Chapter 44: Snawie & Shonie “BAKIT walang signal dito sa inyo?” walang emosyon kong tanong kay Azul. Abala pa rin siya kay Wez na umiinom ng gatas. Ang dami na nga itong nakain na pancake pero subo pa rin nang subo. Hangga’t kaya pa niya talaga ay sige lang siya nang sige sa pagkain. He knows his limit naman. “Uhm. Nasira iyong ano,” magulong sagot niya at tinitigan ko pa siya. Iniiwas niya ang mga mata ko na tila may itinatago siya. Ano’ng masira? “Kailan naman hihinto itong ulan? Kahapon pa ito. Kailangan ko nang ma-survey iyong factory ninyo. Hindi kami puwedeng magtagal dito ni Wez. May mga naiwan pa akong trabaho sa farm,” sambit ko pa. Hindi muna siya sumagot at tinitigan pa niya si Wez. Nang hindi niya ito nasusubuan ng pancake ay kinukulbit siya o kaya naman ay hinihila pabab

