Chapter 40: Face off & stuck ELJEHANNI’s POV “ANAK ko nga siya kung ganoon. Ako ang ama niya,” mariin na sambit niya at diretso talaga siyang nakatitig sa mga mata ko. Parang gusto ko siyang sakalin sa sobrang galit ko sa kaniya. Tang-ina niya. Ang kapal ng face ng de pungal na ito. Wala akong balak na sabihin kay Azul ang katotohanan na anak niya si Wez. Dahil ang gusto ko nga ay itago na lamang iyon habang-buhay dahil wala naman talaga akong balak na ipakilala siya kay Wez bilang ama nito. Hindi uso sa akin ang pagbibigay ko ng second chance sa mga taong malaki ang naging atraso sa ’kin. Isang pasakit ang ibinigay noon ni Azul kaya hinding-hindi ko siya mapapatawad. Bigyan pa ng second chance ay napakaimposible na. “I told you na wala kang karapatan—” “Anak ko siya. May karapatan

