Chapter 50: Officially in a relationship HUMIGA pa si Wez sa kama at inaaya niya kami ng papa niya para tabihan siya pero umiling ako. His eyes are puffy. Kawawa naman ang baby boy ko but in the end masaya naman siya. “Ang mabuti pa ay maligo na lang kayong dalawa. Mayamaya niyan ay tatawag si mama o Nanay Lore para kumain na ng dinner,” aniko at itinuro ko ang pinto ng banyo ni Wez. Nasa dulo iyon. “Yes, yes. Maligo po tayo, Papa,” pag-aaya pa niya at naglahad ng kamay para buhatin na naman siya nito. Iyon na nga ang ginawa ng kaniyang ama. Tumayo na ako at naunang naglakad sa banyo at binuksan ko ito. Kompleto naman ang mga gamit dito. Sinenyasan ko si Azul na pumasok na sila sa loob. “Ilagay mo na lang ang marumi niyong damit sa basket, Azul. Bukas ko na lang iyan asikasuhin,” sabi

