nga! Galaw Celestine! galaw! " Ah, Good morning din po." I fake smiled. Narinig ni Mrs. Oro, aming Department Head ang sinabi ni Laureen and it makes her intrigue. " So.. Magkakilala kayo?" nagtataka niyang tanong samin ni Cairus. " Naku po Ma'am, hindi lang po magkakilala, magkakilalang kilala po". sabat ni Laureen. Nakita kong mas lalong naguluhan si Mrs.Oro sa sinabi ni Laureen kaya sumagot na ako. " Hm.. opo Ma'am magkaklase po kaming tatlo ni Laureen noong High School". sagot ko na may ilang. " Ah okay. That's good to hear meaning to say mas magiging madali kay Mr. Natividad ang makihalubilo at maging comfortable siya sa working environment natin. Sige, see you around girls, I hope you will help Mr Natividad. Mr Natividad, welcome again. Good bye, teachers. Happy Monday". Lumabas na ng faculty si Mrs. Oro. Habang ako naman hindi pa rin lumilingon sa harapan ko. Hindi ko naman siya kailangan harapin. Hindi naman din ako bitter kaya WORK WORK WORK lang Celestine. I looked to his way and smiled at him. He is staring at me. Sabi ko na eh. Huli ka pero di ka kulong. HAHAHAHA. Magstart na ang Flag Ceremony kaya nagsipagbaba na kami. Kasabay konsi Laureen siyempre nang biglang sumama samin si Cairus. Anong problema nito? Hayaan mo na Celestine. Kalmahan mo lang. Nagpapila na ako ng mga estudyante habang nakita ko si Laureen na nakikipagkwentuhan kay Cairus. Ewan ko ba dito sa best friend kong to. Parang si Cairus ata best friend niya hindi talaga ako. Nang nakapila na lahat ng estudyante, nagsimula na ang Flag Ceremony. Nagprayer na pinangunahan ni Mrs. Oro. Pag-awit at kumpas ng Pambansang Awit sa pangunguna ko. Mahilig talaga ko sa pagkanta. Natapos na ang flag ceremony at pinapunta na rin naming mga teachers ang mga estudyante sa kani kanilang room. Nagpunta muna ako sa advisory class ko bago ko nagturo sa una kong klase para paalalahanan sila tulad ng paglista ng mga umattend sa flag ceremony, pag attendance sa loob ng room kung ano ano pa. Masarap sa feeling na may advisory class kasi feeling mo ang dami dami mong anak HAHAHAHA.
"Goodbye class" paalam ko sakanila. " Goodbye Ma'am Tine". sagot nila ng buong galak. Ganyan talaga ang high school after ng klase sobrang taas ng energy. Mamaya maya pa natanaw ko na ang next nilang subject teacher kaya lumabas nako agad at bumati. " Good morning po ma'am, tapos na po kami" sabi ko habang nakangiti. Tumango siya at ako naman ay patuloy na naglakad papunta sa susunod kong klase na nasa kabilang building. Habang paakyat nako sa building, nakasalubong ko si Cairus. Pag minamalas ka nga naman. Sorry po Lord hindi po sadya. Ngumiti sakin si Cairus at nginitian ko nalang siya pabalik. He is so annoying for me. Well, simula pa naman high school annoying na siya. Naalala ko tuloy nung high school kami.
*flashbacks*
July 2013
Semi-finals ng NBA. Mga classmates kong lalaki yun ang pinagkukwentuhan. Narinig ko sila kaya naman nakisali ko. Since mahilig din naman akong manuod ng basketball because of my Papa. " Uy, sino pala nanalo? Gusto ko Spurs eh." pasingit kong tanong sakanila. Pagkasabi ko nun lahat sila magkakaibigan napatingin sakin. At may isang napakayabang ang sumagot sakin. " Pakialam namin" sabi niya habang nakatingin sakin sabay ngisi. Si Cairus yun. Haaaay ang yabang naman nito. Kung ayaw naman akong sagutin okay lang di yung sasagutin ako ng ganun. Hay naku sama ng ugali. Isa lang yung sa pang iinis niya sakin. Bwusit talaga siya. At wala paring pinagbabago. Yung mga ngisi niya na nakakainis. Ayoko talaga siyang nakikitang nakangisi. Feeling pogi na ewan.
Last subject ko na sa Advisory Class ko. Grade 10 na kaya mga matured naman na at mabilis ng kausapin. Mabilis lang din ang mga discussions namin since matatalino din naman talaga sila at masisipag na kasi gustong gumgraduate HAHAHAHA pero seryoso masisipag sila kasi may pangarap silanat nakakatuwang isipin na isa ko sa nagguguide sa kanila sa mga pangarap na yun. Ilang buwan nalang ang mga pangarap nila ay unti unti na nilang sisimulan. Isa rin sa mga dahilan kung bakit mahal ko ang pagtuturo at kung bakit ko ito pinili, yun ay dahil alam kong marami akong isip na dapat hubugin at ihandang mga pangarap. Passion ko talaga ito. Natapos na ang discussion namin at maya maya pa ay nagprayer na kami at naiwan na ang mga cleaners. Alam na nila yun hindi ko na sila pinapaalalahanan. Dahil isa sa mga tinuturo ko sa kanila ay ang disiplina. Pagkatapos maglinis. Nag ayos na rin ako para umuwi. Dinaanan ko sa faculty si Laureen dahil ang last class niya ay second yo the last subject kaya nagpapahinga muna siya dun bago umuwi. Papunta sa faculty, may lumapit sakin at sinabing " Kape tayo?" paglingon ko, oo, si Cairus na naman. Pambihira naman tong tao na to ano kaya gusto nito? Agad ko siyang sinagot ng "Ha? Bakit? Ano meron?" nakakaloka talaga to maisipan talaga ginagawa. Napaka impulsive. Hindi niya naalis yun hanggang ngayon. "Wala naman, first day ko lang dito at first time ulit natin magkita" sagot niya na parang nahiya pero nakangiti. Naawa naman ako baka gusto lang ng pagwelcome kasi nga naman new siya. "Ah. Sigesige. Saan ba?" tanong ko sakanya. " Diyan lang sa may Sky Cafe." nakangiti niyang sagot. Nagkataon pa na sa favorite kong cafe niya ko niyaya. Ano ba to? Stalker. Biglang natigilan ang mga iniisip ko ng biglang tumawag si Laureen. " Hello bes? Papun..." naputol niya ko dun dahil sumagot agad siya ng " Hindi muna tayo sabay bes. May lakad kami ni boyfie HAHAHAHA. See you tomorrow. Enjoy your night. Bye!" " Wait bes...." *tooot toooot toooot tooot" Babaan ba naman ako ng cellphone kakainis din minsan kong best friend ko. Pagkababa ng cellphone ko, tumingin ako agad kay Cairus sabay sabing " Ano? Tara na?" na may ngiting kasama. "Sige tara na angkas nalang kita sa motor ko." Pag aaya niya. Inabangan ko nalang siya sa may parking. Inabot niya sakin ang helmet at agad ko naman itong isinuot. "Sakay na." pag aaya niya. Sumakay nako at humawak sa bakal sa likod at umalis na kami. Pagkadating namin sa Sky Cafe. Umorder na siya at ako naman humanap na ng magandang pwesto na may magandang view. Sakto favorite spot ko ay bakante. Umupo na ako agad. Nagmuni muni ako at ilang saglit pa naupo na sa harapan ko si Cairus. Lakas maka-date ng dating ah. Tinitignan niya ko pagkaupo niya. Hindi ko mapakali. Nakakailang. After so many years ngayon lang ulit kami nagkita tapos ganito na agad kaintense ang eksena. *Eheeem* kunwaring ubo ko sabay lingon namin pareho sa ibang direksiyon. "Ang ganda pala dito noh?" ani niya habang namamangha kakatingin sa view. " Akala ko naman alam mo to? Kaya dito mo ko dinala. First time mo dito?" nagtataka kong tanong. " Ah. eh, nakita ko lang naman kasi to sa f*******: hehehe. Tapos ayun. Hindi ko naman akalain na maganda pala talaga hindi lang sa picture." sagot niya. " Oo. Actually, favorite cafe ko to. Bukod kasi sa maganda at masarap ang coffee, malapit lang siya sa house ko." pagkukwento ko. " Ah. I see. So, you're leaving on your own na?" pag- uusisa niya. Chismoso ha. Naku. "Oo, matagal tagal na din ever since matanggap ako dito sa Public School." sagot ko sakanya. " Minsan, nood tayo ng movie sa place mo with Laureen. That will be fun." feeling close to ah. Well, pwede naman since, he mentioned Laureen. " Okay lang sakin. Sabihan niya nalang ako kung kailan." Dumating na ang order namin. Kakain na sana siya ng bigla akong nagsabi ng " Magpray muna tayo". habang nakataas ang kilay ko. "Sorry na. Hindi kasi ko sanay. Pero sige." palusot niya. " Close your eyes. Lord, thank you for all the blessings You gave to us and for all of the food on our table. In Jesus's Name we pray. Amen." Hindi kasi ko sanay ng hindi nananalangin bago kumain. " Learn this and make it a habit." pagtataray ko sa kanya. "Opo, Ma'am. Sungit mo pa rin." pang-aasar niya. "Napaka babaw mo pa rin mag isip." sumbat ko. " Ay, wait parang iba na yan ah. Huwag ka nang masyadong hot diyan Ma'am. Chill lang. Enhoy the coffee, view, and me." sabay papogi at kindat. " Yuck! Kadiri ka. I will enjoy the cofee and view lang noh! Feelingero!" irita kong sigaw. " Hoke lang naman po Ma'am. Ang ingay ingay niyo naman po ma'am." bulong niya sa harapan ko. " Whatever. Bakit mo ba ko niyaya dito? It is to annoy me? Ang kulit mo talaga." naiinis ko ng sabi sakanya. Biglang tumugtog ang kanta na nagkatinginan kami ng marinig namin.
You always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all I know
Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all I know
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you
Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all i know
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you
I'll never go by Erik Santos. Nakakatawa kasi ito yung kanta namin sa isa't isa during high school. Kumbaga, theme song namin. Naks, lakas maka soap opera. Nung narinig ko ulit to nang kasama ko siya. Kakaiba ang naramdaman ko feeling ko ang dami dami namang tanong sa isa't isa. Feeling ko yung mga tanong na yun ang magpapalaya samin kasi gindi pa talaga kami malaya. Maaaing nakamove on na pero may mga tanong na dapat sagutin para maayos na. Ako aaminin ko sobrang dami kong gustong itanong sakanya kagaya ng "Bakit di mo ko pinaglaban?" " Wala ka ba talagang pangarp para sa ating dalawa?" " No minsan ba di mo ko naisipang kausapin at makapaghiwalay ng maayos?" Hanggang ngayon, yan pa rin ang mga tanong na walang sagot. Tuloy tuloy ang pagtugtog ng kanta.
Come to me and hold me
And you will see
The love I gaved for you still hold the key
Every single day you always at this way
For how many times I told you
I lOVE YOU for this is all I know
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you
I'll never go (I'll never go...)
I'll never go (never go...)
Far away from you
You said you will never leave me all alone that you will fight for us. Naghintay ako Cairus. Hinintay kita. Wala ka. Hindi ka bumalik. Lahat ng iyan gusto kong itanong sa kanya. Pero anong sense? Wala naman na yun. Kahit itanong ko pa sasariwain ko lang eh. " Pwede ba kitang ligawan ulit" nakakagulat niyang tanong. Natulala lang ako hindi ko alam kung ano irereact ko. Trip ba to? Naku, Cairus John wag ako. "Prank to noh? Gino-good time mo lang ako diba? Ano Cairus?" nagjojoke kong sagot para mawala yung awardness. " Hindi. Seryoso ko, Celestine." seryoso siya at nakatingin sa mga mata ko habang sinasabi niya yan. "Wait .." ani ko na naputol dahil nagsalita na siya ulit. "Pero naiintindihan ko naman kung di mo pa kayang sumagot ng agad agaran sa tanong kong yan. Ang mahalaga nasabi ko na sayo na gusto kong pumasok ulit sa buhay mo" pagpapaliwanag niya. Tama siya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa totoo lang. Siguro mas maganda kung mapag iisipan ko muna ng maayos bago ko pumayag o hindi.
Pagkatapos naming kumain. Agad na rin akong nagyaya pauwi. Hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko. Ewan ko ba kung may kinalaman ba yung tinatanong niya sakin kanina sa pagsakit ng ulo ko o sadyang marami lang akong iniisip at pagod na rin. "Uwi na tayo?" pag aaya kong umuwi. " Sure. Baka pagod ka na rin eh. Hatid na kita sa bahay mo". pag aalok niya. "Sige, okqy lang naman." sabay ngiti ko sakanya. Gusto kong maalis yung awardness kaya ngumingiti ako at nagwowork naman. Ngumiti din siya sakinat ramdam ko na pinipilit din niya na alisin yung ilang na kanina pa bumabalot sa aura namin. Pagkatapos kong magligpit. Diretso nako sa labas. Kinuha pa kasi niya yung motor niya sa parking lot eh. Maya maya pa dumating na siya at agad na akong sumakay.
Ang lamig ng hampas ng hangin. Nararamdaman ko ang malamig na simoy. Nakakarelax. Nagmumuni muni ako nang biglang huminto si Cairus at napatigil ako. Andito na pala ko sa bahay ko. "Ay sorry, andito na pala tayo. Baba nako ah. Salamat pala ulit sa cofee and paghatid." pagpapasalamat ko sakanya sabay ngiti. " Ano ka ba? No worries. So, paano? Uwi na ko ah. Good night." ani niya na may kasamang kindat. Ngumiti lang ako at pumasok na habang siya naman ay umandar na papalayo. Nakakatuwa naman ang gabing ito. Pagkabihis ko chineck ko ang phone ko at nakita ko na may nagtext sakin. Yung unknown number na naman.
"Thank you for today?." Nanlaki mata ko. Siya kaya yun? Si Cairus kaya ang unknown number na nagtext sakin nung nakaraan. Sa sobrang curious ko, nireplyan ko ang number. "I'm sorry? What do you mean?" pagtatanong ko sakanya. " Wala. Sabi na magrereply ka pag ganun tinext ko eh. Effective HAHAHAHA." reply niya na nang aasar. Ay! akala ko pa naman. Hindi ko na nireplayan at nahiga nako sa higaan ko. Nakakapagod. Maaga pa ko bukas kaya inilaat ko na ang likod ko sa kama. Ang sarap humilata at magbalot lang sa kumot kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Ito ang gusto kong weather eh. Yung mahangin lang para tipid sa kuryente HAHAHA. Nagscroll scroll lang muna ko sa sss ng biglang nagpop up ulit ang friend request ni Cairus. Inaccept ko na siya. Wala namang malisya. Magkatrabaho kami and soon siguro magiging friends. Bigla bigla, nagchat siya sakin.
Cairus: Hi, thank you for tonight.?
Me: Ako dapat mag-thank you. Thank you ulit.?
Cairus: See you tomorrow.
Me: Sige.
Cairus: Bye.
Me: *liked*
Pagkatapos ng convo namin na yan. Pumikit nako at natulog dahil maaga pa bukas. Wala ng flag ceremony kaya may first class ako.