Sa resort na pagmamay-ari ng matalik na kaibigan ng aking magulang kami pumunta para hindi kami mahanap ng mga lalake na humahabol sa amin. Sana nga lang at hindi nila kami matagpuan dito dahil ayokong madamay ang mga tao na naririto. Sa isang rest house kami ngayon nag-stay na may private man-made hot spring. Sa sobrang pagod namin sa mga kaganapan ngayong araw, agad kaming nakatulog. Pero nagising ako dahil sa masama kong panaginip, mag-asawa na daw kami ni Christian at nagkaroon kami ng maraming anak. My gosh! Iniisip ko pa lang, nandidiri na ako! Bigla akong nag-alala nang magising ako at wala sa tabi ko sina Aldhos at Thrivon. Bumaba ako sa kama at tumingin sa labas. May floor to ceiling glass door kasi doon na katapat ng kama at sa labas ay ang private hot spring. Doon ko nakita an

