Maingat na inihiga ni Daniel si Lucky sa kama nito. Inaayos niya ang pagkakahiga ng dalaga at pagkatapos noon ay kinumutan niya ito... "Good night, Lucky. By the way, we will have a very long talk tomorrow..." ang bulong ni Daniel, habang nakatitig siya kay Lucky. Tatayo na sana siya upang lumabas na ng kuwarto ngunit nagulat na lamang siya nang biglang hawakan ni Lucky ang kamay niya... "Please don't go..." Lucky groaned, while her eyes are still closed. Gulat na napatigil at napalingon si Daniel kay Lucky. Nakita niya ito na nakapikit pa rin. Naisip niya na marahil ay nananaginip ito. Ngunit unti-unting nag-iinit ang kanyang pakiramdam nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Lucky sa kamay niya. Goodness gracious, kung ano-ano na lamang ang biglang pumapasok sa isip niya!

