Kinabukasan. Malungkot na napabuntonghininga si Lucky habang inililibot niya ang kanyang tingin sa buong kuwarto. Sa nakalipas na ilang buwan ay ito na ang kanyang naging tahanan. Mabigat man sa kanyang kalooban ay kailangan na niyang umalis ng Solace Farm. Kahit pagod na pagod siya nitong mga nakalipas na araw dahil sa paghahanda sa debut party ni Lilet, at kahit marami siyang nainom na alak kagabi ay hindi siya nakatulog kagabi. Buong gabi siyang gising dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso. Matapos niyang makita ang eksena sa pagitan nina Daniel at Andrea, she finally decided to end their “contract.” Everything was getting out of hand. Hindi niya inaasahan na mai-inlove siya ng ganito katindi kay Daniel. Itinuring na rin niyang mga kapatid sina Lilet at Ampuchong,

