Sa Press Conference… “Gusto ko po sanang magpasalamat sa pagpunta ninyo dito sa aking press conference.” ang pasasalamat ni Lucky sa lahat ng mga taga-media. “Bakit ka nagpatawag ng isa pang press conference, Lucky? Iaanunsiyo mo naba ang nalalapit mong kasal?” ang biglang naitanong ng isang reporter. “Actually, gusto ko pong opisyal na i-anunsiyo sa lahat na hindi na po matutuloy ang kasal. Our engagement is called off.” ang sagot ni Lucky. Bigla naming nagbulungan ang mga tao matapos nilang marinig ang balita ni Lucky. “I am the one who broke the engagement. Dahil nakatira sa San Carlos City, Pangasinan ang aking dating kasintahan, naisip ko na hindi ko kayang mamuhay sa probinsiya buong buhay ko. Nandito ang buhay ko sa Maynila at hindi ko pa kayang iwanan ang mundo ng showbiz.” an

