Chapter 41: Argument ELJEHANNI’s POV SIMULA nang makauwi kami ay hindi na binitawan pa ng anak ko ang saranggola na ginawa sa kaniya ng lalaking iyon. Ang lapad-lapad pa ng ngiti niya at parang hindi na rin niya ako napapansin pa. Nagmistulang invisible na ako sa paningin ni Wez. Naririnig ko pa nga ang mahinang halakhak niya. Kumikislap nga ang mga mata niya. He looks happy and contented. “Ack! This is so amazing!” he chanted. Napanguso pa ako at naisipan ko na ang lapitan siya. Nakaupo kasi siya sa paanan ng kama at kanina pa niya itinataas ang kite. Umupo ako sa tabi niya at hinintay ko talaga siya na pansinin na niya ako pero wala talaga kaya inagaw ko na iyon sa kaniya. Nagtatakang tumingin na siya sa akin. Pero kinuha naman niya ulit iyon. “Hindi mo na ako pinansin pa simula n

