Epektibo nga ang gamot na pinainom sa akin ni Arman. Hindi ako makadama ng antok kaya tuloy lang ako sa trabaho at natatapos ko ng hindi ako lulugo-lugo at hikab ng hikab kakapigil ng antok ko. “Reyna, hindi ka ba napapagod? Parang hindi pa kita nakita na nagpahinga ng konti. Maging ang pagkain ay hindi mo man iniintindi.” Ang puna ni Rosa ng hatiran ako ng isang tasa ng kape. Kahit kasi pagkagutom ay hindi rin ako makadama. Para bang lagi akong busog na busog. Tama lang talaga na sinubukan ko ang pag-inom ng gamot at matutupad na rin siguro ang pangarap kong makapag-diet. Napansin ko rin naman na medyo lumaki ang katawan ko dahil ngayon ay hindi na ako kailangan na magtipid pa sa pera ko. Solong-solo ko na ang kinikita ko gaya ng pangarap ko pa dati. Nabibili ko na ang mga pagkain

