Kinabukasan... Biglang naalimpungatan si Lucky nang makaamoy siya ng kape sa kanyang kuwarto. Kahit na nakakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo ay pinilit pa rin niyang bumangon. Anyway, hindi na rin naman siya makakatulog dahil nararamdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura at ang ibig sabihin lang noon ay gutom na siya. "Magandang umaga,Lucky. Tamang-tama lang ang pagkakagising mo,iha." ang nakangiting bati sa kanya ni Manang Ising, habang inilalapag nito ang isang tray na punong-puno ng pagkain. Biglang naglaway si Lucky nang makita niya ang pritong galunggong, kamatis, itlog na maalat at sinangag na kanin. Kasama din doon ang umuusok na mug ng kape. Iniabot ni Manang Ising ang mug kay Lucky. "Magandang umaga po, Manang Ising. Naku, talagang umakyat pa po kayo para lang dal

