NATHANIEL “Hey!” Rinig niyang tinawag siya ni Dave ngunit hindi niya ito pinansin dahil abala siya sa kakatingin sa bagong pinalabas na magazine ng Valmorida’s Clothing line. Masaya siya ngayon sa tinatamasa ni Grace. Kahit na hindi niya ito nakita sa personal ay nasubaybayan pa rin niya ang nangyayari sa buhay nito. Hindi sapat sa kanya na sa magazine lang niya ito nakikita kaya lang hindi siya makapunta ng Amerika. “Anong ginagawa mo?” Pabagsak itong umupo sa kanyang tabi, pero hindi pa rin niya sinagot ang tanong nito. Obvious naman kasi kung ano ang ginagawa niya. Bakit pa niya sasagutin ang katanungan nito? Iniisa-isa niya ang pagbuklat ng magazine dahil nai-enjoy niya ang pagbabasa sa kung ano ang kaganapan sa buhay ng dalaga. “Grace na naman? Hindi ka ba nagsasawa? Siya na la

