CHAPTER 39

2634 Words

Chapter 39: The truth AZUL’S POV NAGULAT si Eljehanni nang malaman niya na sampung taon matatapos ang kontrata ng partnership namin. Sinadya ko na tagalan iyon para hindi matapos agad kung hindi ko siya kayang mabawi ulit nang ganoon kabilis. Naalala ko kasi ang sinabi niya noon na hindi siya basta-bastang nagbibigay ng second chance. Iyon ang kinakatakutan kong mangyari. Oo, inaamin kong nasaktan ako sa nalaman kong may anak na siya at ikinasal siya sa nobyo nito na nakilala ko sa Amerika. Pero sa nalaman ko rin tungkol sa iba na hindi ikinasal si Eljehanni ay naisipan kong ipaglaban ulit ang nararamdaman ko. Nanatili pa nga siya sa villa nila at may napagtanungan din ako na sa loob ng tatlong taon na iyon ay subsob siya sa trabaho niya at maganda pa rin ang pamamalakad niya sa farm.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD