GRACE Nagising na lang siya nang maramdaman niya ang paghaplos sa kanyang buhok. Nakita na lamang niya na si Sir Edric ang nandito sa hospital. Palagi na lang itong nasa hospital kasama siya. Mas inuna pa siya nito kaysa sa ibang bagay. Sa totoo lang nahihiya na siya kay Sir Edric. Hindi niya lubos akalain na ganito ito kabait sa kanya. Hindi man lang ito humingi ng kapalit. He treated her special at iyon ang pinagtataka niya. Wala itong kahit na anong reklamo basta gusto lamang siya nitong asikasuhin. “Good Morning, Grace! How’s your sleep?” Papungas-pungas nitong tanong sa kanya. Naawa na siya rito. Palagi na lang itong nagbabantay sa kanya. Uuwi lamang ito kapag kukuha ng damit. Iiwan man siya nito pero saglit lang. May nagbabantay din sa kanya, ang bodyguard/driver nitong si Lloyd.

