GRACE Kararating lang niya sa opisina ni Edric. Nagtataka siya sa malaking ngiti nito sa labi habang naglalakad ito papalapit sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit. Kahit na nagtataka siya sa kinikilos nito ngayon ay niyakap niya rin ito pabalik. Naweweirduhan talaga siya sa kilos ng nobyo niya. “You know what…” Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya. Nakahawak pa rin siya sa beywang nito. Napatitig siya sa mga mata ni Edric at nakita niya ang kasiyahan doon. “May surpresa ako para sa’yo, Grace.” Puno ng galak sa tono ng boses nito. Iba ang pakiramdam niya rito. Parang kinakabahan siya sa klase ng tono ng boses nito. Naguguluhan siya sa totoo lang. Sinong hindi maguguluhan kung pagpasok pa lang niya sa mismong opisina nito ay ganito ang kanyang nadatnan? Ang weird talaga nito minsan a

