Chapter 49: Second chance “MARAMI na ang nagsasabi na bigyan na kita ng second chance para na rin sa ikabubuti ko at lalo na sa anak natin. Pero paanong nangyari na para sa ikabubuti ko kung palagi kitang nakikita ay naaalala ko lang ang nangyari four years ago? Nandito pa rin naman ang sakit sa dibdib ko, Azul. . . Nagtiwala ako sa ’yo, kaya natatakot na akong mag-risk. Kaya nasa vocabulary ko na hindi ako magbibigay ng pangalawang pagkakataon dahil kapag inulit mo iyon. . . Ako pa rin ang masasaktan sa huli,” hinaing ko at sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Higit na sumikip ang dibdib ko. “T-Tutulungan kita. . . Tutulungan kitang maging maayos. Wala man akong kakayahan na ibalik ang mga panahon na iyon upang hindi ko na magawa pa ang pagkakamali ko ay hayaan mo akong patunayan ko

