Lumipas ang ilang araw... Sa ngayon nga ay busy sina Lucky at Andrea para sa paghahanda sa engrandeng debut party ni Lilet. Hindi na naitago ni Lilet ang kanyang excitement nang pumunta sila sa kakilalang mananahi sa bayan ng San Carlos... Pumunta sila sa boutique upang magpasukat at magpagawa ng gown para sa debut ni Lilet. "Wow,ang gaganda naman ng mga gown dito, Ate Andrea!" ang namamanghang sambit ni Lilet, habang tinitignan niya ang mga gowns na naka-display sa boutique na iyon. "Mabuti naman at mukhang nagugustuhan mo ang luagr na ito, Lilet... Kaibigan ko at may-ari at siya rin ang nagde-design at gumagawa ng mga gowns. Pero nakiusap na ako sa kanya na mas lalo pa niyang pagandahin ang magiging gown mo pagkatapos ka niyang sukatan..." ang nakangiting pahayag ni Andrea. Salamat,

