Ngunit bigla din siyang napasimangot nang makita niya ang isang basket sa tabi ni Andrea. At kung hindi siya nagkakamali, pagkain din ang laman ng basket na iyon... At mukhang nabasa naman ni Daniel ang nasa isip niya. Mabilis siyang nag-isip ng paraan upang maiwasan ang pagsabog ni Lucky. "Ah! Tamang-tama lang ang dating mo, Lucky! Nagdala rin si Andrea ng pagkain... Pagsalo-saluhin natin ang mga pagkain na dala ninyo." ang suhestiyon ni Daniel. He is silently praying na sana ay huwag magkaroon ng gulo sa pagitan nina Lucky at Andrea... Bigla namang nagkatinginan sina Lucky at Andrea. Pigil-hiningang hinintay nina Daniel at ng mga obrero ang susunod na mangyayari sa pagitan nina Lucky at Andrea... Ngunit makalipas pa ang ilang minuto ay muling nagsalita si Andrea. "Actually, pagsalu

