Nadidiri na tuloy ako kay Rosa sa tuwing makikita ko siya at naaalala ko ang kababuyan na ginagawa nila ni Arman sa loob ng bodega. Oo at magjowa sila pero hindi dapat nila ginagawa ang ganung gawain dahil hindi pa naman sila mag-asawa. At sa bodega pa talaga?! Ang cheap talaga ni Rosa gaya ng kung paano siya kapatay-gutom. Pumapayag lang ng ganun siya gamitin ni Arman sa kung saan-saan? Hindi ba sila natatakot na baka may makapag video sa kanila habang may milagrong ginagawa? O kaya ay magbuntis si Rosa? Paano na nga lang kung mabuntis siya? Paano na niya ako mapagsisilbihan kung magiging maselan ang pagdadalangtao niya kapag nagkataon? Napaghahalataan na wala talagang pinag-aralan tong si Rosa. Kung saan na lang bumubukaka at nagpapaganun sa lalaki. Kaya siguro siya nilagawan n

