Chapter 45: Madness MASKI ako ay nagulat sa itinawag ng anak ko kay Azul. Walang nag-utos sa kaniya na tawagin niya itong papa o ewan ko kung may sinabi rin ang lalaking ito sa bata pero base pa lamang sa reaksyon niya ay mukhang wala rin siyang inuutos kay Wez. Talagang matutuwa ka kapag tinawag kang ganoon ng anak mo. Kahit baby pa lang noon si Wez ay kakaibang saya na ang bumabalot sa aking puso. Baby pa lang siya at wala pang kamuwang-muwang ay parang isa na siyang achievement para sa akin. I can’t blame him though. “A-Ano u-ulit ang tawag mo sa ’kin, Wez?” nauutal na tanong ni Azul. Nababasa na rin siya ng ulan kaya ako na ang humawak sa payong. Feeling ko ay matutumba na rin ang kolokoy na ito. Hinang-hina na ang katawan niya. Apektado sa narinig. “Azul?” inosenteng sagot nito at

