Pabalik na kami ngayon sa farm matapos tumawag ang isa sa mga tauhan na safe na ang lugar at pwede na kaming bumalik sa farm. Actually excited na ako dahil ilang araw din ako nawala at syempre, makakasama na namin si Yhuno. Finally, bumalik na ang lahat ng anak ni Ace siguradong sobrang matutuwa yon pag bumalik na siya sa farm at maganda ang pamamalakad ng kanyang mga anak. Habang palapit kami sa bayan, bigla na lang akong kinabahan, natatakot na baka may humarang ulit. Napansin ko ang isang pamilyar na malaking sasakyan na nakaabang sa amin at nasa tabi ‘non ang mga tauhan ni Aldhos. Sila ang convoy namin papasok hanggang sa makarating na kami sa farm. Sa harap ng mansion, naghihintay si Yhuno kasama ang staff ng mansion. Tuwang-tuwa ang kanilang mukha lalo na ng bumaba ako kasunod nila

